AIKEL'S POV
_______
"SUNUGIN! SUNUGIN! SUNUGIN!" Napatingin ako sa di kalayuan ng may mapansin na mga taong may dala dalang kahoy at sulo.
Tumingin ako sa babaeng nasa unahan nila. Nakatali ang mga kamay nito, gulo gulo ang kanyang mga buhok, malakas syang umiiyak habang nagmamakaawa sa kanila. Tumingin sya sa akin. At para bang nagmamakaawa sya na tulungan ko sya.
"SALOT! SALOT! SUNUGIN! SUNUGIN!" Tumayo ako at tumakbo sa likod ng malaking puno.
Naririnig ko ang mga sigaw nila na papalapit ng papalapit sa aking pwesto. Tumingin ako sa paligi. Di ko alam kung nasan ako ngayon. Asan kaya sila Angel at Rod?
"Help me! No soy culpable! Let me go, please! No soy culpable!" Dahan dahan akong sumilip sa babae. Nagulat pa ako ng nakatingin pala ito sa akin.
"Help me." Sabi nya habang nakatingin sa akin. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nya.
Isinuot sa kanya ang lubid. Ibibigti ba sya?
"Hasta que nos volvamos a encontrar, Aikel!" Sabi nya habang nakatingin parin sa akin. Lalapit na sana ako sa kanya ng biglang dumilim ang paligid.
.
Unti unting lumiwanag ang paligid. Napansin ko agad na nasa ibang lugar ako. Ito ang bahay ng Governor dati.
"Herson, tu no eres mi amor. Si Alain ang aking mahal." Sabi ng isang magandang babae habang nakaluhod na umiiyak at nagmamakaawa.
"No es posible. Eres sólo mía, Ofelia. Akin ka lang. Mataré a ese hombre." Galit na galit na usal ng lalaki sa harap nya.
"Ako ay nagmamakaawa sa iyo, Herson. Si Alain ang mahal ko sapagkat sa kanya ko lang naramdaman ang kaligayan at tunay na pagmamahal." Sabi ng babae. Galit na tumingin sa kanya si Herson.
"Hindi ko hahayaang makuha ka niya. Ikaw ay akin lamang. Hindi ko ibibigay ang aking pagmamay-ari kahit kamatayan pa ang kapalit." Sabi nito. Tumayo si ang babaeng si Ophelia at galit na tinignan ang lalaki.
"Hindi mo ako pagmamay-ari, Herson. Ningún hombre es dueño de mí. Hindi kita mahal. Nunca te amaré--" Malakas na sinampal ni Herson si Ophelia sa kanyang pisngi bago Galit nitong hinawakan ang baba ng dalaga.
"Kung hindi ako ang pipiliin mong makasamang habang buhay, hindi ako papayag na mapunta ka sa ibang lalaki, Ophelia. Papatayin na lang kita kung hindi ka mapapasaakin." Sabi nito at dahan dahang binitawan ang pagkakahawak sa baba ni Ophelia.
"Sisirain ko ang pangalan mo hanggang sa sila na mismo ang susumpa at papatay sayo." Sabi nito bago nya tinalikuran ang takot na takot na si Ophelia
Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Napahawak ako sa aking ulo dahil medyo sumasakit ito. Maliwanag na ang paligid. Nanlaki ang mga mata ko at hinanap agad si Angel at si Rod pero hindi ko sila makita.
Lumabas ako at saktong naabutan ko si Angel. Papasok pa lang ito. Laking gulat nito ng makita akong gising na.
"Ate, okay ka na ba?" Tanong nito sa akin. Binigyan nya ako ng kape.
"Bigay ni Ma'am Athena." Sabi nya.
"Kelan pa siya dumating?" Tanong ko dito.
"Kaninang madaling araw, Ate. Babalik na rin daw tayo. Ipapaalam na lang daw sa mga magulang ng mga namatay na studyante ang nangyari. Sana ito na ang last. Nakakatakot na." Sabi nya sa akin. Umupo kami sa hagdanan. Humigop ako ng konti sa kapeng binigay ni Angel.
BINABASA MO ANG
Ophelia Libano's Curse (COMPLETED)
HorrorPART I ...... Every All Souls' Day, Filipinos observe a long-standing tradition of visiting cemeteries to remember and honor loved ones who have passed away. Some families even choose to stay overnight, sleeping beside the graves, because it is ofte...
