Hindi na kami nakapag usap ni Harris kahapon. Sobrang busy niya dahil hindi niya man lang masagot ang tawag at texts ko. Naninibago man ako sa nangyaring yon ngunit hindi ko na binigyan pa ng pansin.
Maliit na bagay lang yon para sa akin at hindi naman sa lahat ng oras e kailangan niyang nakatutok palagi sa akin.
Masyado akong sakim pag ganon. Kailangan niya din ng oras para sa sarili niya at naiintindihan ko yon. Lalo na may itatake pa silang exam ngayongaraw kaya hindiko na muna inistorbo.
Nang matapos na exam namin kahapon hindi na ako nagdalawang isip na umuwi na para makapagpahinga. Nag-iwan nalang ako ng mensahe kay Harris na mauuna na ako sa pag uwi. Sinabi niya namang mag ingat ako, bago ko pa man daw magpadala ng mensahe kay Mang Boy ay inunahan niya na ako dahil alam niyang pagodako kakareview.
Kilalang kilala na talaga ako, ang lakas ng instinct niya.
Paglabas ko ng school, nakaabang na agad ang kotse namin. Sinabi ko kay Harris na galingan niya sa exam at nagpasalamat naman ito. Hinihintay ko ang tawag at text niya kagabi pero mukhang busy kakareview. Masyadong inspired. Hindi ko na muna inistorbo para naman makapag-focus siya sa pag aaral niya at ayos lang ako don.
Sa sobrang sabaw na din ng utak ko kagabi, pagkatapos ko kumain at magshower, natulog na din ako kaagad. Nagpeprepare ako ngayon papuntang school, tinanong pa nga namin sa prof namin kung pwedeng mag civilian dahil tapos naman na ang exam. Pumayag naman ito kaya walang problema.
Nakasuot ako ng yotard na kulay itim saka ko ito pinatungan ng dress na hapit na hapit sa katawan ko at kita ang hubog ng katawan ko, kulay puti ito na may crisscross lines na kulay itim. Pinaresan ko ng sneakers na kulay puti, saka ako nagsuot ng young women necklace na biga yng young women president namin nang matapos ko personal progress ko.
"Bumalik ka na sa dati anak" saad niya. Nakita ko ang pamumuo ng luha niya sa mga mata niya.
"Bakit ka umiiyak, Ma? Di naman ako nadisgrasya e." Sad ko saka tumawa. Humarap ako sakanya at pinunasan ko ang mga luhang tumakas sa mga mata niya.
"I'm just so proud that you've found your happiness" saad niya.
"Kayo nila Papa ang happiness ko" sagot ko but she shrugged.
"Ibaang happiness mo kapag kasama mo si Harris. You're so inlove, anak. I'm so happy seeing you with genuine smile on your face. Araw araw kong pinagdadasal na sana, makarecover ka na sa nakaraan mo. 'Cause I know you have been suffereda
"I may not be a perfect mother for you, dahil puro kami work ng Papa mo, but always remember that we love you so much. Mahal na mahal, anak." Saad niya. Napangiti ako. Having a mother's love would be so priceless.
"Hindi ko po sinusumbat yung mga oras na nagkukulang kayo ng atensyon sa akin. Ang mahalaga, nailuwal ako dito sa mundong to, madami akong natutunan sa mga bagay bagay, binihisan at pinalaki niyo po ako ng maayos. Those were blessings. Both of you are blessing. So don't blame yourself if I went through depression. I survived, Ma. I survived" saad ko. Biglang nag init ang mga mata ko at nagbabadya ang mga luhang lalabas sa mga mata ko ngunit pinunasan ko ito agad.
Niyakap niya ako nang mahigpit kaya ko siya niyakap pabalik. Hindi man siya yung perpektong Ina, pero ginagawa niya ang lahat para hindi magkulang sa akin at sa mga pangangailangan ko.
Having a Mom is such a blessing. They are there to understand, to care and to love. Having parents that truly understands you is worth living for.
Napakuntento ko na sa bagay na ito. I have Harris, I have Mama and Papa pati na din si Nanay Imelda at Mang Boy. I have new friends. I can socialize myself without fear. I can smile, and laugh without faking it.
BINABASA MO ANG
A Memory to Remember (On Hold)
Romance"Difficulties in life are not the reasons to give up. I cried. I suffered. I failed. But those hindrances will not stop me from claiming my dreams. I fell. I stood up. Memories from my past doesn't define of who I am today." Yan ang sinasabi ni Fait...