Simula nang makita ako ni Harris na umilyak sa loob ng C.R. na yon hindi na niya ako iniwang mag isa.
I know it's a little bit strange but I'm always letting him to go near me. Parang nawala yung takot ko sa paglapit sakin ng tao.
Lalo na sakanya. He's doing everything to make me laugh and smile and I am so thankful to have him in my life.
Parang dati, iniiwasan ko lang siya dahil sa sobrang takot kong masaktan ako ng iba, pero ngayon okay na.
Nalaman din nila Mama at Papa na magkaibigan na kami kaya mas lalo namang kumapal ang mukha ni Harris.
Lalo pa ngayon pumasok nalang siya basta basta dito sa kwarto ko habang ako naman nagbabasa ng aaralin para sa midterm.
"Kaya ka kinalinggitan e, masyado kang masipag mag aral" saad niya saka umupo sa tabi ko.
Napairap ako sa kawalan saka sinara ang librong binabasa ko.
"Hello? Midterms na after 3 weeks, mas okay nang handa no." Saad ko saka humarap sakanya.
Napatawa siya. "Mamaya mabaliw ka"
"Sakin" dagdag niya.
Biglang umasim ang mukha ko sa sinabi niya.
"Nakakadiri ka" saad ko saka humalukipkip.
Ilang buwan na din ang lumipas simula nung naging magkaibigan na talaga kami. Siguro 5 months na kaya sanay na ako sa mga banat niyang walang kwenta.
"Sus, pag ikaw talaga nabaliw sakin baka kotongan pa kita" sabi niya saka nilalaro ang ballpen ko na nakalapag sa mesa.
"Hinding hindi yon mangyayari. Ang eewwww ng personality mo" sabi ko saka siya binelatan.
"Wow ah, samantalang sinasabi mo na "i'm so lucky to have you as my friend" 'sana nandito ka lang palagi sakin' 'sana di mo ko iwan' taena mo" he said while mocking my voice and doing make faces saka siya umirap.
Tumawa ako sa ginawa niya.
"Bakla." I uttered unexpectedly.
Tumayo ako saka iniwan sa sa study table ko pero sumunod siya.
"Ano sabi mo?" Di siya makapaniwala sa sinabi ko.
I chuckled a bit.
"Sabi ko bakla ka" saad ko, habanginaayos ang kumotkonahindipanatitiklop kaninang nagising ako.
Agad niyang hinablot ang braso ko saka tinitigang mabuti.
"Ulitin mo nga?" He clenched his jaw but I just laughed at him.
Pikunin.
"Bakla ka kako" saad ko.
Hindi ako nakapalag nang ihagis niya ako sa kama saka niya ako kiniliti sa leeg, paa at bewang ko.
"Harris!" Sigaw ko. Halos hindi ako makahinga kakatawa sa ginagawa niya.
"Ano ba! It tickles!" Pabiling biling ako sa higaan habang abala pa din siya sa pagkikiliti sa akin.
"Hoy! T-tigil! Di ako makahinga ano ba!" Saad ko habang tumatawa pa din.
"Sige lang sabihan mo lang akong bakla" panunuya niya. "O-oona, h-hindi na!" Tugon ko kahit hindi ako makalaban.
Sobrang lakas pa man din ng kiliti ko!
"H-Harrisano ba! Tama na s-sabi e! HAHAHAHAHA oy tama na! Nakakakiliti!" Tili ko.
"Mabuti sayo yan" sabi niya habang abala pa din sa pagkikiliti sakin.
"Ah! Harris naman el Nakikikiti ako!" Sigaw ko sa mukha niya.
Tawa pa din ako ng tawa dahil sa ginagawa niya.
"Stop! It tickles!" Tili ko pero parang wala siyang naririnig.
Nang magsawa siya ay hinawakan niya ang dalawang braso ko at itinaas sa ulo ko.
Nakadagan tuloy siya sakin saka niya ako tinitigan ng taimtim habang hawak hawak ang magkabilang kamay ko.
"Nextime wag mo akong sasabihang bakla" biglang bumaba ang boses niya. Malamig at nagbabanta.
Tumawa ako sa harap niya. "Eh anong gagawin mo pag sinabihan kita ng BAKLA?" I emphasized the last word.
