Nagising ako around 4 o'clock in the morning. Siguro dahil nakasanayan ko na din na magising ng maaga dahil malayo ang bahay namin sa school atkailanganpang bumiyahe ng 45 minutes bago makarating. Napabaling ang atensyon ko kay Harris na ngayon ay mahimbing na mahimbing ang tulog. Kahit sa pagtulog niya hindi pa din mapagkakallang gwapo siya.
Napangiti ako dahil mukha siyang baby matulog. Parang hindi gago pag gising. Nakapatong ang kamay niya sa tyan ko kaya hinayaan ko lang. Gumalaw pa onti ang labi niya na mas kinalawak ng ngiti ko. Hindi nakakasawang pagmasdan ang mukha niya. Napakaamo, parang hindi nang-aasar.
Unti-unti kong tinanggal ang kamay niya sa tyan ko ngunit nakaramdam siya kaya hindi niya yon inalis bagkus ay hinila niya pa ako papalapit sakanya at niyakap ako ng mahigpit. Ramdam ko ang init ng hininga niya sa ulo ko.
"Dito ka lang, please. Wag kang aalis. Wag mo kong liwan" pagmamakaawa niya.
Napabuntung-hininga ako. May finals ngayon kaya kailangan pa magreview mamaya.
"I love you, Faith. I love you so much" mahinang bulong niya sa akin at mas hinigpitan pa niya ang yakap niya sa akin. Napangiti ako. Niyakap ko na din siya pabalik. Napakakomportable ng pakiramdam ko kapag niyayakap niyako. Pakiramdam ko ay lagi akong safe at secured.
Hinayaan ko siyang yakapin ako ng ilang minuto para hindi naman nakakahiya sakanya. Sabagay, nalintindihan ko din naman kung bakit hindi niya ako mabitawan dahil nga namiss niya ako dahil ilang linggo din kaming hindinagkita parasa preparation ngayong araw. Namiss ko din naman siya at hindi ko intinatanggi yon.
"Harris. We need to prepare na. Ang layo ng school sa bahay." Pabulong na saad ko but he just groaned.
"Malalate tayo. Finals ngayon love" pangungumbinsi ko ngunit hinfi niya pa din ako binitawan.
"Harris ... " Mahinang bulong ko. Lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin saka niya unti unting binuksan ang mga mata niya. Nagtapat ang paningin namin sa isa't isa at para akong nagkaroon ng madaming paru-paro sa tyan ko nang ngumiti siya sa akin. Hindi pa din talaga nakakasawang titigan siya. Parang walang problema sa mundo kapag nakikita ko ang mga ngiti ng taong mahal na mahal ko.
"Good morning love" bulong niya kaya napangiti ako. Hinawakan ko ang pisngi niya at hinaplos ito gamit ang hinlalaki kong daliri.
"Ganda ng bungad ng umaga ko. Paggising ko mukha mo agad nakita ko. Walapang mas maganda sa good morning" saad ko. Natawa naman siya ng bahagya at pinisil ang ilong ko.
"Corny mo na love" saad niya kaya tumawa ako. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at ganun din siya dumeretso ako sa closet ko at inihanda ang mga gagamitin ko. Nilagay ko sa kama ang pang-underwear ko saka yon ko iyon tinakpan ng sandong kulay puti at short na fitted na kulay itim. Nakakahiya din kasing makita ni Harris yon, lalaki pa din siya kaya ko tinakpan. Tinignan kong nilagay ni Harris ang sando niya at pinailalim niya din ang underwear niya.
Napailing ako ng di ko namamalayan. Parehas kami ng naiisip.
"Sino unang maliligo?" Saad niya.
"Ako malamang. Babae ako." Saad ko. Tumawa naman siya nnag bahagya at nilapitan ako. Hinapit niya ang bewang ko saka niya ako hinila papalapit sa katawan niya at tinitigan ako deretso sa mga mata ko.
"I love you" he uttered. I smiled. I wrap my hands on his nape looking at him intently. I don't know how much lucky and happy I am having him in my life.
Feels like, it was so much than a wonderland.
"I love you too" niyakap niya ako ng mahigpit saka niya hinalikan ang noo ko. Napaka-clingy talaga. Mabuti nalang at sinanay niya muna akong ganito siya bago kami pumasok sa relasyon, kung hindi ay naghe-hesitate pa akong yakapin siya pabalik kung nagkataon man na hindi niya ako sinanay sa mga ganitong bagay.
BINABASA MO ANG
A Memory to Remember (On Hold)
Romance"Difficulties in life are not the reasons to give up. I cried. I suffered. I failed. But those hindrances will not stop me from claiming my dreams. I fell. I stood up. Memories from my past doesn't define of who I am today." Yan ang sinasabi ni Fait...