Kapag wala sila Tita Ana ay ako ang nag aalaga kay Harris, lagi kong inaadjust yung kama niya pataas saka ko itatas ang unan niya para maayos ang pagsandal niya kapag kakain. Ako na din ang nagluluto ng pagkain niya.
Sabi ng Doctor bawal sakanya ang mamantikang pagkain, pati yung mga baked foods, syempre bawal na din ang mga may soda katulad ng softdrinks. Kaya palaging mga gulay ang niluluto ko.
Minsan inaatake siya ng sakit niya at wala akong magawa kundi panoorin lang siyang iniinda ang sakit niya. Hindi ako makaiyak sa harap niya dahil alam kong mas panghihinaan siya ng loob.
llang linggo na din ako dito sa hospital at wala akong sapat na tulog dahil lagi akong nakabantay kay Harris, nangingitim na din ang ilalim ng mga mata ko at nangayayat na din ako ng kaunti ngunit hindi ko ininda yon. I just conceal my eyebags using concealer, para hindi makita ni Harris na stress ako.
Mas okay nang maging stress na inaalagaan siya. Kailangan kong magpakatatag para sakanya dahil alam kong kinakailangan niya ako ngayong nanghihina siya at hindi ko gustong ipakitang nanghihina din ako dahil ako ang kinakapitan niya.
Mahal na mahal ko siya, at gagawin ko lahat ng makakaya ko para maging maayos ang kalagayan niya.
Ganun naman kasi talaga diba? Kahit gaano kahirapang sitwasyon, kung mahal mo yung isang tao, magsasakripisyo ka talaga.
Hindi naman kasi puro saya at kilig ang relasyon, minsan, kinakailangan din ng sakripisyo.
At doon, masusukat kung hanggang saan kakayanin yung relasyon.
Umupo ako ng maayos sa tabi ni Harris, kitsng kita ko ang laking pagbabago sa pisikal na anyo niya, pumayat na siya at humaba na din ang buhok niya, tinutubuan na din siya ng bigote. Mahimbing siyang natutulog at halata sa mukha niyang nahihirapan siya sa sitwasyon niya.
Magpapakatatag ako, Harris. Hanggang sa gumaling ka hindinghindi ako aalis satabi mo
Nangingilid ang mga luha ko sa mga mata ko at nagbabadya na itong tumulo ngunit pinigilan ko. Nakita ko kung paano siya masaktan sa paraan ng pagturok sakanya ng mga gamot. Nakita at napanood ko paano siya sumigaw sa sakit kapag sumisikip ang dibdib niya. Nakita ko kung paano tumulo ang mga luhang palagi niyanv pinipigilan. Nakita ko kung gaano kahigpit ang paghawak niya sa damit niya kapag sumasakit ang puso niya.
And it wrecks me everytime I watch him suffer like this.
Ang daming taong masasama sa mundo, bakit yung taong importante pa sa akin?
Ang daming taong halang ang kaluluwa, bakit yung tao pang rason ng mga ngiti at tawa ko?
Bakit pa yung taong mahal ko?
Hindi ko sinisisi ang Diyos kung bakit nangyayari ito sa amin, alam kong may plano siya at alam kong gagabayan niya kaming dalawa.
Biglang bumukas ang pintuan kaya napalingon ako doon. Napangiti ako nang si Tita Ana ang nakita ko.
"Anak, kain ka muna" saad niya. Inabot niya sa akin ang pagkain na binill niya sa isang fast food chain.
Malugod ko naman itong tinanggap at ngumiti sakanya.
"Thank you po, Tita" saad ko, saka ko nilabas ang pagkaing dala niya sa loob ng paper bag.
Binalot ng katahimikan ang paligid, tanging makina lang na nakakabit kay Harris ang naririnig pati ang electricfan sa gilid.
Umupo naman si Tita sa tabi ko at pinagmasdan ang kanyang anak. Nakita ko kung gaano siya naaawa dito at nakikita ko din na nahihirapan siya.
"Alam mo? Palagi kang kwinekwento ni Harris sa akin" saad niya habang nakatingin pa din sa anak niya.
BINABASA MO ANG
A Memory to Remember (On Hold)
عاطفية"Difficulties in life are not the reasons to give up. I cried. I suffered. I failed. But those hindrances will not stop me from claiming my dreams. I fell. I stood up. Memories from my past doesn't define of who I am today." Yan ang sinasabi ni Fait...