"I'll kiss you" pagbabanta niya.
"Edi kapag hinalikan mo ako, friendship over na din tayo" pambablockmail ko sakanya.
"Sabi ko nga hindi kita hahalikan, titirahin kita" sabi niya saka tumawa ng malakas.
"Manyak" saad ko saka pilit na tinanggal ang mga kamay niyang nakahawak sa mga braso ko.
Nasanay na ako kay Harris, mahilig siya sa green jokes pero hinahayaan ko lang.
Nakikipagsabayan na din ako sakanya para mas lalo akong maging komportable.
Normal nalang samin ang ganito. Nagkikilitian, nagbibiruan, nagsasakitan.
Pero sobrang the best, kasi alam kong may tatanggap sakin ng buong buo kahit na alam niyang may kinakahaharap akong malaking problema.
"Umalis ka nga jan" saad ko nang matagumpay kong naalis ang mga kamay ko sa pagkakahawak niya.
Humiga naman siya sa tabi ko pero nakatagilid siya at nakaharap sa akin.
Humarap din ako sakanya saka kami nagkatitigan.
"Buti nalang nakuha ko na din tiwala mo. Tignan mo ang saya mo na" sinserong saad niya
Agad kong dinampi ang mga palad ko sa pisngi niya saka ito dinama gamit ang hinlalaki ko.
"Thanks to you" I smiled at him genuinely.
"There. Ang ganda mo ngumiti. Ang panget mo kaya kapag umiirap ka tapos laging nakabusangot mukha mo. Mukha kang losyang" saad niya.
Umirap ako saka sinampal siya sa pisngi.
"Ouch. Tangina mo" sabi niya saka minasahe ang pisngi niya.
"Tanginamo too" tumawa ako.
Bigla siyang lumapit sakin saka pinatong niya ang ulo ko sa braso niya, hinayaan ko lang dahil nasanay na akong ganito siya.
Niyakap niya ako ng mahigpit saka hinalikan ang noo ko.
"I want us to stay like this forever" bulong niya sa akin.
Biglang lumakas ang tibok ng puso ko at kinakabahan ako dahil baka naririnig niya ito.
Matagal ko na itong nararamdaman simula nung magkaibigan kami. Natural pa ba kaya to? Bago lang to sa akin e.
Pakiramdam ko aylumulutangakosa alapaaphabang kayakap ang isang John Harris Dela Vega.
Hindi nalang ako umimik kundi niyakap nalang siya ng mahigpit.
Mabuti nalang at dumating siya sa buhay ko at naranasan kong maging masaya ulit.
Hindi man ako bumabalik sa dating laging masigla at masaya, pero papunta na doon.
Tinulungan ako ni Harris sa lahat, I faced my fears. Ngayon mejo marunong na din ako makipagsocialize sa ibang tao at nalalapitan na din ako ng iba.
Nandun pa din ang takot na baka saktan nila ako pero nasa likod ko pa din si Harris upang umagapay sa akin sa lahat ng bagay.
Magkaibigan ang mga magulang namin kaya mas mabuti nalang siguro na makipag kaibigan din ako sa anak ng kaibigan nila Mama at Papa.
Wala namang mawawala.
Inangat ko ang tingin ko kay para makita si Harris.
Nakatulog na pala siya. Mas siniksik ko ang sarili ko sakanya at niyakap pa ng mahigpit.
Hindi ko man alam kung ano ang meron sa nararamdaman kong ito, hindi ko man matanto kung saan nanggagaling ang pagkabog ng dibdib ko ng sobrang lakas kapag nakikita at nahahawakan ko siya, hindikoman sigurado ito,pero alam kosa sarili ko na ayaw kong mawala si Harris sa buhay ko.
Mukhang hindi ko kakayanin mawala siya.
Siya lang ang kinakapitan at kinukuhanan ko ng lakas.
Naramdaman ko ang bigat sa mga talukap ko kaya hinayaan ko nalang ang sarili kong tangayin ng antok.
BINABASA MO ANG
A Memory to Remember (On Hold)
Romance"Difficulties in life are not the reasons to give up. I cried. I suffered. I failed. But those hindrances will not stop me from claiming my dreams. I fell. I stood up. Memories from my past doesn't define of who I am today." Yan ang sinasabi ni Fait...