Nakatuon ang atensyon ni Harris sa pagdadrive habang ako naboboring na dito, nakakainis kasi naiwan ko yung bluetooth speaker ko!
Sa dami ng makakalimutan yon pa, pero ayos lang hindi naman masyado importante yon, atsaka isa pa kasama ko naman si Harris at mayroon kaming komportableng katahimikan.
Sa sobrang boring ko, binuksan ko nalang ang cellphone ko saka inopen ang mobile data nito. Nag-scroll lang ako sa facebook account ko dahil matagal tagal ko din itong hindi nabuksan. Sa texts at tawag naman kami laging nakatambay ni Harris kaya minsan ay hindi ko na namamalayang masyado pala akong distant when it comes on social media.
Habang nag-i scroll ako ay biglang may nagpop na notification kaya naman agad ko itong binuksan out of curiousity, it was a memory, 2 years ago so I tapped that notification at nakita ko yung picture ko.
I was wearing my make up, highlighting my morena skin, my hair was curled in tiny strands, and I was wearing a red fitted gown. Kitang kita ang kurba ng katawan ko sa picture, I was smiling brightly waving at the big crowd, with a large crown on my head, bouqet of flowers on my left arm also my trophy.
Napangiti ako nang mapait nang makita ko ang picture na yon, agad kong pinindot ang share button atsaka ko siya nilagyan ng caption.
"Before I got this title, They attempted to hurt me and bring my life to darkness".
Wala pa si Ma'am Pauleen dahil nasa meeting siya, habang ako naman ay nagbabasa lang ng mga darating na lessons, maingay ang paligid kaya minsan hindi ako nakakapag focus, ayaw ko naman silang suwayin dahil alam kong hindi nila ako papakinggan bagkus ay lalaitin pa nila ako sa itsura ko. May kanya kanyang trip ang mga kaklase ko, si Dan na kanina pa nagbabasa ng libro, halatang hindi na kumakain dahil sobrang palaaral, sila Philie at Wendy kasama ang tatlopa nilang alipores na nagtatawanan, mga kaklase kong nag e ML, mga kaklase kong nagbabasket ball kahit walang bola, mga kaklase kong naggigitara at nagsisikantahan, samantalang yung iba sumasayaw sa harap.
Napailing nalang ako sa senaryo ng room, napakaingay.
Dumating si Ma'am kaya naman naging behave na ang lahat, sa pagkakaalam ko may laannounce daw si Ma'am ngayon kaya naman excited ang lahat kung anoangyung darating na program dito sa school.
Kung sa academic related yan sasali ako, pero kung ibang field ng activity, PASS.
"Before I'll discuss our lesson today, I would like to inform you that we'll be having our upcoming 18th founding anniversary here at our school." Biglang naghiyawan ang lahat. Alam ko din na sobrang excited sila dahil don, magkakaroon ng competition when it comes to dancing, singing and acting, magsisilabasan ang clubs at booths which is really exciting.
PARA SAKANILA.
Wala namang nakakaexcite jan, buti sana kung related sa pinag-aaralan, mas magugustuhan ko pa sana. Kailan lang nung nanalo ako ng quiz bee, ang boring non pero nakakatense dahil nga malupit yung kalaban ko, pero dahil nga mahal ako ng Diyos at alam niya kung gaano ako katakot kay Papa, binigay niya sakin yung blessing na yon para maging proud ang mga magulang ko.
I'm thankful for that.
Napabuntung-hininga ako sa pagkaboring, ang lame naman ng program na yan, hindi nanaman ako aattend ng founding aaniversary.
"And we'll be having pageant for the said event. Para exciting!" Punong puno ng excitement sa boses ni Ms. Pauleen.
Napabuntung-hininga ako ulit, wala bang quiz bee? Karamihan sa mga estudyante dito sa paaralan hindi nag aaral ng mabuti tapos may ganito pang event which make them more idle. I just rolled my eyes with annoyance.
BINABASA MO ANG
A Memory to Remember (On Hold)
Romance"Difficulties in life are not the reasons to give up. I cried. I suffered. I failed. But those hindrances will not stop me from claiming my dreams. I fell. I stood up. Memories from my past doesn't define of who I am today." Yan ang sinasabi ni Fait...