Chapter 12: The start of her trials

2.8K 52 0
                                    

Chapter 12

Chapter 12: The start of her Trials

Raine's POV

umuwi na ako sa bahay  pagkagaling ko sa Clinic kanina, hindi na ako umatend ng class ko, since pinayagan din naman ako ng Prof ko dahil nalaman nila yung nangyari sa akin, so yun nga andito na ako sa bahay, binaba ko lang sa kama yung mga gamit ko sabay higa,, gosh kapagod, tsaka yung sakit ko baka lalong lumala, kinausap ko kasi yung Doc na nagexamine sakin kanina, and thanks god!! hindi niya sinabi dun sa Guy kanina, ayoko kasi ng may iba pang nakakalam nun, ayoko ng kinakaawaan ako dahil lang dun, at kung anu yung sakit ko? malalaman nyo din...

hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako, at nagising ako sa isang malakas na kalabog na nanggagaling sa pinto

*BOG,BOG,BOG*

"hoy, Mina lumabas ka diyan!!!" 

sino ba yun?? (O_o)?

*BOGBOGBOG*

"HOY!!!!!" 

"teka lang po" sabi ko, pumunta ako sa may pintuan at binuksa yun at tumambad sa aking harapan ang galit na galit na itsura ni Aling Medang yung may-ari ng bahay na ito..

"ah, Aling Medang magandang ga--" 

"Anung maganda sa gabi Raine ah?!!! alam mo ba na apat na buwan na kayong hindi nagbabayad ng renta nyo?!! aba naman ano kayo sinuswerte?!" galit na sabi ni Aling Medang

"ah, Aling Medang, a-anu po eh, m-matagal na hong wala si Nanay Mina" sabi ko sabay yuko

"aba't ano? tinakasan na niya ako ganun ba? ha?!!" sabi niya

"hi-hindi po, p-patay na ho si N-Nanay Mina, magdadalawang linggo na po, kaya po pasensiya na po kayo kung hindi pa po ako nakakab-bayad sa inyo, inasikaso ko po kasi yung libing ni Nanay, pasensiya na po" sabi ko habang pinipigilan kong umiyak

"hayy, oh anung balak mo ngayon?!!" galit na tanong niya

"kung pwede po bigyan nyo po ako ng isang buwan pa po na palugit para po mabayaran ko po yung utang namin sa inyo, sige na po, please?" sabi ko

"aba't talaga namang!! anu kaba Raine?!! isang buwan?!! nababaliw kana anu?? , hindi lang naman ikaw ang may problema kami din naman!! kaya bibigyan lang kita ng isang linggo!! at kapag wala kang pinambayad sa akin papalayasin na kita!!" sabi niya sabay alis...

pag-alis niya doon na nagsimulang pumatak yung mga luhang kanina ko pang pinipigilan, tumingala lang ako sa langit,kakaunti lang ang mga bituin, ngumiti ako habang umiiyak, Nanay, musta kana diyan?? masaya ba diyan? mabuti ba ang kalagayan mo Nay? ako kasi. mahirap eh.. mahirap ang nag-iisa, mahirap pa yung kalagayan ko ngayon, si Aling Medang kasi eh, pinapalayas na niya ako.. hindi ko alam kung saan ako maghahagilap ng pera para lang sa pambayad ko sa kanya.. pero Nay, tutulungan nyo naman ako diba?, hindi niyo naman ako pababayaan diba? palagi ka lang naman sa tabi ko diba? Nay kahit san man ako pumunta wag na wag mo akong iwan ah, salamat Nay..

pumasok na ako sa bahay at kumain, kakaunti lang yung kinain ko kasi wala naman akong gana,hinugasan ko lang yung pinagkainan ko at naglinis ng katawan sabay tulog...

*ZzzzZZZZzzzzzZZZZz*

nagising ako sa isang madilim na lugar, wala akong makita, nasan naba akO?

Your Guardian Angel [COMPLETED]#Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon