R-18 (PS: Di lahat ng R-18, bed scenes )

Naramdaman kong may malambot na paghaplos sa buhok ko. Hindi ko pa dinidilat ang mga mata ko ngunit alam kong si Harris ang gumagawa non sa akin. Naririnig ko pa din ang malalakas na ulan at hangin sa labas. Hindi pa umaalis ang bagyo.

"I love you"

Mahinang bulong lamang lyon pero tamang tama lang sa pandinig ko.

"Damn, ang ganda mo." Saad niya pa. Hindi ko alam ang gagawin ko. Bigla na lamang sumilay ang mga ngiti ko sa labi at naramdaman kong natigilan siya dahil tumigil din ang kamay niyang humahaplos sa buhok ko.

"Ikaw ah, pinapantasyahan mo pala ako habang natutulog" saad ko, ngunit hindi ko pa din minumulat ang mga mata ko. Mas isiniksik ko pa ang sarili ko sakanya na siyang hinayaan niya lang.

Hindi siya umimik. Rinig na rinig ko ang bilis ng tibok ng puso nlya.

I giggled. Minulat ko na ang mga mata ko at tumingala sakanya. Hindi siya umilmik, ngunit namumula ang buong mukha niya habang nakatitig sa akin.

"Good morning, babe" saad niya saka ito ngumiti sa akin.

"Good morning" ngumiti din ako sakanya pabalik.

He leaned closer and he's attempting to kiss me but I covered my mouth with my hand.

"Hindi pa ako nagtoothbrush" saad ko sakanya.

"So what? Kahit bad breath ka hahalikan pa din kita" saad niya. Inalis niya ang kamay kong nakatakip sa bibig ko at nilapit niya ulit ang mukha nlya sa akin.

Sa sobrang pilya ko, hinawakan ko ang mukha nlya at tinulak siya palayo.

"Magtoothbrush muna bago tukaan" natatawang saad ko saka bumangon. Tumayo ako at dumeretso sa CR nlya saka naghilamos, nang matapos na ay nagtoothbrush na din ako.

Sumunod naman siya. Magulo ang buhok ni Harris at tinatamad pang kunin ang toothbrush niya. Pinagmasdan ko lang siya sa repleksyon ng salamin habang nagsisipilyo.

Tahimik lang kaming dalawa ngunit ramdam ko ang titig ni Harris sa likod ko nang yumuko ako para makapagmumog. Nilagay ko na din sa tamang lalagyanan ang toothbrush ko saka ako humarap sakanya.

Ngumiti lang siya sa akin habang nagsisipilyo samantalang ako umupo sa sink saka siya pinagmasdan ng mabuti.

Damn, ang gwapo pa din kahit bagong gising.

Nang matapos na siya ay nagtoothbrush ay naghilamos na din ito.

"Tara, ako magluluto ng breakfast natin" saad ko saka ko hinawakan ang braso niya at hinila siya papalabas ng CR.

Paglabas namin ng CR, nagulat na lamang ako nang hillahin niya ang braso ko na siyang dahilan para mapalapit sakanya saka niya ako agarang binigyan ng halik sa labi.

Halos mahigit ko ang hininga ko nang maramdaman ko ang lambot ng labl niya sa labi ko. Nagtagal din lyon ng ilang segundo saka niya ako binitawan.

Napahugot ako ng malalim na hininga saka ko siya tinitigan parang tuta na humihingi ng tawad sa amo niya.

Sumilay ang ngiti sa labi ni Harris saka niya ginulo ang buhok ko.

"Wala pa akong goodmorning kiss e, kinuha ko lang" saad niya saka niya ako iniwang nakatulala sa kwarto.

I blinked thrice. Did I just let him kiss me?

Napasapo ako sa noo nang mahimasmasan ako sa nangyari.

Umalis na din ako sa kwarto ni Harris atsaka bumaba, at nakita ko siyang naghihintay sa kusina.

Kumuha nalang ako ng madaling lutuin sa ref nila.

A Memory to Remember (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon