Gumising ako nang maaga para makapag prepare pumuntang school it's 4:30 in the morning at medyo madilim pa sa labas, papalitaw palang ang haring araw. Binuksan ko ang mga bintana ng kwarto ko at bumungad sa akin ang malamig na simoy ng hangin na mas nakakadagdag ng gaan sa pakiramdam ko dahil wala nang bumabagabag sa akin. Napapangiti na din ako nang walang dahilan.

It's just because I confessed.

Inihatid ako ni Harris dito sa bahay mga 10:00 pm na ng gabi, noong Sabado, bago pa siya umuwi ay pinamidnight snack muna siya ni Mama saka siya umalis.

Kahapon naman, same routine, si Harris ang pianist at ako ang chorister sa sacrament proper, minsan naman, napapatingin din ako sakanya habang nagbibeat at ganun din siya sa akin.

Ngumingiti nalang kami sa isa't isa. Hindi ko alam ang gagawin ko, after I confessed pakiramdam ko yung mabigat sa dibdib ko biglang nawala at napalitan ng saya.

"Liligawan kita" those words keep on echoing in my mind. Mas lalo akong napangiti sa mga sinabi niyang yon.

Napatingin ako sa cellphone ko nang maynagnotif namessage.

From: Harris

Good morning, love. Don't skip your meal okay? Kita tayo mamaya. Mwuah

Nagtipa agad ako sa cellphone ko para mareplyancang mensahe niya.

To: Harris

Good morning! :)) See you mamaya.

I press the send button and left my phone on my bed and I start to prepare myself.

Kinuha ko ang mga damit ko na gagamitin ko para sa araw na ito at ipinatong ko din sa higaan ko, kinuha ko na din ang tuwalya saka pumasok sa C.R.

Inalis ko ang mga saplot ko sa katawan saka ko nilagay sa lalagyanan ng mga marurumi kong damit. Isinara ko ang kurtinaat inopen ko ang shower.

Hinayaan kong dumampi ang tubig sa balat ko para maalis ang mga dumi ko sa katawan. Nakapikit lamang ako habang dinadama ang lamig na dala ng tubig habang hinahawakan ko ang buhok ko saka haplusin ito pababa.

Napatulala ako sa kawalan habang naririnig ang pagbagsak ng tubig sa katawan ko hanggang sa tiles.

Umilyak si Harris habang nakatitig ako sakanya. Imbes na malyak ako ay napangiti ako dahil nakita ko talaga sakanya ang pagkapuro niyabilang tao.

Maloko siya lagi, laging may ngiti sa labi, tawa ng tawa. He's my complete opposite, but look at us now, we fall inlove with each other.

Dati dati nalirita ako sa pangungulit niya, sa pagsunod niya, sa lahat lalo na kapag nakikita ko ang mukha niya na may ngisi, kulang nalang ay sampalinko nang magkabilaan para hindi na ako kulitin.

"Napakaiyakin mo naman. Para confess lang e" saad ko saka tumawa at humalukipkip sa harap niya. Pinunasan niya ang luha niya saka tumingin sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko saka tinignan ako nang deretso sa mga mata ko.

The cold breeze of the wind started to blow on us. Nakakadagdag yon ng kuryenteng nararamdaman ko, yung lakas ng tibok ng puso ko, kanina ko pa nararamdaman, pakiramdam ko din ay kasing pula na ng kamatis ang buong mukha ko dahil sa sobrang kilig.

"I don't know what to say, Faith." Pabulong na saad niya.

"I- actually want to scream. Scream all the emotionsIhave rightnow"saad niya saka napailing-iling.

"I-I'm so happy" saad niya saka siya nagpunas ng luhang tumakas sa mga mata niya.

Agad niya akong kinabig saka niya ako niyakap ng mahigpit. Napangiti ako at niyakap ko din siya ng mahigpit. Napapikit ako habang dinadama ang init ng mga yakap niya kasama ang banayad na pag ihip ng malamig na hangin sa mga balat ko. It was so peaceful.
"Sa sobrang saya ko, gusto na kita pakasalan" he whispered which made me chuckle in a bit. Hinampas ko ang likod niya. I rested my chin against his shoulder.

A Memory to Remember (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon