Raine's POV
katulad nga ng sinabi ni Mr. Rodriguez eh kinabukasan ay binigay ko na sa kanya yung mga files na kailangan na niya, actually ako nga lang mag-isa ang bumalik doon since niyaya na naman ni Beverly si Thunder na lumabas ulit eh.
Pero okay lang naman yun kasi nakabisado ko naman agad yung daan papunta dun eh atsaka ayoko naman na puro kay Thunder nalang ako umaasa may buhay din naman yung taong yun, at saka hindi porket na ginusto niyang maging 'Guardian Angel' ko...yiiie EmsoKilig!! *~~* hahaha so ayun hindi naman porket inalok niya ako ng ganun nga eh sa kanya nalang ako ng sa kanya aasa..
And to be honest, hindi ko alam kung anung meron samin ni Thunder, ito naba yung tinatawag nilang Mutual Understanding??...
Ano ba yun??
Kasi One time narinig ko yang word na yan nung time na naguusap yung mga ka-blockmates ko noon..
Pero kung Mutual Understanding na nga ang meron samin ni Thunder bat ganun?? Hindi naman kami nagkaka unawaan ni Thunder eh, palagi kaming hindi nagkakasundo, palagi kaming nagaaway, maski pagpili nalang ng brand ng suka at toyo na gagamitin namin eh pinagaawayan pa namin...
At tsaka ito pa..
May Fiancè na siya, malamang sa makalawa eh baka ikasal na yung mga yun..But who cares?? Edi magpakasal sila..
So sa tingin mo?? Oo ikaw na nagbabasa nito!! Yes you!! You already...
Anung meron samin ni Thunder??
"tulala ka na naman Raine ah, anong iniisip mo? Or to be exact...sino??"
Mapanuksong tanong ni Cameele andito kaming tatlo sa garden na madalas naming pagtambayan, ako si Cameele at Elle lang to be specific. Wala si Dara eh sabi ni Cameele baka.mamayang twelve pa yun papasok, sina Kyle, Zayn hindi.namin alam kung nasan at si Luke? Ayun nakita ko kanina sa library may kalandian na naman, at kami naman kung tinatanung nyo kung anung ginagawa namin dito?..
Ayun nagpapahinga lang kami, kakatapos lang kasi naming tumulong sa pagdedecorate ng stage na gagamitin na this week, para saan?? Kasi kada magtatapos pala ang pasukan dito eh may goodbye party, kaya lang hindi siya yung ordinaryong party lang na kahit naka tshirt at pants lang eh okay na, itong Goodbye Party dito eh Formal ang attire oh diba, ganito daw talaga sa P.I.S ..
Napabaling na naman yung tingin ko sa dalawang taong malapit lang samin na kasalukuyang nakahiga sa lap nung guy yung babae..
Hindi ko naman mapigilan yung sarili kong bunutin yung mga damo sa mismong kinauupuan ko...
"hahaha ngayon alam ko na kung SINONG iniisip mo" biglang sabi ni Cameele
Humarap naman ako sa kanya at nagtanung..
"anu??"
"hahah wala sabi ko wag mo nang tabasin yang mga damo na yan, lapitan mo nalang yung malanding babae na yun na kasalukuyang nakahiga sa lap ng Thunder mo...hahahah yiiiee" sabi niya habang tinutusok-tusok yung tagiliran ko...
"anu kaba Cameele hindi naman ako sa kanila nakatingin noh, napadako lang" palusot ko
"sus! Alam ko na yang palusot mo! Luma na yan, ginagawa ko din kaya yan" sabi pa niya. Tingnan mo kaya pala -____-
"anu ba kasing ginagawa ng koreanang yan dito?" tanong pa niya..
Yes tama po kayo! Si Beverly po ang tinutukoy niya, at paano nangyari toh? Ito flashback..
~*Flashback*~
Kaninang umaga.
Kasalukuyan kong inaayos yung mga gamit ko sa bag ko sa sofa ng walang anu-anu eh bumukas yung pintuan ng condo at iniluwa noon si Beverly na ang lapad-lapad ng ngiti, pero nung nakita niya ako eh nagsmirk lang siya at dumiretso sa tapat ng pintuan ni Thunder..
BINABASA MO ANG
Your Guardian Angel [COMPLETED]#Wattys2016
Teen Fiction**Even an Angel needs a Guardian...** COMPLETED