Raine's POV
Kinuha ko yung mga papel na nilapag ni Elle sa Coffee table dito sa Jewel. Dun kasi naka-print yung kakantahin namin para sa Goodbye Party namin. Nga pala lima lang kami dito magkakabarkada, wala sina Cameele at Kyle since may Pre-Nuptial sila ngayon, and yeah!! Ikakasal na sila sa Linggo ^__^! Ang bilis noh? At nakakapagtaka kasi diba palagi silang nagaaway? Tapos malalaman mo nalang na ikakasal sila? Nakakakilig diba?? Pero syempre Fixed Marriage lang sila. And gumawa ng kontrata yung mga magulang nila na One year and Five months lang ang contract nila, kumabaga para lang babawi yung pamilya nila Cameele kasi may hindi inaasahan na nangyari sa kumpanya nila.
(m/n:please read Finally, I'm all your's Baby, story po nila Cameele at Kyle, Rom-Com po yun)
Then si Thunder naman ay hindi ko alam kung pumasok siya since kanina nung chineck ko yung kwarto niya wala na siya.
And hindi man lang nagpaalam yung kung saan pupunta.
Haler bakit anu kaba niya?
Sabi ng epal kong konsenya..K payn Ay dont Ker!!
Kung tinatanung nyo kung anung ginagawa namin, si Elle nanunuod lang ng palabas sa TV, si Luke may sinusulat sa notebook na hindi ko alam kung ano since para siyang tanga na bumubungisngis.
Si Dara naman nakayuko lang samantalang si Zayn?? Syempre palingon-lingon kay Dara.
Awkward nga eh pero since andiyan si Luke na Ice Breaker ayun binasag ang ice na namumuo.
"Guys Knock-Knock!!" masayang sabi nito pero since mukhang wala naman atang may balak na sumagot sila kaya sa akin siya tumingin kaya para hindi siya mapahiya eh sumagot ako.
"Who's there?"
"Paniki"
"Paniki Who?" sagot ko
"Oh Mikey you're so fine you blow my mind PANIKI hey, hey PANIKI" kanta pa niya habang sinasayaw yung sayaw ni Toni Basil sa Mickey.
Napatawa nalang ako doon dahil sa nakakatawa ang itsura niya habang sumasayaw siya, pero agad din yun naglaho ng napansin kong ako lang ang tumatawa...okay nakakahiya yun ah! Sana pala hindi ko nalang sinagot tong Baliw na to
=____=Binalik ko nalang ulit yung attensyon ko sa papel na binabasa ko kanina pero hindi pa ako nakakapagsimula eh, nagulat ako ng nagsalita si Dara.
"Elle can I talk to you in priva--" pero hindi siya pinatapos ni Elle dahil bigla itong tumayo at kinuha yung bag niya.
"No, I'm on a hurry, atsaka baka kung anu pang kasinungaling ang itanim mo sa utak ko" tapos lumabas agad si Elle at umalis.
Binalingan naman ako ng tingin ni Dara ng napansin nyang nakatingin ako sa kanya kaya nginitian niya nalang ako at tumayo na din.
"P-paano...maauna na ako sa inyo ha?" hindi na niya kami inintay na sumagot pa at tuluyan ng umalis..at syempre anu pa nga ba ang gagawin ni Zayn??...
Ayun nagexcuse na samin ni Luke at susundan daw si Dara.
Nung umalis na siya eh sumandal ako sa sofa pero nagtaka ako ng tumayo din si Luke at paalis na sana kaya lang tinawag ko siya.
"Huy Luke san ka pupunta?"
"uso kasi ang Walk-out eh ayun makikigaya ako para malaman ko kung anung feeling...hahahaha geh una na din ako Raine, kita kits" tapos umalis na habang nakangiting nakakaloko...naku yunh ngiting yun!!
Mambabae na naman yun =____=
Elle's POV
after ng nangyaring scene kanina sa Jewel eh I went to my car and started the engine, I want to go home na, tutal wala na kami gaanong lesson since patapos na nga ang pasukan. Mga naghahanda nalang sa Goodbye Party kaya kami pumapasok sa P.I.S kung tutuusin kahit hindi na ako pumasok eh at babalik nalang kapag Goodbye Party nalang kaya lang boring kasi sa bahay.
BINABASA MO ANG
Your Guardian Angel [COMPLETED]#Wattys2016
Teen Fiction**Even an Angel needs a Guardian...** COMPLETED