Chapter 51: They don't know about Us (Zayn and Dara)

2.2K 37 1
                                    

CONTINUATION...

Dara's POV

Two months had passed. At okay na naman kami ni Liam. Nalaman na din ni Jane na si Liam ang totoo niyang Daddy, though naguguluhan pa din siya between Zayn and Liam but Liam explained really well to Jane.

Kaya naman nagets din niya ang lahat.

Kamusta ang nangyari sa amin sa loob ng dalawang buwan?..

Ayun sa bahay na namin nakatira si Liam. Sinamahan ko din siyang pumunta sa mga magulang niya para ipalam na.buhay pa siya at kulang nalang eh bumaha ng luha nung araw na nakita nila na buhay si Liam.

At ano ang nangyari kay Liam ng mga panahong wala siya?

Kinuwento niya sa akin na nalubog nga daw yung barko na sinasakyan nila papuntang Pilipinas noon. Then nagising siya sa isang isla.

At doon ay may kumopkup sa kanya. Nagkaroon siya ng temporary amnesia dahil bago kasi lumubog yung barko napalakas daw yung tama ng ulo niya sa railings nito. Kaya nalaglag siya.

Inabot ng halos dalawang taon yung amnesia niya kaya naman natagalan siya.
Nung nakabalik yung ala-ala niya eh napagalaman niyang nasa Palawan siya at kung sino ba talaga siya.

Dahil nawala na naman yung Contacts sa mga magulang niya eh napilitan muna siyang magtrabaho upang makapagipon siya ng pamasahe dahil mahirap lang naman ang kumupkop sa kanya.

At ng makaipon na eh umalis na sya doon at nasimulang hanapin ako.

Nagulat din siya ng malaman niyang may anak pala kami. At medyo nakalimutan niya kung kelan iyon nangyari. Pero sinabi ko nangyari ang lahat ng yun ng Kaarawan niya halos apat na taon ng nakalipas. Pumunta kami sa Bar nun para magcelebrate at nagkainuman at parehas kaming nalasing. At doon na may nangyari.

Kamusta naman si Zayn?...

Malungkot pero ayun ang nararamdaman ko. Simula kasi ng bumalik si Liam minsan nalang siya pumunta sa bahay kung dati four times a week siyang nasa bahay pero ngayon.two times a month nalang siyang dumalaw at kung minsan pa eh dumadaan lang at inaabot yung pasalubong kay Jane at aalis na.

Napapansin ko din na iniiwasan niya ako at alam ko sa sarili ko na nalulungkot din si Jane sa mga nangyari. Kung tutuusin hindi close si Jane at Liam.

Alam kong nasasaktan si Liam sa mga kinikilos ni Jane sa kanya pero hinahayaan niya nalang ito. Sabi niya baka daw nasanay na ito na si Zayn na ang nakasama mula pagkabata. Which is true naman.

At kamusta naman kami ni Liam?..

Ayun parang may...

Nagbago??...

Hindi ko alam pero kaya naman ako naging ganun dati eh kasi mahal na mahal ko siya noon at sobra akong nasaktan ng nawala siya sa akin..umabot pa nga sa punto na gusto ko nang patayin ang sarili ko.

Pero simula ng dumating si Zayn..

Unting-unting nabubura sa isip at puso ko si Liam. Yung mga araw na magisa ako. Hindi ako.nalungkot kasi alam kong andyan si Zayn.

Maski yung araw na nasagasan si Jane. Kay Zayn ako kumukuha ng lakas.

Tapos nung bumalik siya sa buhay namin ni Jane. Parang may nagbago na hindi ko maintindihan kung anu.

Dati kapag hinahawakan niya yung kamay ko.. Kinikilig ako.

Pero ngayon hindi na..

Dati kapag hinahalikan niya ako...

May kung anung nagwawala sa tiyan ko at ang bilis ng tibok ng puso ko..

Pero ngayon parang wala na..

Your Guardian Angel [COMPLETED]#Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon