(THE END?)

304 28 1
                                        


WARNING: This chapter contains violence, brutal acts, adult language, and situation not intended for insensitive minds.

OPHELIA'S POV
___________


"Sayzia..."

"Sayziaa!"

"Sayziaaa!!"

"SAYZIAAAA!!!"

"SAYZIAAAAA!!!"

"HAHAHAHAHA!!! I'M COMING!"

Tumingin ako sa paligid. Sobrang dilim. May iisang ilaw lang ang mismong nasa ulunan ko na nagbibigay ng liwanag, pero di ko naaaninag ang paligid.

Napatingin na naman ako sa kaliwa, kanan, likuran, at unahan ko ng marinig ko na naman ang nakakatakot na boses na iyon. Hindi ko alam kung san ba ito nagmumula.

"Sayzia..."

"Sayziaa!"

"Sayziaaa!!"

"SAYZIAAAA!!!"

Lagi lang itong nagsisimula sa malunanay na boses hanggang sa unti unti itong lumalakas at mas nakakakilabot sa pandinig.

"HAHAHAHAHA!!! Hindi ka magtatagumpay, Saizya..."

Biglang tumigil ang boses sa pagsasalita. Bigla akong naalarma lalo na ng may maramdaman akong presensya sa aking likuran.

"...dahil papatayin na kita ngayon din." Saktong tingin ko sa likuran ko ay ang sakto ding pagsakal ng halimaw sa aking leeg.

Hindi ako makahinga. Hinawakan ko ang kamay nya at pilit itong itinatanggal sa pagkakasakal sa aking leeg. Ang lakas nya.

"Nasa akin na ngayon ang katawan mo, Sayzia. You failed! HAHAHAHAHAHA!!!" Nanlabo ang aking mga mata habang unti unti akong nauubusan ng hininga.

"Tu-t-tulong..." Nanghihinang sabi ko.

Nauubusan na ako ng pag-asa ng may bigla akong maalala. Ang punyal! Kinapa-kapa ito ng nanghihina at nanginginig kong kamay. Nagkaroon ako ng pag-asa ng makapa ko ito at makuha.

"You failed, Hermes! I win!" Sabi ko at sinaksak ito sa mismong puso nya. Nanlalaki ang mga mata nya habang nakatingin sa akin. Gulat na gulat at hindi makapaniwala sa biglaang nangyari. Kasabay ng pagbitaw nya sa leeg ko ay ang pagtumba nya sa matigas na sahig.

"I wish you to go to hell, Hermes."
.

.

.

"AHHHHH!" Habol ko ang hininga ko ng magkamalay ako. Tagaktak ang pawis ko at nanginginig din ang labi ko.

Isang panaginip. Panaginip na binigyan ako ng pag-asa para lumaban. Tumingin ako sa paligid, nakita ko agad ang malaking bulto ni Hermes na nakatalikod sa akin. Para bang may binabasa ito gamit ang nakakatakot at malalim na boses. Hindi ko maintindihan, pero alam kong isa itong orasyon.

Ang tanga nya lang sa part na hindi nya manlang akong tinali. Masyadong mataas ang tiwala nya na hindi ko sya sasaktan. Tumingin muna ako sa oras, limang minuto na lang sakto sa pag-gising ko. Kinuha ko ang punyal sa aking hita at sinimulan ang plano ko.

Pinatong ko ang recorder sa isang aparador bago ko kinuha ang palakol at maliit na sako sa gilid. Pinatay ko isa isa ang mga kandila maliban sa isang kandila sa mismong harap nya, hindi nya ito pansin dahil nakapikit ito habang sinasabi ang orasyon nya. In-adjust ko muna ang paningin ko sa dilim. Sinadya kong nakabukas ang kandilang iyon para kita ko parin sya. Kapag nagsimulang tumunog ang recorder, yun na ang hudyat ko.

Ophelia Libano's Curse (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon