Nagdaan ang ilang araw matapos ang concert, napansin kong masyadong naging busy si Harris. Nakakapagtaka lang dahil nga bakasyon naman na nang matapos ang finals sa school.

I'm expecting for his calls and texts like he used to do, but I expected too high.

Wala akong nakuhang texts at calls sakanya. I wonder kung ano ang pinagkakaabalahan niya at masyado siyang busy pati girlfriend niya nakakalimutsn niya nang i-update.

Hindi naman sa nagrereklamo ako about don pero sana naman magparamdam siya kahit text lang para malaman ko naman kung okay ba siya.

Tinetext ko siya ngunit wala siyang reply, kapag sa chats naman, nag-oonlinenaman siya pero kapag chinachat ko siya ay seen lang ang tanggap ko, at kapag tawag naman ay pinapatayniya.

I'm starting to get worried.

Mas lalo pa akong na-disappoint ngayong araw na to, 'cause I'm expecting that he would greet me at 12 midnight. It's my birthday today.

Pero parang nakalimutan na ata ni Harris na mahalaga ang araw na to ngayon, hindi ko alam ang mararamdaman ko dahil birthday ko ngayon pero yung taong ineexpect ko na unang unang magreet sa akin ay hindi man lang niyanaalala.

Nagising ako around 7:00 am, tirik na ang araw sa labas, pagkamulat ko ay tinignan ko muna ang cellphone ko kung may text si Harris pero as expected, wala pandin siyang paramdam. Hindi naman ako yung tipo ng babae na makikipag away boyfriend niyakapag hindi nabibigyan ng time.

Siguro may personal problema siya na gusto niya na siya lang ang magso-solve non. I knew him too well, kaya kapag alam kong may mali ay binibigyan ko siya ng espasyo para makapag-isip siya ng maayos at para hindi din siya masakal sa akin. Mas maayos namanna siguro yon. Hindi na kami bata para mag away sa mababaw na dahilan.

Tinali ko ang buhok ko paitaas saka pumunta sa bintana para ayusin ang kurtina. Nagpapakita ang view sa labas, madaming puno, kalsada at yung mga bahay na malapit sa amin.

Agad kong inayos ang higaan ko, tiniklop ko ang kumot ko saka isinalansan ng mabuti kasama ang mga unan at sinuguradong patag ang bedsheet. Kinuha kosa isang gilid ang walis tambo saka ako nagwalis sa loob ng kwarto ko.

Hindi naman siya masyadong madumi ngunit ayaw ko lang ng makalat na silid. Naiirita ang paningin ko kaya nag-lilinis ang ng kwarto ko kahit walang masyadong kalat. Puro alikabok lang ang nakuha ko nang ilagay ko ito sa dustpan.

Tinapon ko ang mga alikabok na yon sa trashcan ko.

"Parang may kulang" bulong ko sa sarili ko. Pumunta ako sa study table ko at inalis ang plug ng charger ng bluetooth speaker ko. Binuksan ko ito at kinunektasa cellphone ko.

Habang nagpa-play ang music, muli kong binuksan ang messages ko kay Harris.

To: Harris Love?

Love, magtext ka nalang kapag okay ka na ha?

Busy ka pa ba?

Uy, ilang araw ka nang di nagtetext, tumatawag at nagchachat. Ayos ka lang ba?

Love, nag aalala ako sayo.

Goodmorning love, ingat ka palagi ha. Don't skip meals. Just text me if you need me okay? I love you.

Love, ano na? Wala ka nang paramdam. I'm starting to miss you. :((

Napabuntung-hininga ako dahil hindi lang yan ang mga mensahe ko sakanya pero hindi pa din siya nagre-response. Parang may kakaiba akong nararamdaman ngunit ayaw ko siyang pagdudahan. Alam ko kung gaano niya ako kamahal at malabong gawin niya yung iniisip ko.
Kinuha koang mga madudumi kong damit na nasa CR na nakalagay sa isang lalagyan. Nilagay ko ang bluetooth speaker at ang cellphone ko sa ibabaw ng hawak hawak kong labahin para hindi ako maboring habang naglalaba. Nang makita kong walanang kalat dito sakwarto ay binuhat ko angmga lalabhan ko saka pumunta sa baba.

A Memory to Remember (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon