XV (Corazon Geneva Ramirez)

411 28 0
                                        

AIKEL'S POV
______

"Ate, alam mo ba kung bakit di na ako natulog?"

"Hindi, bakit?" Tanong ko dito.

"Bigla kasing lumiwanag yung bag mo e. Yung may nakalagay na book. Kaya di na lang ako natulog." Sabi nito. Kung hindi kami nasa serious situation ngayon, tatawanan ko talaga si Angel dahil sa pagiging matatakutin nito pero iba ngayon.

"In-open mo ba yung bag ko?" I said.

"Hindi na nga, Ate, lumabas na nga ako." Sabi nito. Walang nakakaalam kung anong meron sa book na iyon. Pero bigla akong na-curious sa kung ano ba talaga ang nakasulat doon.

"Ang creepy." Rinig kong bulong nito.

"Kawawa naman si Ma'am Nada no?" Rinig kong sabi ni Rod. Tumingin kami sa kanya pag kaupo namin sa isang mahabang upuan. Kakabili lang namin ng pagkain.

"Bakit, anong nangyari?" Tanong ko. Mukha kasing alam na ng boys ang nangyari e, kami na naman ni Angel ang hindi nakakaalam.

"Natagpuan daw palang patay yung anak nya dun sa abandoned house na pinuntahan natin. Kaya pala sobrang sangsang ng amoy nung pumunta tayo." Napakunot ang nuo ko.

"Kelan daw natagpuan dun?" Tanong ko dito.

"Two days bago tayo pumunta dun." Sabi ni Leejay.

"Anong name nung anak ni Ma'am?" Tanong ni Angel.

"Corazon Geneva Ramirez. Ang sabi ng mga pulis, suicide daw kasi yung mismong itak na regalo ng asawa ni Ma'am Nada yung nakasaksak sa kanya. Hindi pa alam kung suicide or murdered yung nangyari." Sabi ni Rod. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba. Posible kayang sya yung nakita ko?

"Ano daw bang reason ng pagpunta nya dun?" Tanong ni Jayrald.

"Di nga alam kasi patay na rin si Corazon e. Wala naman daw itong ibang ka-text or nakausap bago ito pumunta dun." Sabi ni Rod.

"Dapat binuhay muna si Corazon para matanong kung anong nangyari sa kanya." Sabi ni Leejay.

"Gagu!" Rod said. Napailing-iling na lang ako.

"Oyyy, guys." Napatingin kaming lahat sa papalapit sa aming si Eurice. May dala dala itong pagkain.

"Hi boys!" Sabi nito at nagkunwaring hahalikan ang mga lalaki. Nagsitawanan kami sa kaharutan nya.

"Di nyo manlang ako sinundo huh." Sabi nito ng makaupo sya sa tabi ko.

"Hoy, tinanong ka namin kay Jonathan sabi nya busy ka daw sa room nyo." Leejay said.

"Lukaret talaga yung baklang yun, wala syang sinasabi sa akin na pumunta kayo dun." Sabi ni Eurice.

"Magkatabi lang room natin." Sabi ni Jayrald.

"Ayyy oo nga pala." Sabi nito at tumawa.

"Anong plano nyo, tatambay lang tayo dito?" Tanong nito.

"Tara na, gala na tayo." Sabi ko at tumayo na.

"Jusko ka, Aikel, kakaupo ko lang." Sabi ni Eurice sa akin. Mahina ko itong tinawanan.

Tumayo na kaming lahat at naglakad lakad na. Pinulupot ni Eurice ang braso nito sa akin habang naglalakad kami.

"Anyare pala sa pagpunta nyo sa haunted house?" Tanong ni Eurice. Di sya nakasama sa amin nung time na yun dahil nagtatae sya nung araw na yun. Ayaw nya naman daw sumama sa amin ng panay ang punta sa CR.

"Creepy!" Sabay na sabi namin ni Angel.

"Eh? Anong nangyari?" Tanong nito.

"Sabay sabay na may nangyari sa amin kakaiba nung paguwi namin. Si Leejay, may naririnig daw syang kumakanta sa CR nya, ganun din yung nangyari kay Jayrald, sa sala nya naman daw naririnig yung kanta. Ang kambal naman na si Prince at Rod e may naririnig daw silang kinikiskis na parang kutsilyo daw. Si Angel naman..." Sabi ko at tumingin kay Angel.

Ophelia Libano's Curse (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon