Tumatagaktak ang pawis ko habang nanginginig ang buong katawan ko, pakiramdam ko, sinalang ng 180°C ang mga tuhod ko dahil nanlalambot na talaga.

Napalunok ako ng mabuti, eleminated na ang limang kalaban ko, dadalawa nalang kaming natira.

Masyado siyang mahirap talunin, matalino din siya masyado.

Ang kaliwa kong kamay, nakahawak sa table, habang handanghanda naman ang kanan kong kamay na i-press ang buzzer kapag nagtanong na agad ang Emcee.

Pakiramdam ko, matatalo ako. Masyado siyang mahirap kalabanin.

Napatingin ako sakanya, He's tall and neat, yung buhok niya parang bunot pero nababagay yon sa itsura niya, parehas lang kami na nakasalamin ng makapal.

May nunal siya sa sentido niya, ang sabi ng matatanda kapag may nunal sa sentido, matalino, kung sa unang tingin, hindi talaga siya yung tipo ng lalaki na attractive tignan, hindi rin agad mapapansin ang features ng mukha nlya pero ngayong pinagmamasdan ko siya, may itsura din ang isang to.

Sa likod ng makapal na salamin niya, makapal ang mga kilay nito, panglalakingpanlalaki, mahahabang pilik mata na mas nagpaakit pa sa mga mata niya. Itim na itim. Ang ilong niya na matangos, at ang labi niyang manipis at kulay rosas.

Gwapo siya, pero mysterious type.

"Andforour final category, give the definitions of the given questions"

"We have only 5 questions, and each questions contains Five points" dagdag nito.

Napatingin ako sa paligid, punung-puno ng mga estudyante, sa pinakaharap ay ang mga guro, at principal sa iba't ibang paaralan na kasali sa Regional Meet.

Napalingon ako kung saan nakaupo ang mga kaklase ko, kitang kita ko sakanila ang pangungutya at panghuhusga sa mga mata nila.

Halos walang nagcheer sa akin na sumali dito sa patimpalak na to ngunit hindi yun ang rason para itigil ko to.

Kasi alam kong kaya ko.

Nakitako angpag irapni Philie sa akin, saka humalukipkip at ngumisi. Alam ko ang iniisip niya.

Pinagdadasal niya na matalo ako at pahiyain ko ang sarili ko sa dagat ng tao dito ngunit hindi ko siya hahayaang matagumpay.

Kasama ni Philie si Dan, Wendy at yung tatlong aliporesni Wendy,si Tricia,si Telle at si Joy.

Galing nila sumipsip sa dalawang matatalinong yan, if I know sinisiraan din nila si Dan at Philie.

Napailing nalang ako at tinuon ang sarili ko sa emcee. Nagtama ang paningin namin ng representative ng ibang school.

Yumuko siya ng bahagya para magbigya respeto, kaya ganun din ang ginawa kosaka kami nagkangitian sa isa't isa.

Buti pa itong isang to, matalino pero marunong pa ding mapagkumbaba. Ganyan ang edukado.

"First question, in the article 8, In Judicial Department, Section 2 is all about?"

Halos sabay kami ng kalaban ko na pumindot ng buzzer, nanginginig ang mga kamay ko habang hinihintay ang desisyon ng mga judges kungsino angnauna.

Napahinga ako ng maluwag nang ako ang tinawag ng emcee para sumagot.

I cleared my throat and I told myself to focus well, kailangan kong manalo dito.

Inilapit ko ang mikropo sa tapat ng bunganga ko saka tumingin sa dagat ng tao.

Huminga ako ng malalim at tumindig nang matuwid hinawakan ko sa ang magkabilang side ng lamesa saka lumunok ulit.
Yung kabang nararamdaman ko, pakiramdam ko, lalabas yung puso ko sa sobrang lakas ng lukso.

A Memory to Remember (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon