Chapter 22: bonding with the Gabrielles

2.3K 49 0
                                    

Chapter 22: bonding with the Gabrielles

Raine's POV

anim na buwan na ang lumipas simula nung unang beses akong isinibay ni Thunder papuntang school namin, madami nga ang nagulat na studyante nung nakita kami eh, pero nung nilingon ko naman si Thunder parang wala lang sa kanya, kaya pinabayaan ko nalang din, hindi pa rin nagbabago yung ugali niya, palagi pa ding nagpapasakit ng ulo ko.. pero minsan nababawasan na din naman, at sa loob ng anim na buwan na yun eh nalaman na din nila Cameele na sa iisang bahay lang kami nakatira ni Thunder, grabe hindi ko alam kung anung isasagot sa mga tanong ko sa kanila, buti nalang nagets agad ni Elle.

*FLASHBACK, 3 MONTHs AGO*

nandito kami ngayon ni Thunder sa Mall naggogrocery kami ngayon, ubos na kasi yung mga pagkain namin sa bahay kaya napadesisyunan naming mamili muna, dapat ako lang talaga ang mago-grocery kaya lang walang ginagawa si Thunder at bored na daw siya kaya sumama na siya sa akin, pero on the other side okay na din yun para may tagabitbit ako ng mga dala-dalahin..

after 2 hours, nandito na kami sa parking lot nauna akong bumaba sa kanya, habang siya naman ay may kinakalkal pa sa kotse niya pag baba ko h, kinuha ko na yung mga pinamili namin sa backseat.

"ako na.." sabi niya"hah? wag na.. ako nalang ang magbibitbit" sabi ko naman habang  inaagaw yung mga pinamili sa kanya, pero hinila din niya

"wag na ako na nga." sabi niya tapos hinila na naman niya pero this time masyadong malakas yung pagkakahila niya kaya napasubsob ako sa dibdib niya, nagulat ako tapos tinignan ko siya..I looked directly at him for a few minutes, at doon ko lang narealiz yung ginawa ko kaya ako yung unang nagbaba ng tingin..

AWKWARD.......

nag fake cough lang siya tapos walang sabi-sabi kinuha na niya yung mga pinamili namin at naunang maglakad,..

====

bubuksan na sana ni Thunder yung pintuan ng Unit namin ng biglang may nagsalita..

"Raine??" nilingon ko yung nagsalita at paglingon ko, nabitawan ko yung mga ilang dala-dala ko..lumingon din si Thunder sa nagsalita at parang wala lang ito sa kanya. lumingon naman sa kanya si Cameele at nagsalita.

"Thunder???...a-anung..b-bakit....p-paano?" utal-utal na tanong ni Cameele sa akin, ako naman ay hindi ko alam yung isasagot ko kaya nanahimik lang ako, nilingon ko naman si Thunder, at pagtingin ko sa direksiyon niya... ngekkkk, wala na siya, tignan mo yung lalakin yun!! iniwan ba naman ako dito, ni hindi manlang ako tinulungang magexplain..

"Raine......" tawag sa akin ni Cameele, kasama nga pala niya si Elle, pero tahimik lang ito at parang inaalisa yung mga pangyayari.

"a-anu kasi Cameele, a-anu, eh"

"explain that later " seryosong sabi ni Elle tapos hinila ako,

nandito kami ngayon sa Hello Kity Cafe nila Cameele , hindi ko namang maiwasang mapamangha sa ganda nito... grabe sobrang ganda niya, imagine para siyang dollhouse na ...ewan cant explain.

(eto po yung itsura ng Cafe nila Cameele------------->)

"so Raine, care to explain?" seryosong sabi ni Elle, dahil wala naman akong choice kundi mag-expplain kaya kinuwento ko na sa kanila, simula nung nakasama ko si Thunder nung gabi na nakitulog kami sa mag-asawang matanda, hanggang sa naging deal namin, lahat-lahat, wala akong tinago sa kanila

"nollalmanhan (amazing) " sabi ni Cameele, na parang amaze na amaze. binigyan ko lang siya ng anung-sinasabi-mo-look, pero nginitian niya lang ako

"ah, kaya pala... eh bakit hindi mo kaagad sa amin sinabi? bakit mo nilihim sa amin?" tanong naman n Cameele

Your Guardian Angel [COMPLETED]#Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon