Nang matapos na kaming kumain ng pananghalian ay ako na nagprisintang maghugas ng plato. Hinihintay ko yung texts at calls ni Harris pero wala pa din akong narerecieve kahit tapos na akong maglinis ng kwarto ko.
Habang binabanlawan ko na ang nga pinagkainan namin ay may naramdaman yumakap sa bewang ko at naamoy ko ang halimuyak ng pabango niya.
"Sipag naman ng misis ko" bulong ni Harris sa kanang tenga ko kaya napaigtad ako nang kaunti dahil sa kiliting dulot nito, idagdag pa ang mainit na singaw ng hininga niya.
Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa mukha sa sobrang init at pula.
"Tumigil ka nga, di pa ako tapos maghugas ng plato oh" saad ko saka tinuloy ulit ang ginagawa ko.
Binitawan niya ako saka pumunta sa countertop at tinitigan ako.
"Labas tayo" paanyaya niya.
"Bahala ka jan" saad ko saka umirap.
"Luh. Anong ginawa ko?"
Di ako umimik. Nang masigurado ko nang natuyo ang mga pinagkainan namin ay sinalansan ko na ito.
"Faith" nahihirapang saad ni Harris, hinawakan niya ang braso ko saka niya ako pinaharap sakanya.
"Ano? Nakakairita ka" saad ko saka ulit umirap sakanya saka akmang aalis ngunit hinila niya ako pabalik.
"Ano ba?" Saad ko. Nakakairita naman tong isang to. Sinong hindi magagalit? Naghihintay ako ng texts niya ni wala man lang akong narecieve kahit isa.
Dati dati ginagawa niya naman yon. Parang tanga tong isang to. "Ano problema?" He asked.
I looked at him with disbelief and crossed my arms against my chest.
"You didn't text me." Lumamlam ang boses ko saka ko tinignan ang mga paa kong may suot suot na fluffy slippers.
"I'm expecting texts and calls from you pero wala akong narecieve. Kahit isa." Ngumuso ako sakanya at tumingin sakanya.
He chuckled and pinched my cheek.
"Aw. Ikaw na nga may kasalanan bakit ako ganito tapos pipisilin mo pa pisngi ko." Mas napanguso ako.
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at pilit na pinaharap sakanya. Inangat baba ko, para magtapat ang tinginan naming dalawa.
Ngumiti siya sa akin hinawakan ang pisngi ko.
"I just wanna surprise you. Atleast nalaman ko din na, hinihintay mo pala ang nga texts ko." He said and then he carress my hair.
Bumuntong hininga ako saka parang tutang tumingin sakanya.
"I'm sorry okay? I will not do that again. Gusto ko lang magpamiss. Tignan mo effective." He chuckled.
"Nasanay na ako sa texts at chats mo e, malamang hahanap hanapin ko yun" ngumuso ako.
"Wag ka nga ngumuso jan, halikan kita e" saad niya. Nataranta ako sa sinabi niya kaya inalis ko na din ang pagkakanguso ko. Tumawa siya at ginulo ang buhok ko. "Halika nga dito, payakap ako" saad niya.
Lumapit naman ako sakanya saka ko siya kayakap. Thewarmthof hisbody really gives me shiver, also giddiness, pero mas lumalamang yung pagiging komportable ko sakanya.
Naramdaman ko ang paghawak niya sa buhok ko at hinahaplos lyon ng malumanay, saka niya ako hinalikan ang noo ko.
Nakalapat ang pisngi ko sa dibdib niya kaya rinig na rinig ko ang lakas ng tibok ng puso niya.
"Lakas ng kabog ng puso mo" pabulong na saad ko saka ko pa siya niyakap ng mahigpit.
I can't let go of him, he's my strength.
BINABASA MO ANG
A Memory to Remember (On Hold)
Romance"Difficulties in life are not the reasons to give up. I cried. I suffered. I failed. But those hindrances will not stop me from claiming my dreams. I fell. I stood up. Memories from my past doesn't define of who I am today." Yan ang sinasabi ni Fait...