"Feeling ko hindi na titila ang ulan" panimula ni Harris na hanggang ngayon ay nakayakap pa din sa akin.
"Eh, paano tayo makakauwi? Ang liit liit ng payong na dala mo. Kakasya tayo jan? Laki laki mong tao" saad ko saka humiwalay sakanya ng yakap at tinitigan siya.
"Edi susulong sa ulan" saad niya saka binuksan ang bag niya na parang may kinakalkal sa loob.
"What? Magkakasakit tayo Harris, mahina pa man din immune system mo" nag aalalang saad ko.
Napatigil siya sa pagkalkal ng bag niya saka tumingin sa akin.
"Bat ba concern na concern ka? Crush mo na ako no?" Saad niya saka niya pinataas pababa ang dalawang kilay niya na parang nang aasar. Umirap ako sakanya saka ko siya hinampas ng mahina.
"Ugok."
"Uy crush niya ko. Hahaha"
"Hindi no." Saad ko saka humalukipkip.
"Anoba tinitignan mo jan? Kanina ka pa kalkal ng kalkal jan sa bag mo" saad ko sakanya.
Tumigil ulit siya sa paghahalungkat ng bag niya saka tumingin sa akin ng seryoso.
"Faith"
" Oh ?"
"May regalo ako" saad niya. Biglang nagningning ang mga mata ko sa sinabi niya. Naexcite agad ako.
"Dali! Labas mo na! Gusto ko makita!" Saad ko nagtatatalon pa ako sa harap niya na parang batang hindi makapaghintay makuha yung cotton candy na ibibigay sakanya ng daddy niya.
Dahan dahan niyang inilabas ang kamay niya sa bag niya habang ako kyuryosong kyuryoso kung ano ang ibibigay niya.
Napasimangot ako nang ilabas niya ang kamay niya na walang hawak kundi nakafinger heart ang mga daliri niya.
"Nakakainis ka" saad ko saka umirap sakanya. Tumawa naman ito pero hindi niya pa din inaalis ang finger heart niya sa harap ko.
"I like you" saad niya.
Biglang kumabog nang mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung epekto ba to ng puyat ko kapag nagrereview ako o talagang normal lang to kapag kasama ko siya.
Ewan. Ang gulo.
"I really like you at hindi ako magsisi if ever namahuhulog na ako sayo" seryosong saad niya.
Hindi akomakapagsalita, para akong kinapusan ng hangin dahil sa sinabi niya.
Kinabig niya ako sa likod saka niya ako niyakap ng mahigpit.
"And I promise if ever na mahulog ka sakin, hinding hinding hindi kita sasaktan. Ayaw kitang masaktan, ayaw kong maranasan mo ulit yung mga naranasan mo nung nakaraan. You had enough pain Faith. I want to make you happy". Sinserong saad niya.
Niyakap ko nalang siya ng mahigpit at ipinahinga ko ang ulo ko sa ibabaw ng dibdib niya kahit rinig na rinig ko ang lakas ng tibok ng puso niya.
We stayed on that position a little bit.
Mag lisang oras na ngunit hindi pa din natigil ang ulan.Mabutinalang at may malalaking plastic bag itong si Harris kaya yon ang pinambalot namin sa bags namin para hindi mabasa.
Napagdesisyunan na naming lumusong sa ulan kahit na sobrang lakas nito, wala din kaming choice dahil maliit lang yung payong. Sabi ni Harris nakita niya lang daw iyon sa harap ng room nila kaya niya kinuha at sunduin ako sa room namin.
"Basa na tayo!" I giggled.
Nauuna siyang tumakbo dahil sa sobrang haba ng mga bias niya, samantalang ako hindi ko alam. Matangkad naman ako pero hindi ako mabilis tumakbo.
BINABASA MO ANG
A Memory to Remember (On Hold)
Romance"Difficulties in life are not the reasons to give up. I cried. I suffered. I failed. But those hindrances will not stop me from claiming my dreams. I fell. I stood up. Memories from my past doesn't define of who I am today." Yan ang sinasabi ni Fait...