Chapter 20: waiting for you to apologize
*tuesday morning*
Raine's POV
dahil sa kakaisip ko kung anung pwedeng ipang-peace offering ko kay Thunder hindi ko namalayan yung oras kagabi kaya tinanghali ako ng gising,
at pagtingin ko sa orasan ko..
shock!! mage-eight na!!, kaya naman dali-dali akong bumangon pero sa kasamaang palad..
*Blagg*
nalaglag ako (-_-) ang sakit ah, una mukha ko pero hindi ko muna yun ininda
at patakbong lumabas patungo sa kusina para magluto, naku naman oh! galit pa nga si Thunder sa akin dahil sa ginawa ko, tapos late pa akong nagising anung kakainin nung tukmol na yun?!.. pero paglabas ko ng sala... /(O.O)\ANG KALAT!!!
Thunder's POV
maaga akong nagising ngayon at sabi sa orasan ko ay alasais pa lang, pero bumangon na ako naghilamos muna at nagbihis ng pang-jogging, pagkatapos ko namang magbihis ay lumabas na ako n condo ko at na-jogging lang..
after almost an hour napag-isipan ko nang bumalik para makapghanda na din sa pagpasok, atsaka gising na din si ULAN eh, pero pagpasok ko wala pa rin akong Raine na naabutan na nagluluto na, kaya dumiretso ako sa kwarto niya at pagtingin ko ay himbing na himbing siyang natutulog...tignan mo itong babaeng ito oh, ang laskar matulog! nakalawit na kasi yung ulo at braso niya sa kama niya, at ang gulo-gulo na ng sapin sa kama niya, then an evil thought suddenly flashed in my mind kaya lumabas na ako sa kwarto niya at sinumulang guluhin ang mag gamit sa dito, nilaglag ko yung mga unan sa sofa, tapos ginulo ko din yung pwesto ng mga sofa para naman kunyaring may hinahanap talaga, tapos yung mga painting na nakasabit sa dingding ay itinagilid ko ng sabit, tapos yung mga libro sa bookshelf kinalat ko din sa sahig, tapos tinumba ko yung bookshelf para mas makalat tignan, pagkatapos ay tinanggal ko yung 42 inches na TV namin at itinago sa likod ng table ko sa kwarto at madami pa akong ginawa na kabaliwan, siguro naman hindi nya yun mahahalata yun nuh? inilibot ko yung paningin ko sa buong bahay at napasmirk sa nakita ko, dali-dali naman akong pumunta sa kwarto ko ng narinig kong parang nagising na si Raine pero bumalik ako sa main door at binuksan ng kaunti para talagang nagmukha kaming ninakawan..
tapos patalon akong tumalon sa kama ko at nagtalukbong pero ginulo-ginulo ko muna yung buhok ko para kunyari galing pa ako sa pagtulog at wala akong kinalaman sa mga nangyayari, bwahaha!!
maya-maya pa pumasok na si Raine sa kwarto ko at sinumulang alugin ako..
"Thunder, gising uy (alog,alog) UY Thunder gumising ka nanakawan tayo!!!" sigaw niya habang malakas na inaalog-alog ako
"hhhmmmmm" sabi ko naman habang kumakamot pa sa ulo, syempre kaylangan kong galingang umakto, baka mamaya mabisto ako nito, mahirap na!!, ang totoo talaga niyan trip na trip ko siyang pagtripan ngayon..eh anung magagawa ko eh good mood ako ngayon eh!
"huh? talaga nanakawan tayo?" kunyaring gulat na tanong ko pero sa loob-loob ko gutong-gusto ko nang tumawa, ahaha yung itsura niya kasi eh!! Pffft
"Oo tara dali!!" sabi niya sabay hila sa braso ko papuntang sala para ipakita niya sa akin yung nangyari..
"Thunder, nanakawan ata tayo, nawawala din yung TV mo!!..tara sabihin natin sa security" sabi niya at akma na sana siyang lalabas pero pinigilan ko siya, bawal siyang magsumbong sa security baka mamaya imbestigahan nila itong nangyari, baka mamaya malaman nila na ako pala yung gumawa ng katarantaduhan ko, eh di ako pa ang napahiya kaya naman dahil sa pagiisip ko ay iba ang nasabi ko.
"Aish! wag na ako lang naman ang gumawa niyan eh" sabi ko haba--, teka patay! tinignan naman niya ako na parang nagtataka kay inunahan ko na siyang magsalita
"I-I mean ako na ang gagawa ng solusyon dito, ang gawin mo muna ay linisin tong buong condo, Oops anung oras na pala magluto ka kaya muna magaalas-otso na kasi eh" sabi ko habang nakangiting mapang-asar sa kanya..
BINABASA MO ANG
Your Guardian Angel [COMPLETED]#Wattys2016
Novela Juvenil**Even an Angel needs a Guardian...** COMPLETED