XXIV (White Goat)

385 28 0
                                        

SAYZIA'S POV
________


"Where are we going, Dad, Tita Aikel?" I asked them. Ngayon lang ako nangahas na tanungin sila kung saan kami pupunta.

"To someone who will help us." Sabi ni Daddy. Tumango-tango na lang ako at tumingin sa katabi ko.

They injected some drugs that can make Linus sleep. He's being more aggressive whenever he saw me. Nalilito parin ako sa mga nangyayari kahit na sinabi na ni Tita Aikel sa akin na maaring nangyari kay Linus ang nangyari kay Angel dati, sa kaibigan nila.

Napakunot ang nuo ko ng makita ang dinadaanan namin. Puro puno ito at hindi rin sementado ang daan. Lubak-lubak ito at maraming malalaking bato ang nasa gitna ng daan.

"D-Dad, can you please tell me kung san tayo pupunta? Tita Aikel?" I said. Hindi pa ako nakakapunta sa lugar na ito at feeling ko ay parang naliligaw kami dahil para bang pauli-ulit lang ang dinadaanan namin.

"Sa Sityo Maligno." My father said. Tumango-tango na lang ako. Pangalan at itsura pa lang ng lugar ang creepy na.

"Hindi na tayo mahihirapan na hanapin sya dahil sya din mismo ay hinahanap tayo." Sabi ni Tita Aikel. Tumango-tango na lang ako sa sinabi nya kahit na medyo naguguluhan pa ako sa nangyayari.

Ilang minuto lang ay natanaw na namin ang maliliit na bahayan. Dikit dikit ang mga ito pero ibang iba ito sa in-expect ko. Maraming tao ang nasa labas. Ang iba sa kanila ay nakatambay sa labas ng kanilang bahay habang masayang nagku-kwentuhan. May iba pa akong nakita sa gilid na mga binatang nagba-basketball, mga dalagitang masayang nanunuod, at mga batang naglalaru sa labas ng kanilang bakuran.

Itinigil ni Daddy ang sasakyan sa isang luma pero malaking bahay. Kung papansinin ang bahay na ito ay parang ginawa ito during Spanish colonization. Pero hindi ito nakakatakot tignan dahil na rin siguro sa magagandang uri ng bulaklak na nakapaligid dito.

Pagkababa namin ng sasakyan ay narinig ko agad si di kalayuan ang kantahan. Lumingon ako sa paligid at napansin na may handaan sa di kalayuan. Mga anim na bahay ang pagitan simula dito.

"Tao po, Aling Sonya?" Sabi ni Tita Aikel. Ilang minuto lang ay may lumabas na babaeng hindi naman ganun katandaan. Kung titignan ay parang nasa 30s pa lang ito.

"Pasok ho kayo." Sabi nito sa amin bago ngumiti. Binuksan nito ang gate nila at pinapasok kami.

"Nasaan si Aling Sonya?" Tanong ni Tita Aikel sa babae.

"Nasa loob po sya nagluluto. Makisuyo lang po sa akin na papasukin ko kayong mga bisita nya." Sabi nito sa amin.

Pagpasok namin sa bahay nila ay bigla akong namangha dahil sa vintage na design nito. Pati ang mga painting at ibang kagamitan dito ay mapapansin mong matagal na pero alam mong talagang inaalagaan nila.

"Maupo ho kayo, tatawagin ko lang si Mama." Sabi nito sa amin bago umalis.

Tumingin-tingin ako sa paligid. Maraming magagandang kagamitan dito lalo na ang mga paintings and pictures sa pader. Isa sa nakakuha ng aking pansin ay ang isang litrato ng magkaibigan. Parehas itong nakangiti sa isa't isa. Sa unang tingin ko pa lang dito ay napansin ko na na si Ophelia ang nasa gilid ng isang babae. Naputol ang tingin ko sa picture ng may biglang magsalita si Tita Aikel.

Ophelia Libano's Curse (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon