ROD'S POV
______
"It's time."
Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Sumalubong agad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Aikel at Angel.
So all this time it's all just a hallucination? Ginugulo lang nila ang isipan ko. Putangina! Napaka, kupal nila.
"Are you okay, Rod? Ano bang nangyayari sayo?" Sabi ng girlfriend kong si Aikel.
"They fooled me. Pinaniwala nilang ako si Prince." Sabi ko sa kanila.
"What do you mean?" Nagtatakang tanong ni Aikel.
"Okay, now it makes sense." Napatingin kaming dalawa ni Aikel kay Angel.
"Not the boy with a lot of secrets, but the boy who's in love with the curse. The opposite. Unang basa ko pa lang sa unang sentence, inakala ko na agad na si Rod ang tinutukoy nito because si Rod lang naman ang in love sayo Ate. Ikaw ang may curse, diba? And now the opposite, kaya sinabing opposite sa huli ay dahil si Prince talaga ang tinutukoy nito at hindi si Rod. Kung di mo sya masyadong iintindihin , malilito ka talaga pero nung sinabi ni Rod na pinaniwala syang sya si Prince na-gets ko na agad ang sinasabi ng book. Ugh, nasagot din ang malaking question mark sa ulo ko." Angel said.
"Pero bakit feeling ko nung una e hindi talaga sya si Rod." Sabi ni Aikel.
"Ate, malamang nagluluksa si Rod kay Prince at katulad na nga lang ng sinabi ni Rod kanina, ginugulo nila ang isip nya. Kaya ang daming pinagbago sa kilos nya at minsan sa pananalita." Sabi ni Angel. Ngayon ko na lang ulit itong narinig na maging madaldal.
"Ang brainable ko ay masyado ng nagagamit. Kelangan ko na ng beauty rest. Babye, love birds-dable." Sabi ni Angel at iniwan na kami.
"I'm sorry kung naapektuhan ka sa pagbabago ko, Aikel. Nalilito lang ako sa nangyayari." Sabi ko.
"It's fine." Sabi nya sa akin. Alam kong galit parin sya dahil sa ginawa namin ni Angel. Parehas lang naman kami ng gusto ni Angel, yun ay ang protektahan sya.
Si Aikel ang tumayong Ate ng lahat. Kaya di namin kakayanin ni Angel kapag pati sya ay mawala. Isang beses na akong nawalan ng mahal sa buhay, ayokong pati sya ay mawala pa sakin.
"Rod, san ka pupunta?" Tanong sa akin ni Angel. Nagbabasa ito ng libro sa sofa habang nagkakape.
"Ahhh, bibili lang ng pagkain natin." Sabi ko sa kanya.
"Sama ako. Gusto ko ring pumunta dun." Sabi ni Angel. Napakunot ang nuo ko. Minsan talaga hindi mo rin maintindihan itong si Angel.
"Pupunta saan?" Sabi ko dito.
"Alam mo, Rod, wag mo akong binubuang. Alam ko naman ng hahanapin mo ang puno kung saan nakalibing ang katawan ni Ophelia e. Tama ako or tama ako?" Sabi nito sa akin. Napakamot na lang ako sa ulo dahil nahuli na naman ako nito.
"Oo dun nga ako pero di ka pwedeng sumama. Walang kasama si Aikel dito." Sabi ko sa kanya.
"Eh? Malaki na yan si Ate, kaya na nya ang sarili nya. Tara na, bago pa mawalan ng epekto ang pampatulog na pinainom ko." Sabi ko Angel at nauna na. Napanganga na lang ako sa sinabi nya. How? Pano nya yun nagawa?
"Tutunganga ka na lang ba dyan, Mr. Laudencia? Tara na-ble." Sabi nito at hinila na ako palabas. Ni-lock muna namin ang pinto bago kami tuluyang umalis.
.
"Sure ka ba na nandito yun?" Tanong ko kay Aikel. Para kasing napapalayo na kami. Nasa gitna na ata kami ng gubat na ito.
BINABASA MO ANG
Ophelia Libano's Curse (COMPLETED)
TerrorPART I ...... Every All Souls' Day, Filipinos observe a long-standing tradition of visiting cemeteries to remember and honor loved ones who have passed away. Some families even choose to stay overnight, sleeping beside the graves, because it is ofte...
