Chapter 36: The Truth

2.2K 49 3
                                    

Raine's POV

halos ilang linggo na din ang lumipas simula nang dumaan ang araw ng mga puso, pagkatapos nun parang nagkaroon ng ilangan samin ni Thunder hindi ko alam kung dahil ba yun sa paghalik nya sa akin oh baka may iba pang dahilan. Hindi ko alam pero sa bawat araw na lumilipas parang bumibigat yung pakiramdam ko, lalo na't sa iisang bubong lang kami nakatira ni Thunder at hindi ko alam kung bakit sa araw-araw na pang ssnob na ginagawa nya sa akin eh nasasaktan ako..possible kayang may gusto na ako sa kanya?
I just shook my head for the crazy thoughts entering on my mind..ako? Magkakagusto kay Thunder? End of the world naba? Eh para ngang sinaksakan ng ilang beses na anesthesia yan eh napakamanhid..oy pero hindi ibig sabihin nun may gusto na ako sa kanya ah..wag kayong malisyoso jan..haha napatigil ako sa pagpupunas ng cabinet ko ng bigla ko napansin yung file case na kulay blue na binili ko para ilagay yung mga gamit ni Nanay Mina pati na din yung mga files ko doon, kaya naman binaba ko muna yung pamunas at kinuha yung File case ko at umupo sa kama ko.. Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang ilang larawan namin doon ni Nanay Mina, napangiti ako ng maalala kung saan nakuha ang litratong iyon..yun ang araw na binilhan ako ng isang slice ng cake ni Nanay dahil yun ang aking ika-siyam na kaarawan.. Binaba ko ito at kinuha naman yung larawan na ako ay grumaduate sa elementary tawang-tawa pa ako nun dahil nalaglag sa stage yung palaging nangaaway sakin kaya naman sobrang tuwa ko sa larawan nato.

Halos lahat na ng larawan ay muli kong nakita kaya naman ibinalik ko na kaagad ito sa lalagyanan at patayo na sana ako ng biglang nalaglag yung brown envelope at nagkalat sa sahig ang mga laman nito..

Halos manginig ang tuhod ko sa nakikita ko..

Sandali akong napatigil sa paghinga..

Tama ba ang nakikita ko?

Oh baka malabo lang yung mata ko?

Dahan-dahan akong umupo at nanginginig na dinampot yung isang papel, kasabay nun ang mabilis na pagtibok ng puso ko..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"A--adoption P-paper?" utal utal kong sabi..

P-paano?!?

B-bakit?!?

Bakit may Adoption paper dito??

Nanginginig na kinuha ko isang papel doon

"CERTIFICATE OF ADAPTION"
This is to Certify that Charlotte Jimenez has been formally adopted into the Cruz Family
By: Hexamina Cruz
On this 23rd of January 1999"

Halos hindi ako makahinga..

Parang may kung anung nakabara sa lalamunan ko..

Hindi... Hindi naman ata ako itong inampon..tama hindi ako ito..hindi ako si Charlotte Jimenez si Raine Charlotte Cruz ako tama.. At anak ako ni Nanay Mina

Pero bakit kahit anung pilit ko sa sarili ko na anak ako ni Nanay at hindi ako ampon bakit may kung anung pwersa sa akin na nagsasabi na hindi totoo yung alam ko..

Napako yung tingin ko sa mga iba pang papeles..
Kinalkal ko ito halos mapunit na yung ibang papel dahil sa nginig ko..
Hanggang sa nakita ko yung hinahanap ko..

Nakasulat dito na walang asawa si Nanay Mina at higit sa lahat wala itong anak..

Yung kaunting pagasa na nakatanim dito sa puso ko.. Biglang nawala parang dinaanan ng napakalakas na bagyo..

Kung ganun...

Kung hindi ako tunay na anak ni Nanay Mina..
At ampon lang ako..

Sino ba talaga ako??

Nagsimula na akong umiyak..
Hindi ko alam kung bakit halo-halo ang nararamdaman ko sa mga oras na yun..

Hinanap ko yung Birth Certificate ko..
Nagbabaka sakali kung malaman kung sino nga ba ako..

Your Guardian Angel [COMPLETED]#Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon