Time flies so fast. Hindi ko namamalayan na mabilis ang araw. Lagi lang akong nasa kwarto nakatambay, lalabas lang kapag may kailangan.

My room is only my comfort zone. Walang maingay, walang mang iistorbo. I just love to be alone.

I am already taking my medicines because of my sickness. Hindi ko alam na kailangan pala yon. I just agreed with my parents, hindi ko naman hahayaan ang sarili ko mabaliw dahil sa depression na to.

As Papa said, nailipat na nga ako ng school. Mas okay na din na mailipat ako dahil walang makakakilala at makikipag usap sakin. I just hate how people wants to talk with me. I hate also the attention they give.

Parang feel ko fake lang sila makitungo, so it's better to distance myself.

Tatlong linggo na makalipas nang nailipat ang ng school. Tatlong linggo makalipas na din nag umpisa ang klase. I'm just glad na kokonti lamang ang subjects namin pero alam ko pag tumagal tagal stress na ang aabutin ko dahil 3rd year college na ako.

I just woke up early and took a bath. I am now wearing my new uniform. I just hate it because it's too girly. Wala lang akong magawa dahil required na mag uniform. Every P.E. day lang kami pwedeng mag ordinary basta may I.D.

Umalis sila Mama at Papa dahil daw may aasikasuhin sa transactions nila. Transaction siguro sa business. I just shrugged.

"Nanay Imelda, ano pong pagkain?" Tanong ko sa kasambahay namin na ngayon ay naghahanda na sa hapag.

"Eto, Bacon tapos itlog, nagsangag na din ako ng kanin, hindi ba at paborito mo yon?" Masayang tanong nito sa akin.

Tumango ako. Kahit kailan ay hindi talaga nagsawa si Nanay Imelda mag alaga saakin simula pagkabata. Siya ang nakakasaksi kung gaano ako kaiyakin. Kung paano ako lalapit sakanyang madungis dahil sa pambubully nila.

Umupo ako atsaka nagsimulang kumain. Habang kumakain ako ay naramdaman kong nakatitig si Aling Imelda sakin kaya nman napatingin din ako sakanya.

"Sumabay na po kayo kumain" ngiti ko sakanya. Umupo naman siya sa tabi ko at kumuha siya ng sarili niyang pagkain.

"Ang bait mo pa ding bata ka" panimula niya. Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain ko saka lumingon sakanya habang kumakain.

"Kahit na inaapi ka ng iba hindi ka pumatol. Pero alam kong nagtitiis ka sa kalungkutan mo ngayon" saad niya.

Para ko na ding ina si Nanay Imelda simula pagkabata ako nung laging wala sila Mama at Papa para sa trabaho.

Tumingin siya sakin at hinaplos ang pisngi ko saka siya ngumiti.

"Sana maging masaya ka na at bumalik na ang dati mong sigla, anak" dagdag niya pa.

My heart sank. I did not witness her saying these things, ngayon lang, naramdaman ko ang pagmamahal na binibigay niya saakin.

"I'll be okay soon nanay" I assured her.

"And I promise, When I get back to my old self, you'll the first person who will know it" ngiti ko.

"Let's eat na po nanay, baka malate pa po ako" I urged her.

Tahimik kaming kumain. Pagkatapos non ay kinuha ko na ang bag ko, nagpaalam ako kay Nanay bago pumasok ng kotse para magpahatid kay Mang Boy, ang driver namin.

Kahit tatlong linggo na ang nakalipas mula nang pumasok ako sa paaralan, di ko pa din maiwasang kabahan. Idagdag pa ang takot ko sa mga taong nadidikit saakin at sa crowded places.

Nang makarating ako ng school, nagpaalam ako kay Mang Boy at pinaalalahanan siyang mag ingat pauwi. Ngumiti naman ito at binilinan din ako.

Nang makapasok ako sa school, nakahinga ako ng maluwag dahil wala akong nakukuhang atensyon. Nakakapaglakad ako ng  maayos. Mabuti na lang at wala akong kakilala dito kahit isa. Hindi din ako kilala kaya wala akong maaagaw na atensyon.
Pumasok ako sa room  namin at pinili kong umupo sa pinakalikod na upuan. Magulo ang classroom nang maabutan ko. ang ingay.

May nakikipagkwentuhan, may parang magbabasketball kahit walang bola, sa kabilang gilid naman may naghahawakan ng kamay, at yung iba puro paganda ang alam. Napairap ako sa mga pinaggagagawa ng mga ito.

