Mabilis lang lumipas ang oras. Hinihintay ko lang din matapos ang finals nila Harris. Sa wakas ay makakasama ko na din siya. He was too busy, and understand. Mahirap din kasi lalo na ngayon at college life na talaga.

Simula nang mapasabak ako sa college, wala akong ginawa kundi ang mag-aral palagi. Punung-puno ng libro ang kama ko dahil sabi ni Papa mahirap talaga kapag tumungtong na sa college. He was right. Ever since naging college student ako ay hindi ko na ata alam ang salitang tulog sa dami ng pinapagawa ng mga proffesors. Kung minsan nga, tambak na tambak kami sa gawain.

Saka ko nalang naenjoy mag-aral ng college nang dumating si Harris sa buhay ko. Siguro nga nung una ay ayaw ko pa munang magtransfer ng school dahil sa former school ko komportable na ako, ngunit alam kong mayrason.

Hindi ki alam na ang rason pala na yon, ay magbibigay sakin ng sobrang kasiyahan. Lalo pa ngayon at hindi ko ramdam na dinidiscriminate ako ng mga kaklase ko, at mahal na mahal ako ng taong mahal ko.

Wala na akong mahihiling pa. Kuntento na ako sa kung anong meron ako ngayon dahil na sa akin naman na lahat. Hindi ko sinasabing nasa akin na ang lahatwhenin terms of attitudes, physical features but the people around me makes me feel contented.

Nandyan yung sumusuporta sila sa lahat ng gusto ko, may nagcocomfort, at may tanggap ako kung sino ako at don na ako masaya.

"Kamusta naman yung pakiramdam na tapos na ang finals?" Saad ni Glenn habang kumakain ng junkfood. Napairap ako sa kinakain niya. Ano makukuha niyang sustansya jan? Asin? lwww.

Umupo siya sa tabi ko, nasa cafeteria kami, kasama din namin mga kaklase namin kaya okay lang din para maiwasan ang issue. Lalo pa at napaka-famous ng katabi ko, eh baka mamaya sabunutan nalang ako ng mg fan girls niya e delikado.

"Sobrang Nakaka-relax. Wala nang inaalala. Next week nga bakasyon na. Argh. Thanks G, makakapagpahinga na utak ko ng maayos" saad ko. Napatawa naman siya, habang yung mga kaklase ko nagsisikwentuhan ng kung ano, yung iba naman kumakain lang at walang pakialam kahit na napakaingay namin dito sa table na to.

"By the way, Faith. Is it true na nagda-date kayo ni Glenn?" Out of nowhere na saad ng isa sa mga kaklase naming babae. Nang iintriga at halata sa mga mata niya na pinaglilink niya kaming dalawa.

Duh.

"What? No!" Sabay naming saad ni Glenn. Nagkatinginan din kaming dalawa saka tumawa. Nagkaroon ng katahimikan ang table namin at naglipat-lipat ang tingin ng mga kaklase namin, sa aming dalawa ni Glenn saka kami kinantyawan.

"Alam mo, bagay kayo" gatong pa ng isang lalaking kaklase namin.

"Ay nako ha, naiinggit na ako" saad naman ng isa pa. Nagsi-ingay sila dahilan ng mga ibang estudyante ay nagsitinginan sa direksyon namin. Pakiramdam ko gusto ko nalang magpalamon sa lupa at itanggi sa lahat ng tao dito na kasama ko ang mga to.

Mga siraulo.

Nililink pa din kaming dalawa ni Glenn, hindi ako makapalag dahil hindi din pumapalag yung isa. Mas nadagdagan ang inis ko. Kanina okay lang, pero ngayon hindi. Badtrip.

"May boyfriend siya" mababang tono na saad ni Glenn, kaya naman ang kantyawan ng mga kaklase ko biglang nawala, pati ang alingawngaw ng mga boses nila dito sa cafeteria. Biglang nagkaroon ng kapayapaan ang tenga ko dahil tumahimik.

"Is it true?" Saad ni Rea. Lahat ng atensyon nila ay nakatuon sa akin, hinihintay ang sagot ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko saka binuksan ito at pinakita sakanila ang wallpaper ko na nagto-toothbrush kami ni Harris sa CR na naka-wacky. Agad inabot ni Rea ang cellphone ko, at di na ako magtataka sa reaksyon niya dahil kilala din si Harris sa university.

A Memory to Remember (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon