Charlotte's POV
"hindi natuloy ang kasal namin Raine"
Dahan-dahan akong lumingon sa kanya with my mouth half open.
H-hindi.. Natuloy??...
Pero.. Kitang-kita ko sa mga mata ko kahapon na..
Kinasal sila eh.. Pinaglololoko mo ba ako Thunder?
"a-anong...pinagsasabi mo??.anong hindi natuloy?? kitang-kita ng mga mata ko na kinasal kayo kahapon??" I heard him chuckle.
Ang mokong..tinawanan ako??
Pero aaminin ko sa sarili ko na namiss ko yung tawa niya. Pero teka, hindi niya ako malilinlang nuh!!
"bakit mo ako tinatawanan?!..seryoso ako for Pete sake!!" sabi ko sabay cross-arms. Tumigil naman siya sa pagtawa at tumayo. Tapos dahan-dahang lumapit sa akin.
"naalala mo pa ba yung mga sinabi mo sakin noon?. Sa Hospital?" sabi niya habang papalapit sakin pero hindi ako umatras. Nakakasawa na kasi yung mga nababasa kong story na lalapitan nung lalaki yung girl tas si girl aatras pero in the end masasandal si Girl sa wall kasi wala na siyang maatrasan. So cliche. Kaya why bother pa diba?...
"ano naman doon??...madami akong sinabi sayo nuh!!"
Tumawa siya tapos nilapit yung mukha niya sakin sabay bulong.
"sabi mo noon, hindi lahat ng nakikita ng mata ay tama."
"oh? And so? Anu naman??"
"haha..hindi ko alam Raine pero isang taon palang ang nakalipas pero engot kapa din"
"Aba!!...ang kapal mo ah!!" hahampasin ko sana siya kaya lang mas mabilis siya kaya naman nahawakan niya yung kamay ko at inilagay sa itaas ng ulo ko. Naging seryoso naman ang mukha niya.
*Gulp*"ang gusto ko lang palabasin eh..hindi lahat ng nakita mo kahapon sa simbahan eh totoo..hindi natuloy yung kasal namin ni Beverly, nagulat ako kasi tinawagan niya ako at sinabing kinoll-off na nya yung kasal namin...nagulat ako syempre, pero ang mas nangingibaw sa akin eh kaligayahan...kasi pwede na tayo ulit magkasama Raine...malaya na tayo"
Sabi niya sa akin.
Parang nawala lahat ng galit at hinanakit ko sa kanya dahil sa mga sinabi niya. Pero nang maalala ko na nilihim niya sa akin yung tungkol sa mga magulang ko eh. Muling bumangon na naman ang sakit. Kaya matiim na tinitigan ko siya na kinagulat niya."akala mo ba matutuwa ako sa mga sinabi mo??..."
"R-Raine..a-anu bang pinagsasabi mo--"
"Umalis kana!!" sabi ko habang nakayuko.
"Raine..akala ko ba ayos na---"
"UMALIS KANA!!!"
sigaw ko sa kanya na mas lalong kinagulat niya pero bumuntong hininga lang siya at may nilabas sa bulsa niya. Kinuha niya yung kamay ko at may nilagay doon.
"sige...kapag handa mo nang malaman ang lahat...puntahan mo lang yang naka lagay diyan" tapos umalis na siya.
Binuksan ko yung palad ko at may nakalagay ditong address.
X~X~X
"Huy babae..hindi mo ba pupuntahan yung address na yan??" tanong sakin ni Lightning habang ngumunguya ng kinakain niya donut.
"hindi pa ako handa.."
"eh kelan kapa magiging handa?..kapag matanda kana..alam mo madami akong napapanuod sa TV na yung bidang babae hindi niya inalam yung side ng lalaki.. Ayun napatay yung lalaki ng hindi man lang pinakinggan nung Girl yung side ng lalaki"
BINABASA MO ANG
Your Guardian Angel [COMPLETED]#Wattys2016
Teen Fiction**Even an Angel needs a Guardian...** COMPLETED