Nang matapos na ang Sunday School namin, inayos na namin ang mga upuang ginamit namin dito sa Cultural Hall at isinalansan sa sa gilid.
Ang senaryo dito a ymay mga batang gumagamit na ng cellphone pagkatapos ng klase dahil may wifi dito sa simbahan. Ang iba naman ay naguusap, may mga nanay na pinapatulog ang mga babies nila at ang iba binabantayan ang mga batang naglalaro.
Nakakatuwang tignan. May kanya kanyang klase ang mga bata, mga dalaga't binata, kaming mga single adult at mga Relief Society pati ang mga Priesthood.
Saka lamang magmemerge ng klase ang Priesthood, Relief Society at kaming mga Single Adult kapag tapos na ang isang klase namin.
Ang primary naming tinatawag ay ang mga batang nag eedad ng 5-13 taong gulang. Ang mga Young Women at Young Men o tinatawag na Youth ay 14-17 taong gulang, kaming mga 18 taong gulang pataas ay Single Adult, saka lamang kami magiging Priesthood o Relief Society kung may asawa na kami.
Sa mga Young Men, ang Priesthood lamang na hawak nila ay Aaronic, at sa mga Priesthood na may mga tungkulin sa simbahan ay Melchizedek. Mas malakasang power ng Melchizedek kesa sa Aaronic.
Pinagmamasdan ko ang paligid at halatang masayang masaya ang mga miyembro ng simbahan namin habang nag uusap sa isa't isa. May kanya kanya silang grupo upang makipagsalamuha.
Sila Mama at Papa naman ay nakikipag usap kay Tito George pati kay Tita Anana kapwa mag-asawa at mga magulang ni Harris.
Nasan kaya yon?
Umupo muna ako sa isang tabi at nilabas ang cellphone ko sakanagscrool muna sa fb dahil nakaconnect naman ako sa wifi.
"Sabbath Day na Sabbath Day, nagcecellphone ka" panimula ni Harris saka tumabi sa akin.
"Ikaw nga Sabbath Day na Sabbath Day kumakain ka. Bumili ka sa kantina no? Sabi nang bawal bumili kapag Sunday tigas ng ulo mo" umirap ako.
"Ikaw nga nagcecellphone e -. "
"Atleast ginagamit ko to maghanap ng pwedeng matutunan sa mgs propeta." Pambabarag ko.
"May repentance naman -- "
"Ayan tayo, hindi porke may repentance e paulit ulit mo nang ginagawa yung mali mo. MALI YON" pagdidiin ko sa huling katagang nasabi ko.
"Edi sorry na. Eto naman galit agad. Di ko na uulitin" saad nito saka mas lumapit sakin at hinapit ang bewang ko papalapit sakanya.
Hindi ako umimik. Tamang hanap lang ako ng mga latest Conference Meeting namin kung saan nagsalita ang First Presidency patungkol kay HesuKristo.
Pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko, at mas hinapit niya pa ako papalapit sakanya.
Hindi ko pa din siya pinapansin.
We stayed silent even our surroundings are full of conversations and laughs. "Uy" yugyog niya sakin.
Kiniliti niya ako sa bewang pero pinigilan ko ang kiliti ko don at parang walang nararamdaman.
"Sorry na" saad niya. Umirap lamang ako at nanonood ng mga sinasabi ng mga leaders namin sa simbahan.
"Faith" pagtawag niya sa pangalan ko.
"Sorry na please" panunuyo niya.
"Uy" saad niya saka pindot niya sa pisngi ko.
"Ano?" Saad ko na para bang naiirita.
"Sorry na" saad niya lumingon ako sakanya at tinitigan siya ng mabuti.
His brown eyes begging for forgiveness and his lips are now pouting.
Ang ganda halikan.
Napailing agad ako sa naisip ko. The heck?
BINABASA MO ANG
A Memory to Remember (On Hold)
Romance"Difficulties in life are not the reasons to give up. I cried. I suffered. I failed. But those hindrances will not stop me from claiming my dreams. I fell. I stood up. Memories from my past doesn't define of who I am today." Yan ang sinasabi ni Fait...