Chapter 21: Im sorry for REAL?

2.2K 52 1
                                    

Chapter 21: Im SORRY for REAL (O_O)?

Raine's POV

arrggh! nakakainis talaga! kung meron lang akong ibang matitirhan eh nilayasan ko na yang Amo kong mukhang Paa! nakakainis!, hindi ba niya alam na galit nga ako sa kanya kaya hindi ko siya pinapansin?, at ganun ba talaga siya magpapansin? kaylangang buhusan ng tubig sa mukha?? ibang klase ah!...

nandito ako ngayon sa kwarto ko nilock ko pa yan, para lang huwag akong gambalin nung KULOG na yun, peste eh, dahil wala naman ako ginagawa eh natulog na lang ako, hindi ko alam kung hanggang anung oras ako natulog. paggising ko kasi eh madilim na yung buong paligid, kay binuksan ko muna yung lamp sa bedside table at chi-neck yung oras sa dingding..

6:30 pm na pala, bumangon na ako at nagsimula nang magluto para sa hapunan namin,. himala ata at wala yung sira-ulo kong Amo, eh di mas mabuti tahimik ang buong paligid.. dahil sa maganda yung pagkagising ko eh. sumaya-sayaw pa at nagrap ako habang nagluluto..

"yeah, ahuh! ang.amo.kong.sira-ulo.nalaglag sa may kanto.dinampot ni lolo,pinakain sa may aso. namatay ang aso.dahil, sa baho ng aking amo. ahuh! yeah yeah! ahuh!. weeeh" sabi ko habang umikot-ikot pa..

"AHAHAHAHAHAHAHHA" nilingon ko kung sino yung nagsalita at si Thunder pala yun habang may hawak-hawak na maliit na box, nagulat naman ako doon, kasi paano kung kanina pa siya nadito? paano kung napanuod niya yung katarantaduhan kong ginawa paano na?

"ah..ah-he-he..k-kanina ka pa diyan?" sabi ko habang pautal-utal kasi naman, nakakahiya naman yung mga pinaggagawa ko at pinagsasabi ko! okay naman yung katawan ko eh, hindi naman matigas lalo na pag sumsasayaw, pero kahit na...


"Oo kanina pa ako dito?" sabi niya..

"Ah...kain na tayo" sabi ko tapos kumain na kami..

*KINABUKASAN*

nagising ako ng alasyete ng umaga pero pagbangon ko may nakita akong kulay black na box na nakapatong sa paanan ng kama ko, kaya binuksan ko ito at napanganga naman ako sa nakita ko.. isang floral dress na color pink yung baba at white naman yung pang-itaas , na above the knee lang yung haba nito at. .at yung cellphon ko

(O_O)

(see picture at the side--------->)

ang cute naman nito, may kasama siyang note at ito ang sabi doon.

-Im sorry, wear this dress today:)-

napangiti naman ako sa binigay niya, aba sino ba naman ang hindi mapapangiti kung paggising mo sa umaga eh may bubungad na isang magandang dress at isang cellphone sa harap mo diba?

pumunta na ako sa kusina at magluluto na sana ako ng umagahan ng mapansin kong may ulam at kanin na pala na nakahain.. sa sobrang tuwa ko ay pumunta ako sa kwarto ni Thunder, pagpasok ko sa kwart ko eh nakita ko si Thunder na nakaharap sa salamin at inaayos nya yung buhok niya, lumapit ako sa kanya at niyakap siya na patalikod, napatigil naman sya sa ginagawa niya at parang nagulat. tinaggal niya yung pagkakahawak ko sa kanya at humarap sa akin na..

teka namumula ba siya??

"A-anu..b-bakit ka b-biglang nangyayakap diyan?" tanong nya, ngumiti lang ako sa kanya at nagsalita."salamat nga pala sa binigay mo ah" sabi ko at patalon-talon habang paalis sa kwarto niya..

THUNDER'S POV

(--/////--)....

kakagulat yun ah! biglang bigla na lang mangyayakap, siguro tuwang-tuwa yun sa binigay ko sa kanya, alam niyo ba kung bakit ko siya binigayan nun??

ganito kasi yun..

*FLASHBACK*

pagbaba ko sa lobby kahapon ay may tumawag sa akin..

"Mr.Thunder!!!!"

nilingon ko yung nagsalita at si Ella pala yun, yung Receptionist namin, nilapitan ko siya at may binigay siya sa akin

"naiwan po kasi ito ni Ma'am Raine kahapon sa rooftop" sabi niya, tinignan ko naman yung binigay niya at yung cellphone niya pala yun..

"anung ginagawa nito sa Rooftop?"

"ay, hindi po ba kayo umakyat nung isang araw sa Rooftop? may inihanda po kasi sya para sayo, mukhang magsosory po ata siya sayo eh" sabi niya..

so para pala talaga sa akin yung ginawa niya?

ibig sabihin nung araw na pala na yun ay magsosorry na pala sya sa akin, kaya pala pagkatapos nung araw na yun hindi na nya ako pinapansin..

That explains everything..

kaylangan kong gumawa ng paraan para magkabati kami...

kaya naman pumunta ako sa kaibigan ko para manghingi ng payo kung anu yung pwede na ibigay sa isang babae at yun yun sinabi niya kaya kinaumagahan eh pinatong ko yung box sa kama niya..

*END OF FLASHBACK*

Raine's POV

matapos kung kumain ay naligo na ako, at masayang sinuot yung binigay ni Thunder, humarap ako sa salamin ko a napangiti, pagkatapos ay lumabas na ako pero nagulat ako nung pagpunta ko ng sala eh nanduon pa siya..

"Bakit hindi kapa umaalis?" tanong ko, kasi dapat ganitong oras eh umalis na siya, kaya nakakapagtaka kung bakit hanggang ngayon eh nandito pa siya.

"Inaantay ka.." simpleng sabi niya, my jaw dropped ...magsasalita pa sana ako nung hinawakan niya yung wrist ko at hinila ako palabas..pero paglabas ko hindi ko mapigilang hindi ngumiti..

aba! for the first time, isasabay na nya ako papasok \(^//////^)/

Your Guardian Angel [COMPLETED]#Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon