Chapter 44: Crown Birthmark

1.9K 34 3
                                    

Raine's POV

"Thunder..."

Agad niya akong tinitigan ng masama atska tumayo.

"Bakit ka nandito??...diba sinabi ko na sayo na wag kang susunod?!!?....mahirap bang intindihin yun Raine?!"

"T-Thunder...pakinggan mo muna ako please...mali ang iniisip mo...h-hindi ko sinasa---"

"Hindi sinasadya??!...huh!...edi ba ikaw na nga nagsabi sakin kanina na ikaw yung may kagagawan kung bakit nahimatay si Beverly??!...tapos ano??...sasabihin mong hindi mo sinasadya??...eh pusanggala pala eh!! Ano ba talaga ang totoo??!"

Galit na galit na sabi niya, kung tutuusin kung lalaki lang ako, baka kanina pa niya ako binugbog. Kitang-kita ko yung Galit at lungkot sa mga mata niya.

Nagsimula na akong umiyak, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita ko siyang galit na galit sakin..

Bakit kasi ayaw mo akong pakinggan??...

Bakit kasi nagpapalinlang kalang sa mga nakikita mo??...

Bakit ayaw mo akong pagsalitain??..

Pinunasan ko yung luhang patuloy na umaagos sa aking pisnge.

"Please Thunder, makinig ka muna please---" hinawakan ko yung braso niya pero nagulat ako ng bigla niya akong tinulak sapat na para mabitawan ko siya.

Tinignan ko siya ng naglalaki ang mga mata, at ganun din siya sa akin.

Thunder??

Bakit mo nagawa sakin to??...

Kahit nahihirapan na akong magsalita dahil sa iyak at nagsisimula na namang sumikip at sumakit yung dibdib ko eh sinubukan ko pa din magsalita..

"Alam mo Thunder....*huk* hindi lahat ng nakikita ng mata ay tama. *sniff* ..minsan kailangan mo din pagisipang mabuti kung hindi kaba nalilinlang ng nakikita mo... Sige, tutal ayaw mo naman na akong pakinggang sa paliwanag ko... magpaka bulag ka diyang sa nakikita mo!!"

Hindi ko na siya inantay na magsalita pa, tumakbo nalang ako paalis habang umiiyak, madami nang nakakakita sakin pero hindi ko na pinapansin yun. For sure hindi na naman nila ako makikita pang muli eh..

Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa napadpad ako sa garden ata ng Hospital, napasalampak nalang ako doon at nagpahagulgol..

Lightning's POV

"Sige salamat po" sabi ko sa Nurse na nasa front desk at nilingon si Raine sa gilid ko, pero wala na siya.

Nasan naba yun?? Baka naman nauna na??

Nagmamadaling umakyat ako sa ikaapat na palapag ng Hospital at lumingon pakanan, sakto naman eh nakita ko sina Raine at Thunder na naguusap..

No..hindi pala sila naguusap, nagaaway sila!!

Kaya naman nagtago muna ako para hindi nila ako makita.

Kasalukuyang umiiyak si Raine tapos hahawakan na sana niya yung braso ni Thunder, pero nagulat ako ng bigla niya itong itulak kaya napalayo si Raine.

Agad na bumilis yung tibok ng puso ko..

Walanghiya ka Thunder!!

Ang sarap mong patayin!!...

Napakaswerte mo at napunta sayo yung babaeng gusto ko!! Pero anung ginawa mo?? Sinasaktan mo lang siya?!!.

"---tutal ayaw mo naman akong pakinggang sa paliwanag ko...magpakabulag ka diyan sa nakikita mo!!" rinig kong sabi ni Raine at nagtatatakbong umalis.

Your Guardian Angel [COMPLETED]#Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon