Raine's Pov
Nagising ako dahil sa parang may narinig akong nagkakalampagan sa kusina napabangon ako chineck kung anung oras na.. At sabi dito ay mag aalas-otso na ng umaga bumangon naman ako parang biglang nanlamig yung bandang hita ko kaya napababa ako ng tingin namula naman ako nun nang mapansin kong wala nga pala akong short niunderwear dahil sa naligo ako kagabi. Dali-Dali naman akong pumunta sa cabinet ko para kumuha ng masusuot at pagkatapos eh nagpunta na ako sa sala.
Doon ko naabutan si Thunder na kasalukuyang nagpiprito ng ham, tinignan ko yung lamesa at meron nang dalawang kape doon, kanin, at iba pang ulam..
Dahan-dahan akong umupo at pinagmasdan ang likod niyang walang saplot, pero nakashorts naman siya ah..wag kayong anu jan.. Napakatikas ng likod niya..para siyang greek god na bumaba sa lupa, pero uto-uto naman..hahaha
Maya-maya pa eh nagulat ako ng bigla siyang kumanta ng Teach me how to Dougie tapos sumayaw-sayaw pa siya, yung talagang sayaw ng Dougie.. Ayan ayan sumasayaw na xa..
"Teach me how to Dougie..teach me teach me how yeah!! Teach me how to Dougie yeah!!... Anana..na..na You are messing me with my Dougie...turuan mo ako niyang turu-turuan mo ko niyan.. Ewan ko sayo..e-ewan ko sayo..dun ka sa likod at wag kang malikot...yeah ahuh!! Yeah" kanta niya pa habang sumasayaw ng Dougie at ako naman dahil sa hindi na ako makapigil eh ayun tumawa na ako..
"Hahahaha!!" mukha naman siyang nagulat sa pagtawa ko kaya lumingon siya sa akin at namumulang kinuha yung ham at inilapag sa plato..
"Ah-ahm wag mo nga akong tawanan diyan!! Nakakadiri ka!! Bago ka tumawa maghilamos ka muna at andami mong muta oh!!" inis na sabi niya pero if I know gumagawa lang yan ng palusot para magchange topic pagtalikod niya eh dali-dali akong nagpunas ng mata dahil baka mamaya eh may muta nga ako..pagharap niya eh binaba ko yung kamay ko at nginitian siya.. Napakunot lang siya ng noo..
"tara na lets eat!!" masayang sabi ko at kumain na..
Pero yung masayang mukha ko kanina eh biglang naglaho, at naging maasim ito pero hindi ko ito pinahalata kay Thunder..
Naging mabagal ang Pagkain ko yuck anu ba to?? Parang hilaw pa ata yung Hotdog!! Hiniwa ko pa ito at kita kong may yelo-yelo pa ito..yuck!! Eew! Kumuha ako ng itlog at tinikman ito pero taena!!
"Pwe!! *cough cough* anu bayan Thunder! Bakit asukal yung nilagay mo sa Itlog? Dapat asin!! Tapos yung hotdog mo may yelo yelo pa! Yung totoo? Niluto mo ba yun?" reklamo ko, nagulat naman ako ng biglang binagsak ni Thunder yung kutsara't tinidor nya
"Aba aba!! Kapal talaga ng mukha mong magreklam anu?! Eh samantalang ako na nga ang nagluto ng makakain natin! At take note sino ba ang Yaya dito? Hindi ba ikaw?? Ikaw nga dapat ang nagigising ng maaga at ipagluto ako diba? Haist ewan ko sayo reklamadora!" sabi niya tapos pumasok na siya sa kwarto niya. Binelatan ko nalang siya at niluto ulit yung hotdog na hilaw pa, pagkatapos eh kumain na ulit ako..
Pero nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng biglang may nagdoorbell eh siyempre dahil ako ang yaya dito eh binuksan ko na ito..
At pagbukas ko isang maganda ngunit mataray na babae ang bumungad sa akin..
"ah.. Sino po sila?" tanong ko habang tinignan din yung mga dala-dala niyang isang maleta
"Sila??.. Duling kaba?! Kita mo nang nagiisa lang ako diba?? Hayys *roll eyes* by the way where's Thunder??" sabi pa niya habang sumisilip sa likod ko..
"Pasensiya na po pero hindi po nagpapapasok si Thunder ng kung sino-sino lang eh.." paliwanag ko sa kanya. Mukha namang nagpantig yung tenga niya dahil sa paliwanag ko aba aba yabang naman neto! Dukutin ko eyeballs mo eh.. Kaimbyerna!!
BINABASA MO ANG
Your Guardian Angel [COMPLETED]#Wattys2016
Fiksi Remaja**Even an Angel needs a Guardian...** COMPLETED