SAYZIA'S POV
__________
"Sure ka ba sa tinatahak natin, Anak?" Pangatlong tanong na sa akin ni Daddy.
"Diba nakapunta na rin kayo dito ni Angel, Rod?" Sabi ni Tita Aikel.
"Oo, pero matagal na yun at ang dami ng pinagbago ng lugar na ito." Sabi ni Daddy.
"Don't worry po, tanda ko pa po ang daan." Sabi ko sa kanila at ngumiti. Naglalakad na kami sa kagubatan papunta sa puno kung saan nakalibing ang katawan ni Ophelia. Buhat buhat ni Daddy ang patat na kambing samantalang na kay Tita Aikel ang gagamitin na kutsilyo pangsugat sa akin.
Pagkarating namin sa tapat ng puno ay nilapag na agad ni Daddy ang alay na patay na puting kambing. Hindi gaanong kadilim ang paligid dahil sa sinag ng bilog na buwan na nasa taas namin.
Kinuha ni Tita Aikel ang maliit na kutsilyo sa kanyang maliit na sling bag at inabot ito sa akin. Bago ko ito tinanggap galing sa kanya ay mahigpit ko muna syang niyakap.
"Kayo na pong bahala kay Daddy. Wag na wag nyo po syang iiwan." Bulong ko dito.
"Makakaasa ka, Sayzia." Bulong din nito. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at ngumiti. Tinanggap ko ang kutsilyo sa kamay nya bago ako tumingin kay Daddy.
"Daddy?" Namalayan ko na lang ang maiinit na luha ng unti unting nagsisibagsakan sa aking mga mata kasabay ng paglapit ko kay Daddy at pagyakap ng mahigpit sa kanya.
"Mami-miss ko po kayo ng sobra. Alagaan nyo po sana ang sarili nyo pati na rin si Tita Aikel. You can open your heart again, Daddy, it's not too late. You can still love her." Sabi ko sa kanya. Wala man akong binabanggit na pangalan pero alam kong alam nya kung sino ang tinutukoy ko. Kumalas ako sa pagkakayakap ni Daddy.
"Mag-ingat ka, Anak. Mahal na mahal ka ni Daddy." Naiiyak na sabi nito at niyakap ulit ako sa huling pagkakataon.
Humarap ako sa malaking punong ito. Masyado akong kinakabahan sa maaaring mangyari. Natatakot ako dahil wala manlang akong kaide-ideya sa maaring mangyari sa pagpunta ko sa panahong 1805.
Sa nanginginig kong mga kamay at sa kakaibang kaba na aking nararamdaman ay tinatagan ko ang aking sarili. Dahan dahan kong hiniwa ang aking palad at tinapat ang dugo kung saan nakahiga ang wala ng buhay na puting kambing.
Sa paglapat ng dugo ko sa kambing ay ang dahan dahang pagtubo ng mga dahon nito kasabay nun ang matinding liwanag na unti unti akong nilalamon. Napapikit ako dahil sa matinding liwanag nito.
"Umalis na kayo. Alam ko hindi pa ito ang huli nating pagkikita."
Gavin
She ate Saphira's head. Bumagsak ang walang buhay na katawan ni Saphira sa semento ng hospital.
Saphira
"It's okay, Sayzia. Katulad nga ng sabi ni Gavin, hindi pa ito ang huli nating pagkikita."
Nicko
"Tulong!" Sigaw pa nito. Napasinghap ako ng makita ko si Aurora na dahan dahang kinukuha ni Phasing Black Reaper sa pader. Unti unting kinakain si Aurora ng pader sa likod nya.
Aurora
"I can't kill you, Sayzia. Hindi ko kaya. Natatakot ako na baka, hindi kita mabuhay agad."
BINABASA MO ANG
Ophelia Libano's Curse (COMPLETED)
HorrorPART I ...... Every All Souls' Day, Filipinos observe a long-standing tradition of visiting cemeteries to remember and honor loved ones who have passed away. Some families even choose to stay overnight, sleeping beside the graves, because it is ofte...
