Napagdesisyunan namin ni Harris na i-admit na siya sa hospital para sa ganun ay maiwasan ang pagsakit ng puso niya. Pagkatapos kasi ng komprontahan naminsa bahay ay bigla nalang siyang nawalan ng malay kaya humingi agad ako ng tulong para idala siya sa hospital.
Sabi ng doktor sakin ay palala na ng palala ang sakit niya ngunit hindi pa ito nahahalata sa pisikal na katangian ni Harris kasi lumalaban pa siya. Halos matulala ako sa sinabi ng doctor, hindi ko alam ang gagawin ko sapagkat ngayon ko lang din nalaman na may malalang sakit si Harris.
Sana hindi niya nalang sinekreto.
Nang dumating na sila Tita Ana sa hospital ay pinauwi muna nila ako para makapagpahinga nang isugod namin si Harris doon, hindi ako mapakali dito sa bahay, kaya napagdesisyunan kong tawagan si Tita Ana.
"Ihja, napatawag ka?" Bungad niya sa akin. Natahimik ako ng ilang segundo bago ako magsalita.
"Pwede ko po bang bantayan jan si Harris? Hanggang sa gumaling po siya. Gusto ko ako yung mag-aalaga at magbabantay salanya, Tita" saad ko. Hindi siya nakasagot sa kabilang linya.
"Osige, basta ba magpaalam ka kila Jane na babantayan mo si Harris dito" saad niya. Nagpaalam na ako kay Tita at nagsimulang kumuha ng malaking bagpack na kakasya para sa isang linggo na pagbabantay kay Harris.
Kinuha ko na din ang pang hygiene kit para sa ganon ay doon nalang ako maglinis ng katawan ko. Habang kumukuha ako ng damit ay narinig ko ang katok sa pintuan ng kwarto ko ngunit hindi ko na binigyan yun ng pansin.
"Just come in" saad ko habang kumukuha ng damit. Habang aligaga akong kumukuha ng damit ay kita ko ang bulto ni Papa sa gilid ng pinto tila pinagmamasdan ako habang nag-iimpake.
"Is it true?" Tanong saakin ni Papa kaya napahinto ako sa pagkuha ng mga damit ko. Napatingin ako sakanya, kitang kita ko ang awa sa mga mata niya, habang siya naman ay nakatingin sa damit na hawak hawak ko.
Tumango lang ako saka pinagpatuloy ang pagkuha ng damit ko.
"Papa, doon po muna ako ha? Aalagaan ko po si Harris hanggang sa gumaling siya" saad ko, pinilit kong hindi gumaralgal ang boses ko para mahalata niyang matatag ako. Hindi siya umimik bagkus ay naglakad siya papuntang kama ko saka umupo doon sa tabi ng bagpack ko. Pinapanood niya lang akong maglagay ngmga damit ko sabagpatiang mga materyalna kakailanganin ko habang binabantayan si Harris sa Ospital.
Hindi ko na din inayos ang sarili ko dahil walang humpay ang pag iyak ko simula nang isugod si Harris sa ospital. Ngayon lang ako huminahon ng kaunti dahil na din iniisip ko na ayaw ni Harris na maging mahina ako sa mga bagay na ganito.
"Anak ... Alam kong mahirap yang sitwasyon na pinagdadaanan mo ngayon" saad ni Papa. Biglang sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya at anumang oras ay babagsak na ang luha ko ngunit pinigilan ko upang magmukha akong matapang sa harap niya.
I feel the lump in my throat, but I didn't bother to pay attention on it. I need to hurry and I need to take care of Harris. He needs me right now and I know I'm his only strength to fight his fucking illness.
"At alam kong nanghihina ka din ngayon." Mababang boses na saad ni Papa. Halata sa boses niya ang pag-aalala.
"Pero alam ko anak, sa sitwasyon mo ngayon, kailangan mo lang magpakatatag, at humingi ng tulong sa Diyos" dagdag niya.
Pinipilit kong hindi lumuha sa harap niya dahil alam kong mukha akongmahina kapag umlyak.
"I know how much you love Harris. I can see it in your eyes. The way you stare at him, the way you smile whenever you see him. Kitang kita ko pinagbago mo anak. Kitang kita ko kung gaano ka kasaya na nakilala siya at gaano mo kamahal. At hindi kita masisisi don" saad niya.
Oh crap.
BINABASA MO ANG
A Memory to Remember (On Hold)
Romance"Difficulties in life are not the reasons to give up. I cried. I suffered. I failed. But those hindrances will not stop me from claiming my dreams. I fell. I stood up. Memories from my past doesn't define of who I am today." Yan ang sinasabi ni Fait...