Madaming mga bata ang nagtatakbuhan kung saan,
may naghahabulan, naghaharutan, naglalaro at nagtatawanan.
madami ding pagkain sa isang mahabang lamesa. Mga nakakatanda na abalang-abala sa pagdedekorasyon sa paligid, yung iba ay inaayos na yung lamesa at upuan, may iba naman na inayos yung banner na gagamitin.
nakakatuwa ang ang mga batang ito na kahit mga wala nang magulang eh masaya pa din nilang hinaharap ang mga araw na dumadaan sa kanilang mga buhay.
"Oh iha naku mamaya na yan at tapusin mo na yang ginagawa mo maya-maya lang eh darating na sila" masayang sabi ni Nanay Fely ang pinakahead dito sa Charity/Ampunan, hmm, hindi pa naman siya gaano matanda since fifty-two palang naman siya.
"Ay Oo nga po pala, haha pasensya na po natutuwa lang po kasi ako sa mga bata eh"
"haha oh sige basta bilisan mo na diyan ah, at pagkatapos eh maari ka nang magpahinga—" hindi na natuloy yung sasabihin niya kasi biglang dumating si Ate Sally.
"Nay, andito na po sila" medyo natatarantang sabi nito
"Ah ganun ba? oh sige paupuin mo na ang mga bata dali na, Raine iha mauna na ako ha? at aasikasuhin ko pa sila" paalam ni Nanay Fely at umalis na tumango nalang ako at tinapos na yung ginagawa ko. Pagkatapos noon eh sumunod ako sa kanila.
Andito na pala yung magdodonate ulit sa Charity, sabi ni Nanay Fely siya daw si Mr. Payton, pangalawang Business Man na pinakamayan sa buong Pilipinas. pangatlong buwan na silang nagdodonate sa amin , at dahil likas na mabait sina Mr. Payton eh pag-aaralin niya ang mga dalaga't binata na nagtatarabaho dito sa Charity/Ampunan na ito, kagaya ko.
Nagtatatrabaho ako dito as Katulong, hindi Yaya, yung katulong na magdedecorate, mag-aasist yung mga ganun, at hindi lang naman ako ang dalaga dito na nagtatrabaho, actually Lima kami tatlong babae (kasama na ako doon) at dalawang lalaki. Kaya lang hindi ko pa sila gaano nakakausap since pangatlong linggo palang naman ako dito nagtatrabaho, at medyo may pagka masungit kasi yung Dalawa kong kasama dito well, ang pangalan nung babaeng mahaba ang buhok ay si Ella, samantalang ang may pagka chinita naman ay si Vina, yung isang lalaki na mohawks style ang buhok ay si Gino, then yung isa na korean style ang hair ay si Eric pare-parehas kaming seventeen years old.
kung nagtataka kayo kung bakit ako nagtatrabaho yun ay para makatulong sa Nanay ko.
natigil ang pagmumuni ko nang naramdaman kong nagvibrate yung cellphone ko sa bulsa ko at may tumatawag, kaya naman lumayo muna ako doon since maingay at tiyak hindi ko maririnig yung sasabihin sa kabilang linya.
at nakarating ako sa Garden nito, at nang akmang ssagutin ko na eh biglang namatay..
Ngek? problema nito? nasayang lang yung segundo ko para maglakad Amp =___=. binalik ko na yung cellphone ko sa bulsa at papasok na sana ako ulit sa loob nang may napansin akong lalaking nakatalikod sa akin ng hindi kalayuan.
Sino kaya ito?
kung titignan ito mula sa postura at likod ay parang nasa edad forty lamang ito, at maskulado padin ang katawan kahit na nakasuot ito ng coat at—
O___O
ganun nalang ang gulat ko nang bigla itong humarap sa gawi ko at binalik yung cellphone niyang Iphone sa bulsa niya, waaah gusto ko nun!!
Pero teka balik tayo sa kwento!!
"Isa kaba sa trabahador dito Iha?" tanong niya habang nakangiti, Impernes ha? kahit medyo may edad na gwapo at ma-appeal pa di— ay henebeyen!! pati ba naman parang Tatay ko na eh pagnanasaan ko pa din? Kalerkey ka Raine ah.
"Ahm...O-opo, pasensya nga po pala ah, baka po kasi pag-isipan nyo ako n masama at sabihing nakikinig ako sa usapan nyong mukhang importante, pero Honesto Pramis!! wala po akong narinig...I swear!!"
"hahaha, ang dami mo namang sinabi Iha, tinanung ko lang naman kung trabahador ka eh" napakamot nalang ako sa pisnge ko dahil sa hiya.
"matanong ko lang po ah, pero kayo po ba ang nagdodonate dito sa amin? kayo po ba si Mr. Payton?" I asked out of curiosity
"Yes ako nga yon, bakit hindi mo alam? eh tatlong buwan na kaming nagdodonate dito eh"
"Uhm, nung kelan lang po kasi ako dito nagtrabaho eh, atsaka hindi ko po kayo nun nakikita.... naku kung ganun maraming salamat po sa inyo ah, dahil po kasi sa inyo kaya mapapapagpatuloy ko yung pagaaral ko sa College, salamat po ah" I said in teary-eye ... naku napaka Iyakin ko talaga T___T
"hahahaha, your welocome oh, tama na iha baka bumaha pa ng luha mo dito..hahah Oh paano mauna na ako sa iyo ah? kailangan na kasi ako sa loob" I nod as a reply then nakangiting pumasok na siya ulit sa loob.
napangiti ako magisa dito..
haaay sana madami pang ganyang tao ngayon dito sa mundong ibabaw...
BINABASA MO ANG
Your Guardian Angel [COMPLETED]#Wattys2016
Fiksi Remaja**Even an Angel needs a Guardian...** COMPLETED