OPHELIA'S POV
___________
"Mercedes, tayo na."
"B-Binibini, sandali po. Sigurado na po ba kayo sa gagawin natin dito?" Sabi nito sa akin.
"Ito ang misyon ko, Mercedes. Kung magtutunganga lang ako sa tabi at walang gagawin maraming tao ang mamamatay ngayon at sa kasalukuyang panahon. Kaya kailangan kong gawin to, pwede mo akong iwan Mercedes kung di ka pa handa." Sabi ko sa kanya at ngumiti ng kaunti.
Kala ko nung una ay aatras ito at iiwan ako sa labas ng mansyon nila Hermes pero may kinuha lang pala ito sa kung saan. Lumapit ito sa akin at may inabot na isang bato at mga gaserang naiwan namin. Napakunot ang nuo ko sa bato nitong dala dala.
"Proteksyon po iyan para sa mga sumpa o kahit anong maitim na mahika na nasa loob. Panandalian lang po proteksyon nito, Binibini, kaya kailangan po nating bilisan." Sabi nito sa akin. Tumango-tango naman ako.
Dahan dahan kaming pumasok sa likod kung saan walang sino man ang makakakita sa aming dalawa ni Mercedes kahit na ang mga taga-batay ng mansyon.
"Paano mo nalaman ang sekretong daanan papasok sa mansyon ng mga Zuleta?" Nagtataka kong bulong sa kanya. Nahihiya itong ngumiti sa akin.
"Dahil po sa aking nobyo, Binibini. Dati po syang naninilbihan sa mga Zuleta, pero kalaunan ay umalis sa paninilbihan dahil sa mababang sahod ni Ginang Dolores. Dito po ako palihim na pumapasok para dalawin sya sa gabi, ipinagbabawal po kasi ang lahat ng mga naninilbihan sa mansyon ng mga Zuleta na lumabas sa kapag malalim na ang gabi." Mahabang sabi nito.
"Bakit?" Nagtatakang tanong ko.
"Hindi ko rin po alam, Binibini. Hindi po nababanggit sa akin ni Juancio ang tungkol doon." Sabi nito sa akin. Bigla naman akong na-curious pero mamaya ko na lang ulit kakausapin si Mercedes about doon.
Pagkapasok namin sa loob ay nilibot ko agad ang aking paningin sa buong mansyon. Walang katao-tao sa loob pero sa labas ng mansyon ay maraming bantay. Bakit kaya? Dahil ba sa tinatago ng pamilyang ito?
"Mercedes, kailangan nating mag-hiwalay para madali nating mahanap yung kwarto kung saan ginagawa ni Hermes ang pagpatay at pag-aalay ng mga katawan ng biktima nya. Kailangan nating bilisan ang pag-hahanap. Kumuha ka ng mga ebidensya na makakapag-patunay na si Hermes talaga ang salarin. Mag-iingat ka, Mercedes." Mahinang sabi ko sa kanya. Tumango-tango ito sa akin.
"Makaka-asa po kayo, Binibini. Mag-iingat din po kayo." Sabi nito sakin bago nagpaalam ng umalis. Tumango-tango ako sa kanya.
Dito ako naghanap sa baba. Una kong hinanap ang basement nila. Pumunta akong kusina, naghanap hanap ako ng pinto at kakaibang bagay doon. Pero wala akong makitang kakaiba or pinto doon. Sunod kong pinuntahan ang sala. Naghanap-hanap din ako doon. Wala akong kahit anong nakitang pinto or lagusan pero may napansin akong kakaiba sa carpet sa sala. Kung susuriing mabuti, hindi pantay ang sahig, medyo nakaangat ito.
Binuklat ko ang carpet at nakitang sadyang nakataas ang sahig nito. Kailangan ko pa ata ng hummer para basagin ang sahig. Kung gagawin ko yun maglilikha lang iyon ng ingay.
Maaaring hindi ito ang daan papunta sa room kung saan ginagawa ni Hermes ang pag-aalay pero alam kong may nakabaon or may something dito.
Tumayo ako at inayos ang carpet. Siniguro ko na walang mapapansin na may gumalaw sa part na yun bago ako tumayo at pinagpatuloy ulit ang pag-hahanap.
Naghanap ako sa gilid ng hagdan. Wala naman akong masyadong napansin na kakaiba doon bukod sa kakaiba nilang woodcraft sa pader. It's two goats looking at each other. Bakit di ko to napansin nung pumunta kami dito? Napatingin ako sa kakaibang kulay ng mga mata nila. Yung nasa kaliwang kambing, ang kulay ng mata nito ay kulay pula at sa kanan naman ay kulay puti na may konting halong itim.
BINABASA MO ANG
Ophelia Libano's Curse (COMPLETED)
HorrorPART I ...... Every All Souls' Day, Filipinos observe a long-standing tradition of visiting cemeteries to remember and honor loved ones who have passed away. Some families even choose to stay overnight, sleeping beside the graves, because it is ofte...
