Hawak hawak pa din ni Harris ang kamay ko habang papunta kami sa school.
"I like you"
"I like you"
"I like you"
"I like you"
Nag eecho sa utak ko ang mga sinabi niya kanina. Is he serious?
Napatigil ako sakto sa harap ng gate ng school. Natigil din sa paglalakad si Harris saka bumalingsa akin.
Napatingin ako sa kamay naming magkahawak saka tumingin din sakanya.
"Seryoso ka?" Tanong ko sakanya.
Tumawa siya ng bahagya at lumapit sa akin saka ako tinitigan ng mabuti. Pakiramdam ko matutunaw ako sa mga titig niya, parang may kumikiliti sa tyan ko kapag malapit siya sa akin.
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko saka ako tinignan nang deretso sa aking mga mata saka siya ngumiti ng pagkatamis-tamis.
"Seryoso ako. Gusto kita" malumanay na saad niya.
Hindi ako makagalaw, pakiramdam ko, binuhusan ako ng malamig na tubig at nagmistulang yelo. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam ko, para akong lumulutang sa ere.
I blinked a lot of times trying to absorb his sudden confession.
"But, I won't rush you to like me back, Faith. Hihintayin kong magkagusto ka din sa akin." Ngumiti siya ulit sa akin.
Nagmumukha akong tuod. Hindi ako makapagsalita dahil daig ko pa ang pipi at bingi na clueless sa lahat ng bagay.
Alam kong namumula na ang buong mukha ko pero hindi ko pa din maalisangtitig ko sakanya.
"Ihahatid na kita sa room niyo bago ako pumasok sa klase" saad niya saka niya ulit hinawakan ang kamay ko.
I let him intertwine his fingers with mine. Nagmukha akong robot na sunud-sunuran sakaniya dahil hindi ko talaga alam ang irereact ko.
It was so damn awkward!
Nang makarating na kami sa harap ng room namin, nagsilabasan nanaman ang mga kaklase kong crush na crush si Harris, napairap nalang ako dahil sa inasal nila.
Parang mga palakang nabuhusan ng ulan dahil sa ingay. Kokak!
Humarap ako sa kanya saka ngumiti.
"Sabay tayo umuwi mamaya" panimula ko.
Ngumiti naman siya sa akin saka ginulo ang buhok ko.
"See you later" saad niya.
Bigla nalang akong nagulat nang kinabig niya ako sa likod saka ako hinalikan sa noo. Sa tanang ng buhay ko, ngayon ko lang nahigit ang paghinga ko ng hindi nahihirapan, pakiramdam ko hindi lang basta sa ere ako lumulutang nang maramdaman koang lambot nglabi niya.
Impit na tilian ang narinig ko sa mga kaklase ko nang ginawa niya yon. Feeling ko sampung pako ang pinako ng martilyo sa mga paa ko dahil hindi na talaga ako makagalaw.
Umalis siya sa harap ko at naglakad palayo. Lumingon ulit siya sakin at nagkumaway, kumaway din ako pabalik at ngumiti sakanya.
Pumasok na ako sa room at hinintay ang prof namin na dumating. Madaming nagtanong sa akin kung anong pangalan ni Harris.
Hindi ko naman sila matanggihan kaya sinabi ko nalang ang ayaw unang pangalan niya
"Yes. He's... John" Pagpapakilala ko sa mga kaklase ko.
Magtatanong pa sana sila tungkol sakaniya ngunit dumating ang prof kaya umayos na sila at umupo sa kanya kanyang upuan.
BINABASA MO ANG
A Memory to Remember (On Hold)
Romance"Difficulties in life are not the reasons to give up. I cried. I suffered. I failed. But those hindrances will not stop me from claiming my dreams. I fell. I stood up. Memories from my past doesn't define of who I am today." Yan ang sinasabi ni Fait...