Saktong pagkaupo ko ay ang pagpasok ng Prof namin sa subject na to.Agad silang umayos ng upo na para bang walang gulong nangyayari kanina.

Napailing ako. Ang weird.

Nakinig ako ng mabuti habang nagtatake notes. Nahihirapan lang ako ng kaunti dahil hindi siya nagsusulat sa blackboard. Kung magsusulat naman siya ay hindi ko maintindihan so it makes me more frustrated.

Maayos naman ang paglelecture niya pero matagal ako magsulat kaya minsan kapag nakakapagsabi siya ng definitions hindi ko masulat lahat.

Nang matapos na ang oras para sa unang subject namin, tinignan ko ang phone ko kung may susunod pa na subject. Meron pa pero Pagkatapos ng 15 minutes.

Nagsilabasan ang iba sa mga kaklase ko, ang iba nanatili at nagsimula nanamang mag ingay.

Huminga ako ng malalim, agad kong nilabas ang headphone ko at ni-connect ko sa cellphone ko via bluetooth.

Dahil matagal tagal na din ako hindi nakakapagsocial media, napadesisyunan kong buksan ang facebook account ko. Matagal ko na tong hindi binubuksan simula nang nagkaroon ako ng sakit.

I just avoid toxicity from social media, madami na din kasi akong nakikitang inappropriate things na hindi nababagay sakin lalo na sa mga kabataan.

They also promoting nudities! Lalo na sa mga viral scandals, and I hate it. Nakikita din ito ng mga bata kaya hindi talaga maganda maimpluwensiyahan ng internet.

Nang buksan ko ito, matagal na pala akong nakapagpost. Way back 2017 pa.

I just scrolled down and then there's something that caught my attention.

John Harris Dela Vega sent you a friend request.

Napairap ako. Pati ba naman dito kukulitin ako netong lalaking to?

Dahil mabait naman ako, cinonfirm ko na siya agad.

I scrolled and scrolled my newsfeed then I saw a post of Wendy and her three friends.

Nangilid ang mga luha ko nang maalala ang mga ginawa nila sakin.

Wendy posted their pictures together with her squad with a caption " with fellas xoxo ❤️ "

Napairap ako. Fellas?I was suppose dto be with her squad but they just used me for academic purposes.

Naalala ko, ako ang gumagawa sa lahat ng projects nila, lagi kosilang pinapakopya ng quizes at exams. I also do their essays before mine.

They were my first priority when I was in junior high but they just threw me away like they are not benefited by me.

Ginamit lang nila ako.

Natawa ako sa loob loob ko. Kamusta na kaya mga utak ng mga yon? Talangka pa din ba?

Nang tumingin ako sa harap, dumating na din ang Prof namin kasabay ang mga kaklase kong nasa labas kanina. Walang umiimik, halatang takot sila sa teacher na to. Mukhang istrikta. Nakasalamin ito at malinis ang pagkakabun ng buhok. Nasa mid 30's kung tatantsahin. Pati postura niya ay sumisigaw ng pagka awtoridad.

Nagsimula na siya magklase at napaThank God nalang ako sa loob loob ko nang nagsusulat siya sa blackboard at naiintindihan. Pati ang paglelecture niya ay nalintindihan ko ng maigi. Masaya siya magklase. Nagpapatawa siya ngunit kapag nasobrahan na ng ingay at papaluin niya ang lamesa gamit ang stick na hawak niya, at babalik sa walang emosyon ang mukha niya.

Realquick. I really admire this teacher.

Nang matapos na ay nagkaroon kami ng short quiz. Dahil na din nakinig ako ng mabuti, I got the perfect score.

Nang umalis na ang Prof ay nagsialisan na din ang mga kaklase ko.

Nilagay ko ulit ang headphone ko at nagpamusic. Sinalansan ko muna ng maayos ang mga gamit ko bago lisanin ang room.

I checked my schedule and I have 2 hours before my class will start.

Matagal tagal. Gusto kong tumambay sa di mataong lugar.

Bigla akong napahinto nang biglang kumalam ang sikmura ko. Shit. Ayaw ko sa mataong lugar Faith ngayon ka pa nagutom!

Pumunta ako ng cafeteria at hinintay kong matapos pumila ang mga tao doon. Nang klaro na, agad akong pumunta sa counter at nag order ng pagkain.

