OPHELIA'S POV
_________
"Hinihiling ko ngayon na buong katapatan ninyong ipahayag ang inyong damdamin sa isa't isa." Sabi ng pare.
Tumingin ako mga kamay kong nanginginig. Di ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng kaba. Simula ng tumapak ako sa loob ng simbahan ay nakaramdam na ako ng matinding kaba na hindi ko naman alam kung para saan ba.
Ramdam ko ang presensya ni Linus sa paligid pero kahit bulto o anino nya ay hindi ko makita. Hindi parin maalis sa isipan ko ang sinabi nya kanina. Himihiling ko na sana ay wala syang gawin na ikapapahamak nya.
Napatingin ako kay Hermes ng mahina nyang tapikin ang kamay ko. Tumingin sya sa pare bago ako tinitigan.
"Paumanhin po! Ano po ulit iyon, Padre?" Kinakabahang tanong ko.
"Uulitin ko, Binibini." Sabi nito at nahihiyang tumango-tango ako sa kanya.
"Binibining Ophelia Manzano Libano, bukal ba sa iyong loob ang iyong pagparito upang makaisang-dibdib si Hermes Napoles Zurita, na iyong pakamamahalin at paglilingkuran habang buhay?" Sabi ng pare.
"I don't want you to marry someone else. I'll ruin your wedding."
"I don't want you to marry someone else. I'll ruin your wedding."
Mariin akong napapikit ng marinig ko na naman ang mga salita at boses nya sa isipan ko.
"Isipin mong mabuti ang desisyon mong pagpapakasal kay Hermes. Hindi mo alam kung ano ang magiging epekto nito sa mangyayari."
"I'm sorry, but I'm here to warn and stop you, Sayzia."
Napakit ulit ako ng mariin. This is not good. This is not good. Malakas akong bumuntong-hininga bago tumingin kay Hermes at sa pare.
"O-opo, Padre." Sabi ko sa nangangatal na labi. Ngumiti ito sa akin. May narandaman akong kakaiba sa ngiti nya pero pinagsawalang bahala ko na lang ito.
Habang nagsasalita ang pare sa unahan ay napasinghap ang lahat ng biglang namatay ang kandila sa gilid ni Hermes. Hindi man ako mapamahiing tao pero alam ko ang kahulugan nito.
Halatang natigilan si Hermes sa tabi ko. Samantalang ang ibang tao sa simbahan ay sunod sunod na nagsign of the cross at nanalangin.
Mabilis na tumayo ang abay na nagsindi ng kandila at sinubukang sindihan ito pero hindi ito masindihan. Bigla bigla na lang itong namamatay kahit wala namang malakas na hangin sa paligid.
Tumayo na ang iba at tinulungan ito sa pag sindi ng kandila, pero may kung anong hindi maipaliwanag ang pumapatay sa sindi nito.
Hindi sinasadyang mapatingin ako sa pinaka-taas ng simbahan. May nakita akong isang bulto ng tao doon. Di ko masyadong maaninag dahil madilim na ang paligid at tanging mga kandila at lampara lang sa loob ng simbahan ang nagbibigay sa amin ng ilaw.
Tinitigan ko pa ito sandali bago ako nagiwas ng tingin at nag-focus na lang sa unahan. Maya maya lang ay nakarinig ako ng malakas na tunog ng kung ano at ang malakas na pagsinghap ng mga tao. Nagulat ako ng bigla na lang bumagsak sa tabi ko si Hermes hawak ang kanyang dibdib.
Hindi ko napigilan ang pagsigaw at ang takot. Bumaba ako sa altar at medyo naitulak pa ako palabas dahil nagpanic na ang mga tao. Dahil din sa panic na nararamdaman ay tumakbo din ako palabas ng may humila sa kamay ko. Biglang nanikip ang dibdib ko. Kailangan kong makahinga ng maayos.
Hindi ko tinitignan kong sino ang humihila sa akin. Naalarma lang ako ng magsalita ito.
"I told you, I'll ruin your wedding with that motherfucker." Sabi nito sa galit at malalim na boses. Nanlaki ang mga mata ko. Kasabay din nun ang malakas na sigaw na nanggagaling sa loob ng simbahan.
BINABASA MO ANG
Ophelia Libano's Curse (COMPLETED)
HororPART I ...... Every All Souls' Day, Filipinos observe a long-standing tradition of visiting cemeteries to remember and honor loved ones who have passed away. Some families even choose to stay overnight, sleeping beside the graves, because it is ofte...
