Chapter 18: The presentation and The Fight

2.8K 49 3
                                    

(a/n: hello world! sorry po dahil matagal yugn pagu-update ko! hihih, babawi nalang ako ngayon, and pasensiya na din sa mga typo, hindi ko pa kasi naeedit eh)

I dedicate this chapter to Gabebe, dahil siya yung unang nagbasa ng story ko :)

so... Ito na!!!

Chapter 18:

natapos kami sa praktis at pagkekwentuhan nung bandang alasiyete na ng gabi, hindi ko nga namalayan yung oras eh, npasarap kasi yung kwentuhan namin, naku yari nanaman ako nito sa Amo kong uto-uto! tsk tsk, dapat kasi ihahatid nalang ako ni Cameele pero sabi ko wag nalang dahil nga gabi na din, buti naman pumayag siya kung hindi..

nandito na ako sa tapat ng condo namin, ng hihilahin ko na sana yung hawakan sa pintuan ng bigla itong tumunog..

*Eeeengk!!*

ay oo nga pala may code nga pala ito..
tinayp ko na yung Code at bumukas ito, ang dilim naman, ibig sabihin hindi pa nakakauwi si Thunder! huh! buti naman naunahan ko siya, baka pag siya kasi ang nauna baka sermunan nanaman ako nun, binuksan ko muna yung ilaw sa living room at naglakad papuntang kwarto ko, pero bago pa ako makapasok..

"Hoy!, bakit ngayon ka lang?"

"Aypalaka! anu ba yan? nakakagulat ka naman" sabi ko

"sabi ko bakit ngayon kalang? alam mo ba kung anung oras na ah?! ganyan ba ang oras ng uwi ng katulong ah?!!" inis na sabi niya, habang nakacross-arms

"haist! pasensiya kana, napasarap kasi yung kwentuhan namin nung mga kaibigan ko eh... teka, kumain kana ba?" tanong ko

"yun nga eh, hindi pa nga eh, anung oras na kaya hindi pa ako naghahapunan, bilisan mo na diyan tapos magluto kana, hayyyyy" sabi niya habang umupo sa may sofa at binuksan yung TV, ako naman dumiretso muna sa kwarto ko at nagpalit muna nang pambahay na damit, tapos dumiretso na ako sa kusina para magsaing, kaya lang sinilip ko muna yung ulam kanina a nakita kong nasa lamesa pa ito at may takip, tinanung ko muna si Thunder..

"oy Thunder, iinitin ko nalang yung ulam natin kaninang tanghali, sayang kasi kung itatapon ko eh" sabi ko

"bahala ka" siya, habang hindi manlang lumingon sa akin

ininit ko na yung ulam namin tapos inayos ko na yung lamesa, maya-maya pa nung luto na yung kanin ay inilipat ko na ito sa lalagyanan ganun din yung ulam, tapos tinawag ko na si Thunder para kumain..

"Oyy, saan ka nga pala pumunta kanina?" tanong niya habang ngumunguya, nilunok ko muna yung nasa bunganga ko bago nagsalita..

"Doon nga sa bahay ng kaibigan ko"

"anung namang ginawa niyo doon?" siya

"wala ka na dun" sabi ko

"Aba't... bakit sa tingin mo ba gusto kong malaman kung anung ginawa niyo ah, nagtatanung lang naman eh.... diyan ka na nga!!!" sabi niya tapos umalis, nakakunot noo naman ako habang tinitignan siyang paalis.

"tignan mo yun parang siraulo, tinaanung niya kung anung ginawa ko, tapos sasabihin niyang hindi naman nyang gustong malaman... hayy Thunder may sira kana. tsk,tsk,tsk" sabi ko sa sarili ko..

pagkatapos kong kumain, niligpit ko na yung pinagkainan namin tapos hinugasan yung mga yun, tapos natulog na...


~~tenenenten, tenenenten, tenenententen~~

pinatay ko na yung cellphone ko tapos naghilamos at nagsuklay na lumabas na ako ng kwarto at pumunta na sa kusina

Time Check: 6:00 am, Monday

Bacon, Eggs and Ham for breakfast ^O^
niluto ko lang yun tapos nung naluto na ni-ready ko na yun at nilagay sa lamesa, tinakpan ko siyempre baka langawin eh, pagkatapos kong magluto, naglinis muna ako ng bahay, maya-maya lumabas na si Thunder tapos dumiretso na sa lamesa, binitawan ko muna yung pamunas na hawak ko at tinimplahan ng kape si Kulog, baka mamaya magalit nanaman niyan,, mahirap na, nilapag ko na yung kape sa harap niya, tinignan naman niya ako kaya nginitian ko lang siya pero iniwas lang nya yung tingin niya.. kumain lang kami ng tahimik, pagkatapos siyempre hinugasan ko lan yung plato at naligo na, pero paglabas ko wala na siya, hindi man lang ako sinabay sa pagpasok, but on the other side, wag nalang pala, baka kasi pag sinabay niya ako sa pagpasok baka pagusapan nanaman ako ng mga tao, kaya wag na lang.. nilakad ko nalang papasok sa school, dahil alas-otso palang naman, tsaka sayang pa pamasahe nuh.. nung nakarating na ako.. boses ni Elle agad ang sumalubong sa akin...

Your Guardian Angel [COMPLETED]#Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon