Chapter 29: A Christmas with his Family (part 2)
Raine's POV
kasalukuyan kaming nasa isang shop sa Mall, bibilihan daw ako ni Ate Skylene ng papasko, dapat nga tatanggi pa ako kaya lang magsasalita palang ako ng inunahan na nya ako kaya, no choice na ako, actually may 10,000 ako dito sa wallet ko, yan yung kalahati ng sweldo ko.. at opo, naman, yes 20,000 yung sweldo ko bilang Maid kay Thunder,simula nung nagsweldo ako kay Thunder eeh, tinulungan niya akong magbukas ng bangko ko, para naman daw may ipon ako..kasi siyempre hindi naman habang buhay ako magiging katulong noh! madami pa akong pangarap, gusto ko maging tanyag na isang Pastry Chef at magtatayo pa ako ng madaming Shops, na puro Sweets ang tinda.. ahaha, atsaka pagkagraduate ko ng College eh, balak ko ng umalis sa pagiging Maid ni Thunder.. pero sa ngayon eh magiipon muna ako..
"ito Raine??" tanong sa akin ni Ate Skylene habang tinatapat niya sa kanya yung kulay Violet na Dress..
"ah.. opo, bagay po sa inyo, kaya lang... hindi po ba masyadong maikli??" tanong ko naman
"anu kaba, hindi naman masyadong maikli nuh! 2 inches above the knee lang naman toh.. so sabi mo yan ah, bagay sa akin yan ah *pout*?" tanong naman niya.. napangiti naman ako dun, masaya kasi siyang kasama, para siyang isip bata, nagtataka tuloy ako kung 20 yrs, old na ba ito oh 5 years old? ahahah
"Opo naman Ate, bagay na bagay sa iyo yan" masayang sabi ko, parang nangasim naman yung mukha niya sabay sabing,,
"eeeewwwww, dont call me Ate, and dont PO me!! para namang ang tanda-tanda ko na nuh!! eh 3 years lang naman ang agwat ko sa iyo, Skylene will do..." sabi niya sabay pout at kunot-noo..
"hahah, okay sige" sabi ko naman, madami nang nabiling damit, at kung anu-anung bagay pa si Skylene... hanggang sa napadaan kami sa isang store ng mga teddy bears.. napangiti naman ako sa nakita ko at handa na sana ako pumasok doon ng may maalala ako, kaya napalingon ako kay Skylene..
"Skylene.... (lingon siya) Pasok muna ako dito may bibilhin lang ako..." sabi ko
"okay, kita nalang tayo sa Payton Restau ng mga 6 pm , hah! byeeee!" sabi niya, kaya pumasok na ako sa loob at nilapitan yung teddy bear na nakita ko kanina..may lumapit naman sa akin na Saleslady kaya may tinanung ako..
"uhmm, Miss, magkano dito?" tanong ko habang tinituro yung bear na may suot na glasses at blue na shirt na may print na 'THUNDER' ... Yes Thunder!! kaya nga nilapitan ko ito eh, kasi nung nakita ko ito si Kulog agad yung naisip ko.. Opss wag lagyan ng malisya!! pasko naman eh, kaya hayaan na..
"1,500 po Ma'am, kukunin niyo po ba yan?" tanong sa akin ng Saleslady..
"Yes, kukunin ko..." sabi ko, kaya naman kinuha na nung Saleslady yung Bear at pumunta kami sa Cashier..
"ay, Miss pwede, dito mo nalang ilagay sa paper bag?" tanong ko sabay lahad ng Christmas Paper bag, yung mga nakasabit na sa tabi ng Cashier..
"ah, yes Ma'am Bali 1,550 lahat-lahat" sabi nya sabay bigay sa akin ng Paper bag na may laman na teady Bear.. inabot ko naman sa kanya yung pera ko at lumabas na sa store..
dahil may pera pa naman ako eh, naisipan kong bumili pa ng mga regalo kina Cameele, Elle at Dara..
nakumpleto ko lang yung mga pinamili ko nung bandang 6 na ng gabi kaya nagderetso na ako sa Payton Restau na pagmamay-ari nila Thunder...
kumain lang kami at napadesisyunan na namin na umuwi na
********************************
pagdating namin sa bahay nila Thunder, eh nagulat naman ako dahil may limang sasakyan na nakaparada sa harap ng bahay nila.. Teka, huwag mong sabihin na buong mag-anak ni Thunder ang nandito?? waaahhhh pagnagkataon, patay sa akin yang Kulog na yan..
BINABASA MO ANG
Your Guardian Angel [COMPLETED]#Wattys2016
Teen Fiction**Even an Angel needs a Guardian...** COMPLETED