"Salamat po" saad ko sa nagtitinda, binigyan niya lamang ako ng matipid na ngiti.

Bumuntong hininga ako ng wala akong makitang bakanteng lamesa. Napalinga linga ako sa paligid. Tae naman gutom na ako!

"Ms. Villanueva!" Isang malakas na sigaw ang narinig ko. Wait what? Hindi naman siguro ako yon hindi ba? Madami naman sigurong Villanueva dito.

"Ms. Faith Martina!" Saad ulit ng boses na iyon at alam ko nang ako iyon. Napakunot ang noo ko hanggang sa makita ako ang kamay na kumakaway sa di kalayuan. Mag isa niya lang doon. Napairap ako.

Pati ba naman dito pepestehin ako nitong gago na to?

Wala akong choice kundi pumunta sa direksyon niya. Halos lahat occupied na ang lahat kaya sakanya na ako tumungo kahit labag sa kalooban ko.

"Nice. Ikaw ang lumapit ngayon ah" pang aasar niya. Umupo ako sa harap niya and I act like he's not existing.

"Magsalita ka naman" saad niya.

Nilagay ko ang bag ko sa tabi ko at nilapag ko din ang pagkain ko sa lamesa at nagsimula nang kumain.

Nagkibit balikat siya at kumain na din siya.

"Transfered ka dito?" Panimula niya.

Tumango lamang ako.

"May kasama ka?" Saad niya.

Umiling ako.

"Perfect!" Pumalakpak pa siya.

"Why?" Saad ko habang nakataas ang kilay ko sakanya.

"Tayo nalang lagi magkasama!" There is excitement on his voice.

"Alam mong takot ako sa tao. Pati sayo" umirap ako saka sumubo ulit ng pagkain ko.

'Bakit nga ba?" curious na tanong niya.

Hindi ako umimik.

"Alam mo curious na curious ako bakit ang layo layo ng loob mo sa ibang tao. Pati sakin ang sungit mo"

Tumingin ako sakanya, nakapout pa.

"Defense mechanism" tipid na saad ko.

"What do you mean defense mechanism? So you are distancing yourself for you to not get hurt?" Saad niya.

I just nod.

"Ang boring mo kausap promise" pagmamaktol niya.

"Kumain ka nalang. Wag mo pakialaman buhay ko. Sabi ko nga sayo diba? Maiiyak ka kapag nalaman mo" dere deretsong tugon ko.

Nagkibit balikat siya at kumain na din.

Nag lingat ako, hindi lang dahil posibleng masaktan, kundi baka masira nanaman ang tiwala ko, sabi ko sa loob loob ko.

"If ever you want to have a crying shoulder. I am always here" saad niya.

Napaangat ang tingin ko sakanya. He look so sincere.

But, no. Nakakatakot.

"Thank you for the offer but no thanks" ngiti ko sakanya.

"I will gain your trust" eager na sabi niya.

"If you can" saad ko.

I don't want to be depedent to him. I know, he will give up as soon as possible.

"By the way, may klase ka?" Tanong niya.

"Wala. Mamaya pa after two hours" tugon ko.

"Great! 2 hours din bago yung klase ko. Tambay muna tayo dito. Transfered din naman ako dito kaya wala akong kasama. Ikaw lang kilala ko. Pretty please?"

"Alright" saad ko.

Sabagay wala din akong kilala dito kaya okay din naman siguro na makasama ko siya kahit ngayon lang para naman mejo magaan din pakiramdam ko.

Madami siyang kwinekwento tungkol sa mga napagdaanan niya, samantalang ako tamang kinig lang.

Ngayong kasama ko siya, ngayon ko lang din naobserve ang physical features niya.

From his shiny clean cut hair, makapal din ang kilay nito, mahahaba ang pilikmata niya, mapupungay ang mga mata niya at kulay kayumanggi ang mga ito. May nunal din siya sa bandang kilay niya sa kanan.

Matangos din ang ilong nito, pati ang labi niyang parang hindi pa nahahalikan ng kahit sino.

Wait, what did I just say?

Matangkad din ito, tantsa ko mga 5'6, ayon sakanya, nagdadrums siya at isa siyang varsity player ng basketball lalo na sa village nila.

He was sincere when he said that he'll gain my trust to make him as my friend.

I should guard myself from him. Hindi ko alam ang balak niya kaya mas maganda nang makasigurado bago matraydor ulit.

A Memory to Remember (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon