We have tough weeks to face with. Sa sobrang busy na ng pag aaral namin ni Harris ay hindi na kami makapag-kita. Nagtatawagan at nagtetext-an nalang kami. Minsan nakakatulugan ko pa ang mga messages niya dahil sobrang tambak kami sa school activities, quizes at paper works.

Lalo na ngayon at isang taon pa ang tatahakin namin bago pa talaga makapagtapos sa college. Mabuti nga at nakaka-survive pa din ako kahit na sobrang hirap maging BSED. Kay Harris naman, alam kong mahirap yon dahil Criminology ang kinukuha niya. Hindi ko nga alam kung bakit yun ang nagustuhan niyang kurso pero hindi ko nalang iyon tinanong, baka passion niya lang talagang maging alagad ng batas soon.

Gusto ko din sana maging isang lawyer pagdating ng araw pero mas gusto ng sarili ko nanipagsabay ang pagtuturo at pagmomodelo.

Ang hectic ng schedule namin ni Harris at hindi talaga namin maharap na magkita kahit ilang minuto man lang. lisang paaralan lang naman kami pero dahil sa sobrang busy parang ang layo layo niya sa akin.

Malapit na din kasi ang finals, pagkatapos ng finals ay magkakaroon na dinng bakasyon sa wakas, and I'm looking forward to spend time with Harris, syempre kasama sila Mama at Papa pati na din sila Tita Ana at Tito George. Masyado na ding tutok sa pag aaral si Harris dahil sinabihan ko siyang dapatwala siyang tres sagrado niya.

"Masyado ka na atang busy jan." Panimula ni Glenn na ngayon ay nasa tabi ko na at binabasa ang libro ko. Napalingon naman ako sakanya saka ngumiti ng tipid.

"Kailangan. Para sa dean's list" saad ko. Tumango tango naman siya ay hindi umimik. Nagbabasa lang ako ng tahimik habang siya ay nakikibasa din sa libro ko.

"Mejo tagilid yung mga grades ko nung nakaraan. Namomroblema nga ako paano ko yun mababawi, baka pagalitan ako ni Daddy" saad niya.

Napatigil naman ako sa pagbabasa saka tumingin sakanya ng seryoso.

"Bakit naman?"

Huminga siya ng malalim at sumandal siya sa upuan saka tumingin sa akin.

"Wala. Masyado kasing mataas ang standards ni Papa, gusto niya tumaas ang grades ko this time, kasi kung hindi, ishishift daw yung course ko na maging Doctor." Saad niya. Halata talagang may problema siya. Kitang kita sa mga mata niya na hindi niya kayang bitawan ang course na BSSED.

"Why does your Dad wants you to be a Doctor?" Curiousity runs through my system.

"Well, our family is a family of Doctors, si Mama ko, Neurosurgeon, si Papa naman

Doctor sa puso, yung ate ko nurse pero magtatake din ng course na katulad kay

Mama, ganun din si kuya, bali isang taon na siyang liscenced Doctor, ako itong bunso, Teacher ang gustong kunin." Mahabang saad niya. Napatango naman ako sa haba ng eksplanasyon niya.

"The pressure sucks." Pagak na saad niya saka napailing. Pakiramdam ko, matagal nang gustong makipag close sa akin ni Glenn kaso hindi lang siya makatiyempo dahil nakaaligid sa akin palagi si Harris. Inamin din ni Harris na nagseselos siya kay Glenn kaya hindi ko siya masyadong pinapansin.

Pero ngayon, nalintindihan ko na kung bakit lapit ng lapit si Glenn sa akin, hindi dahil gusto niya lang makipagkaibigan, kundi baka gusto niya lang din may mapagsabihan ng problema.

Nainis tuloy ako sa sarili ko, sana hindi ko siya iniwasan, halatang halata kasing may problema siya. Agad kong isinara ang libro saka ko inurong ang upuan ko papaharap sakanya at tinitigan siya ng mabuti, natigilan naman siya sa ginawa ko ngunit madali din niyang isinawalang bahala yon.

"Tell me everything that bothers you. I'll listen" saad ko.

Huminga naman siya nang malalim at kumamot sa batok saka sumilay sa mga labi niya ang maliit na ngiti.

A Memory to Remember (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon