XVI (Private Property)

399 27 0
                                        

WARNING: This story contains violence, brutal acts, adult language, and situation not intended for insensitive minds.

AIKEL'S POV
_______

"Students you may all go to your cottages. Wala na kaming makikitang lalabas before 9 pm huh." Sabi ni Ma'am Alex.

Naglakaran na kami papunta sa mga cottage namin. Ang boys ay nakasunod lang sa akin. Nasa tabi lang naman ng cottage namin ang kanila. Umupo muna kaming anim sa hagdan ng cottage.

"Anong oras na ba?" Tanong ni Eurice. Tinignan ko ang bagong relo na binigay sa akin ng Ate ko.

"7:30 na." Sabi ko dito. Tumango-tango lang ito.

"Oyyy, sasama ba kayo sa amin mamaya?" Tanong ni Rod.

"Hindi. Hindi rin kayo tutuloy." Sabi ko sa kanya.

"Pero mas maganda yun may--" natigilan sya ng masama ko syang tinignan.

"Sabi ko nga hindi na." Sabi nito. Sandali lang kaming nag-kwentuhan bago kami nagpaalam sa kanila na matutulog na kami.

"Ate, kelan natin sasabihin sa kanila ang tungkol sa book?" Tanong ni Angel na nakahiga na sa kama nya.

"Bukas, siguro." Sabi ko dito.

"Diba, mas maganda kung sinabi na agad natin sa kanila. Kesa yung tayo lang ang nakakaalam." Sabi nito.

"Baka lang kasi galawin nila ang book." Sabi ko dito.

"Basta bukas, Ate, sabihin na natin sa kanila. Patagal ng patagal, nagiging creepy na ang book na yan." Sabi nito. Di ako umimik.

"Matutulog na ako, Ate." Sabi nito.

"Sige." Sabi ko at ngumiti sa kanya. Ngumiti din sya bago pumikit na.

Pinilit kong matulog pero sadyang namamahay ata ang katawan ko. Ilang oras akong nakatulala sa kisame ng room namin ni Angel ng makaramdam ako ng pagkaihi.

Tumayo ako at dahan dahang tumayo pero di pa man ako nakakahakbang ng ilang hakbang ay narinig ko na agad ang boses ni Angel.

"Ate, san ka?" Tanong ni Angel.

"Magc-CR lang. Akala ko'y tulog ka." Sabi ko dito.

"Di rin ako makatulog, Te, namamahay ang katawan ko. Nakapikit lang ako, nagpapaantok." Sabi nito. Tumango-tango ako.

"Samahan na kita, Ate." Sabi nito. Tinignan ko muna ang oras sa relo ko bago kami lumabas ng kwarto. 10 pm pa lang ng gabi. Kapag may nakakita sa aming teacher ay sasabihin ko na lang na iihi lang.

Humawak sa braso ko si Angel. Alam kong nakakaramdam din ito ng takot katulad ko. Kakaiba nga kasi ang aura ng paligid. Sobrang tahimik at medyo madilim na ang paligid. Takot din sya sa madilim.

Pumasok kami ng CR, natawa pa ako kay Angel ng gusto nya pang sumama sa loob ng CR. Natatakot daw kasi sya.
Pagkatapos kong mag CR ay lumabas na agad ako.

"Ang tagal mo, Ate." Pagbibiro nito.

"Luh, mabilis na yun huh." Sabi ko at sabay kaming tumawa.

Habang naglalakad pabalik ay nagtatakutan pa kami ni Angel.

"Gising pa kaya ang mga boys?" Tanong nito. Nagkibit-balikat ako.

"Baka, alam mo naman ang mga yun--"

"AAAHHHHHHHH!" Nanlaki ang mga mata namin ng makarinig kami ng malakas na sigaw na nanggagaling sa gubat kung saan may nakapaskil na private property.

"JAYRALD!" Nagkatinginan kami sa gulat ni Angel ng marinig namin ang malakas na sigaw ni Rod.

Ophelia Libano's Curse (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon