Nang makarating ako sa school, nailang ako agad dahil sa atensyong natatanggap ko sa mga mag aaral.

Gustong gusto ko nang magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko. Alas siyete palang ng umaga at maganda na ang panahon, malamig ang simoy ng hangin ngunit tirik na tirik na ang haring araw na nagliliwanag sa buong paligid.

Madami akong naririnig na bulung-bulungan sa paligid, ngunit hindi ko sila pinapansin.

Mga matang mapanghusga, mga matang mapanlait, mga matang may pangdidiri. Lahat ng mga matang yon nakatuon sa akin pinapanood ako na naglalakad sa hallway.

Hawakhawak ko ang makakapal na libro, yakap yakap ko ang mga ito, nakayukong naglalakad sa alon ng mga estudyante.

Tipikal na estudyante, nakasuot ng uniporme, sukbit ang bagpack at nakasalamin ng makapal.

Napatigil ako sa paglalakad nang may biglang bumatok sa ulo ko. Napatingin ako sa lalaking dumaan sa harap ko. Hindi ako umimik.

Humalakhak ang mga estudyanteng nakasaksi sa pambabatok sakin ng isang estudyante.

Hindi ko na lamang ito pinansin. Pagkarating ko sa room namin, nadatnan ko ang magulong mga mag-aaral.

Mula sa pagkukumpulan ng mga kaklase kong babae at nag-uusap usap na may halong pagtawa, mga lalaking akala mo may basketball court dahil nagdidribble kahit walang bola, isang estudyante na nagbabasa lamang ng libro, mga naglalaro ng gamessacellphone nila saka magmumura kapag natatalo.

Napailing na lamang ako at humakbang ng isang beses para makapasok sa silid.

Ang ingay na naririnig ko ay biglang maglaho nang makuha ko lahat ng atensyon nila. Napalunok ako ng sobra nang tignan ako ng mga kaklase kong babae pataas pababa at nagbubulung bulungan sa isa't isa, saka sila tumawa na para bang ang presensya ko ay isang hamak na kalokohan lamang.

Tumingin sila sa akin ng may halong pandidiri at panghuhusga.

Tahimik kong tinahak ang direksyon ko papuntang upuan ko. Bumalik ulit ang ingay nang pinanood nila akong nakaupo na.

Mamaya maya, i-aannounce na ng guro namin kung sino ang sasali ng Quizbee competition, ngunit nangangamba ako na hindi ko makuha iyon dahil matalino si Philie. Ang Top 2 namin sa klase, sumali din si Dan na nakita kong nagbabasa kanina kahit na ang ingay ng buong klase.

Mabibigat ang mga kalaban ko. Patay naman ako kay Papa kapag hindi ko nakuha ang slot na yon para makuha ang gold medal na iyon.

I want him to be proud of me, kaya ginagawa ko lahat kahit naprepressure na ako.

Hindi ako nagkaroon ng line of 8 na grades sa report cards ko, ang pinakamababang nakuha kong grado ay nasa 95 lamang.

Kinakailangan ko lang talaga mag-aral nang mabuti para hindi ako saktan ni Papa kapag nakita niyang mababa ang mga grado ko.

Lahat ng academic performances, sinasalihan ko, minsan ay hindi pa nila ako naiinform na kasali ako sa patimpalak na iyon. Mabuti nalang at nakukuha ko pa din ang Ist place.

Hindi ko pa ata naranasang maging rank 2 sa klase, makakuha ng silver medal, makakuha ng certificate of participations dahil lahat ng sinasalihan ko ay ako ang nananalo.

Nakakapagod din sa sitwasyon ko dahil alam kong isang pagkakamali lang, libo-libong panghuhusga na ang matatanggap ko.

Mahirap ding abutin ang mga expectations sakin ng mga taong nakapaligid sa akin dahil mataas ang tingin nila sa akin. And that's additional pressure specially to us honor students.

Alam ko hindi lahat ng bagay permanente, may mga circumstances talagang matatalo tayo, mabibigo, madidisappoint.

Pero sa mga honor students na katulad ko? Hindi uso ang salitang bigo at talo dahil kapag nakuha mo ang downfall na yon? Mawawala din ang mga taong bilib sa kakayahan mo. Doon ako natatakot. Hindi lang dahil sa mawawalan sila ng bilib sa akin, ngunit mas dadami ang mga taong sasaktan ako, hindi lang pisikal kundi pati emosyonal.

A Memory to Remember (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon