Nagdaan ang ilang buwan mas nagiging matatag ang relasyon namin ni Harris, ang routine namin every weekdays, pupunta siya sa bahay namin susunduin ako at sabay na kaming pupunta ng school, at kapag weekends naman nandito lang siya sa bahay o di kaya ay tumatambay kami sa talampas para palipasin ang buong maghapon, o hindi kaya at sinasamahan ko siya mag aral about sa mga batas dahil criminology ang kinukuha niya.
Si Harris yung tipo ng tao na, kahit naging boyfriend na ay hindi pa din nagbago ang ugali niya, parang kaibigan pa din ang turingan namin sa isa't isa, ngunit nadagdagan lang ng label.
Naalala ko noon na nakatulog ako kahit bumisita siya sa bahay, kaibigankopalang siya noong mga panahon na yon at nagising ako na umilyak.
"Harris, natatakot ako, baka saktan nila ako ulit" saad ko habang yakap yakap siya, mahigpit ang kapit ko sa damit niya habang humahagulgol ng iyak.
Paulit-ulit ang mga senaryo sa utak ko noong hinarass ako nila kuya Den at tito Kael. Ramdam ko ang panginginig na bumabalot sa buong katawan ko. Parang naramdaman ko ang mga hawak nila sa akin habang ginagawa nila ang mga kababuyan nila.
Idagdag pa na nasa panaginip ko kung paano ako sinaktan ng ilang ulit ni Philie par alang umangat sila.
"Shhh don't cry, Faith nandito na ako, nandito lang ako." Saad ni Harris. Nakayakap lang ako sakanya at nagtagal ang posisyon naming ganon hanggang sa tumigil na ako sa kakalyak. Nagpaalam siya saglit dahil may kukunin lang daw siya sa baba.
"Dito ka lang ha? Rest ka lang babalik ako." Inalalayan niya akong sumandal sa headboard ng kama, nilagyan niya muna ito ng unan saka niya ako pinasandal. He slightlt tapped my head and gave a kiss on my forehead.
Nakatulala lang ako habang inlisip ang mga nangyari sa akin noon.
Ang hirap hirap pa din dahil kahit na nandyan si Harris na umalalay sa akin ay hindi pa din matanggal sa utak ko yung mga katarantaduhang ginawa nila sa akin.
Matagal nang nangyari ang mga yon ngunit parang kahapon lang nangyari, dahilan ng sobrang takot ko sa mga tao, dahilan ng sobrang introvert ko na kahit si Harris ay tinataboy ko palayo sa akin.
I can't handle another betrayal again. I can't handle another pain, pakiramdam ko hindi ko makakayanan kapag sinaktan na naman ako ulit.
Narinig ko ang mahinang katok ni Harris sa pinto hawak hawak ang isang tray at doon nakalagay ang mga pagkain ko.
Nanghihina ang buong katawan ko kaya tinignan ko lang siya at hindi nagsalita, pakiramdam ko ay napagod ako sa kailyak dahil sa panaginip ko kanina. My eyes are puffed and I can't even see things clearly.
Pinanood ko lang na pumasok si Harris at lumapit patungo saakin hawak hawak ang tray ng pagkain, pinausog niya pa ako para mabigyan siya ng espasyo para umupo sa kama ko. Nakatingin lang ako sakanya. Kinuha niya ang bed side table at inilapag yon sa kama. Nasa pagitan ng stand nito ang mga hita ko. Isa isa niyang nilagay ang pagkain sa bedside table. May mga prutas doon kasama na ang mansanas, ubas at orange, may isang basong gatas at fried rice na may sunny side up na itlog pati bacon.
Madami actually yung nilagay niyang pagkain, papatabain ata ako ng isang to kahit alam niya namang hindi ako tumataba kahit anong kain ko.
"Susubuan pa ba kita?" Saad niya. Hindi ako umimik at napatingin lang ako sakanya ng matagal. Hindi ko pa siya gaanong nakakasalamuha at mas naninibago ako dahil siya lang ang taong ganito.
Hindi ko pa siya gaanong kapalagayan ng loob ngunit alam ko namang mabait siyang tao.
Pinanood ko siyang kinuha ang kutsara at kumuha ng pagkain saka niya ito itinapat sa bibig ko.
"Say ahh" he smiled. sinubo ko naman ang pagkaing pinapakain niya sakin
BINABASA MO ANG
A Memory to Remember (On Hold)
Romance"Difficulties in life are not the reasons to give up. I cried. I suffered. I failed. But those hindrances will not stop me from claiming my dreams. I fell. I stood up. Memories from my past doesn't define of who I am today." Yan ang sinasabi ni Fait...