Raine's POV
hinawakan ni Thunder yung kamay ko at mariin itong pinisil. He gave me a sincere smile like he's saying that everythings gonna be alright.
Nasa loob na kasi kami ng isang Private Restaurant at hinihintay nalang naming dumating ang mga magulang namin. Syempre sinet-up namin sila, ito na kasi ang araw na napagdesisyunan na sabihin na namin sa mga magulang namin ang tungkol sa amin at tungkol din sa hindi nila magandang nakaraan.
"andito na sila"
mahinang sabi niya sa akin pero hindi siya sa akin nakatingin, kundi sa tao sa likod ko. Agad akong nakaramdam ng kaba.
paano kung hindi nila kami pakinggan??...
paano kung unahan kaagad sila ng galit??...
paano kung hindi nila ako matanggap para kay Thunder.. vice versa..
andaming mga tanong na tumatakbo sa isip ko. Natigil lang yun ng may lumapit na mag-asawa sa harap namin. Agad na tumayo si Thunder at nagmano.
"Oh..who's your Date anak?...She's pretty ha?" tanong ng Mama ni Thunder (Melissa)
"ahm...She's...she's....Raine Ma..I mean..Charlotte Jimenez.."
nagbago ang itsura ng mga magulang nito. Kung kanina ay parang masay sila, ngayon ay naging seryoso na. Tiningan ko si Thunder at tinaas niya yung kilay niya. Tumayo naman ako at hahawakan na sana yung kamay niya para magmano kaya lang inilayo niya ito. Napaiwas nalang ako ng tingin dahil sa ginawa niya.
"So, anung balak mo anak at inistorbo mo kami sa work ng Dad mo?" seryoso pa din na sabi niya.
yung Dad naman niya eh seryosong nakatingin lang sa akin kaya naman napayuko nalang ako. Hinawakan nalang ni Thunder yung kamay ko sa ilalim ng lamesa."May iniintay pa po tayo, sasabihin po namin ang lahat sa inyo..pero sana po ipangako nyo na magiging bukas ang pag-iisip nyo??"
kumunot naman ang noo ng mag-asawa.
"We can't promis--"
"Please...Mom?...Dad??"
Thunder's Mom just heaved a sigh and slowly nod.
nabaling ang atensyon ko sa tunog ng pagbukas at pagsara ng pintuan ng Restaurant.
tinaas ko ang isa kong kamay para makuha ko ang attensyon ni Dad dahil kanina ay hinahanap niya ako.
lumapit naman siya sa pwesto namin. At kagaya sa mga Magulang ni Thunder eh bigla din nagbago ito at masamang nakatingin sa Mag-asawa.
"Wow..long time no see...DATING kaibigan..musta na ang buhay mo matapos mo akong pagnakawan---" agad kaming napatayo ni Thunder.
ako, para pigilan si Dad at si Thunder para awatin nya ang Tatay nya na nagbabadyang manuntok.
"Dad please...pwede ba??...andito po tayong lahat para magkaliwanagan na...and Mr. Louis hindi po ang Dad ko ang nagnakaw ng mga investments nyo.."
naging malumanay naman ang mga itsura nila at naging kalamado.
"A-anong sinasabi mo??...Anak ng dati kong kaibigan--"
"Dad pwede ba!!" halos pasigaw ko nang sabi kay Dad.
"Ipapaliwanag po namin ang lahat..basta manatiling maging kalamdo lang po kayo at umupo na.." sabi ko.
Tiningnan naman ako ni Dad at tsaka umupo na sa gilid ko.
at sinimulan na naming ikwento lahat ni Thunder. Sinabi namin kung sino ba talaga ang mga nagnakaw ng mga Investments ni Dad.. Lahat ng ginawa ng Tatay ni Beverly..
BINABASA MO ANG
Your Guardian Angel [COMPLETED]#Wattys2016
Teen Fiction**Even an Angel needs a Guardian...** COMPLETED