Chapter 35: Dara and Zayn's Part
Zayn's POV
anung araw na ngayon?... february 14 ngayon, at papunta ako sa bahay ngayon nila Dara, tama po kayo Dara Co, paano kami naging magkaibigan at bakit ako pupunta sa kanila??... ito kaunting flashback...
*FLASHBACK* (2 months ago, Christmas Ball)
Christmas Ball ngayon, at binilin sa akin nila Luke na huwag ko daw munang pairalin yung pagiging torpe at duwag ko, baka daw kasi hindi ko maaya mamaya si Dara sa pagsayaw at baka maunahan ako ng ibang lalaki kay Dara, sinabi pa nga nila sa akin na hindi daw bagay sa akin ang pagiging torpe kasi daw sa gawapo kong ito? magiging torpe?... well gwapo naman talaga ako, madami pa nga ang nagsasabi sa akin na kamukha ko daw si Zayn Malik ng One Direction, eh nung mga oras na yun hindi ko pa kilala yung Zayn Malik daw, kaya nagreaserch ako, at pagkakita ko sa mga picture niya, tama nga sila para kaming pinagbiyak na bunga.. at sakto pa na magkaparehas kami ng pangalan, minsan nga iniisip ko na ako talaga si Zayn Malik eh..hehe so anu bayan, ang daldal ko balik tayo sa storya...
mula sa pagkakaupo eh tumayo ako at inilahad ang aking kamay kay Dara, nung una pa nga eh nakatitig lang siya sa akin at para akong inaalisa kaya medyo kinabahan ako, pero luckily tinanggap naman niya ito, kaya dinala ko na siya sa dancefloor at sumayaw..
ang ganda na sana ng eksena eh kaay lang nung malapit nang matapos yung kanta eh bigla nalang may tumawag sa kanyang cellphone at kita ko sa mga mata niya na kaunti nalang at iiyakna siya, syempre hindi ko mapigilan ang magtaka, kaya tinanung ko siya, pero hindi niya sinabi sa akin ang tunay nadahilan kung bakit siya paiyak..
nagpaalam siya sa akin na kailangan na niyang umalis, inalok ko siya na ihahatid ko nalang siya pero tinanggihan niya ako at mabilis na tumakbo papalayo sa akin. symepre hindi ko siya pwedeng pabayaan na umalis mag-isa, sa itsura pa man din niya na mukhang wala na siya sa sarili at medyo nanginginig na siya, kaya sinundan ko siya, hanggang sa nakalabas na kami ng school, ay agad-agad siyang pumara ng taxi, kaya sumakay ako sa sasakyan ko at sinundan ang taxi na kanyang sinasakyan, makalipas ang mahigit isang oras eh nagulat ako ng tumigil yung taxi na sinasakyan niya sa isang hospital, nagtataka man ako eh isinantabi ko nalang ito at dali-dali na naman siyang hinabol.
madami na nga ang mga taong nagtitinginan sa kanya, pero parang wala naman siyang pakialam sa mga ito.. pumasok siya sa tapat ng isang kulay puting pintuan, samantalang ako naman ay tumgil sa harap nito. nagdadalawang-isip kung tutuloy ako, bakit nga ba ako nandito??.. bakit ko ba siya sinundan?? sana hindi nalang ako sumundo kasi baka mainvade ko ang privacy niya..Tatalikod na sana ako at handa nang umalis ng may narinig akong isang sigaw at iyak ng bata, kaya hindi na ako nagdalawang-isip na pumasok.. yung iyak na yun!!..... parang may something sa bata na nagtulak sa akin para pumasok dito..
kita sa mga mata ng mga tao sa loob ng kwarto na ito ang pagkagulat, maski si Dara na hawak-hawak yung bata na isang taon gulang palang yata, binigay niya yung bata sa isang babae na sa tingin ko ay Mama niya, at kinakabahan na lumapit sa akin..
"Z-zayn...a-anung ginagawa mo dito??....lumabas kana please?...l-lumabas k-kana--" sabi sa akin ni Dara na pilit akong pinapalabas ng kwartong ito, pero parang wala naman na ata siyang lakas kasi hindi pa din ako gumagalaw sa kinakatayuan ko, pero napatigil siya sa pagsasalita at pagtulak sa akin ng bigla siyang tinawag ng bata...
"Mama!!!....uwaaahhh, uwaaahhh" Mama?? a-anung?? Ibig-sabihin ba nito??.. nabaling ang tingin ko kay Dara, pero nakita ko lang ang patak ng kanyang luha, na naging isang iyak na..
"Z-zayn please, umalis kana dito!!...I-iwan mo na kami!!" utos sa akin ni Dara, nung nakabawi na ako mula sa pagkagulat, eh napatikom ko yung kamao ko at walang anu-anu eh, dinala ko siya sa rooftop ng hospital.."Magpaliwanang ka Dara...sino yung bata sa kwarto na yun??.... bakit ka niya tinawag na Mama??" mahinahon na tanong ko habang nakayuko, habang inaantay ang kanyang sagot.. pero sana pala hindi ko nalang siya tinanung pa, dahil yung sagot niya yun ang nagpabasag sa akin puso..
BINABASA MO ANG
Your Guardian Angel [COMPLETED]#Wattys2016
Novela Juvenil**Even an Angel needs a Guardian...** COMPLETED