XXXI (Aragon at Cavañero)

331 26 0
                                        

OPHELIA'S POV
________

"Mercedes, pwede mo bang sabihin sa akin ang mansyon ng mga Aragon at Cavañero?" Mahinang tanong ko kay Mercedes. Tumango-tango ito sa akin.

"Bakit po, Binibini?" Tanong nito. Nag-isip isip ako. Hindi pwede ngayon dahil alam kong may rason kung bakit nandito sila Hermes at Linus, pero baka huli na ang lahat kung ipagpapabukas ko pa.

"Mercedes, pakisabi sa aking ina na biglang sumama ang pakiramdam ko. Kailangan ko lang munang magpahinga." Sabi ko sa kanya.

"Makakaasa ka, Binibini." Sabi nito sa akin.

"Aalis lang ako sandali. Babalik din ako agad." Sabi ko sa kanya bago ko kinuha ang balabal at tinabon ito sa aking mukha.

"Binibini, saan po kayo pupunta? Delikado po kung magisa--" pinutol ko ang sinasabi nya.

"Pupuntahan ko ang mansyon ng Aragon at Cavañero. Kailangan ko na silang masabihan habang may oras pa." Sabi ko sa kanya.

"Pero masyadong delikado, Binibini." Sabi nito sa akin.

"Kaya ko ang sarili ko. Wag kang mag-alala." Sabi ko sa kanya bago ngumiti.

"Mauuna na ako. Sabihin mo agad ang sinabi ko." Sabi ko sa kanya bago lumapit sa malaking bintana.

"Binibini--"

"Shhh! Wag kang maingay. Baka may makarinig pa sa atin." Sabi ko sa kanya.

"Pero delikado po ang gagawin nyo, Binibini. Baka po kayo ay mabalian." Nag-aalalang sabi nito sa akin.

"Mag-tiwala ka sa akin, Mercedes. Alam ko ang ginagawa ko." Sabi ko bago tumuntong sa bintana. Dahan dahan ako sa pagbaba galing sa bintana. Kitang kita ko ang pagkabalisa ni Mercedes habang nakatingin sa akin sa baba.

Pagkababa ko ay muntik pa akong mapairit ng makita ko si Linus sa baba. Nakanganga ito habang nakatingin sa akin. Lumapit agad ako sa kanya at hinila sya.

"Alam mo ba ang papunta sa mansyon ng Aragon at Cavañero? Kelangan kong makapunta dun." Sabi ko sa kanya.

"Hindi ko alam ang mansyon nila pero alam ng **** ko ang mansyon nila." Sabi nito sa akin.

"Okay pahiram muna ng karwahe mo huh." Sabi ko sa kanya at mabilis na tumakbo papunta sa karwahe nya.

Sumakay agad ako dito at sinabi ang lokasyon ng pupuntahan ko. Parang nagdadalawang isip pa ito kung susundin ba ang sinabi ko pero sa huli ay pumayag na din ito ng tinanguan sya ni Linus.

Hindi ganun kalayo ang bahay ng mga Aragon. Dahan-dahan akong bumaba ng karwahe bago lumapit sa gate nila. Pinapasok ako ng nagbabantay sa gate ng mansyon.

Bago pa man ako makalapit sa pinto ng mansyon nila ay may nagbukas na agad ng pintuan ng mansyon. Bumungad sa akin ang maganda babae na hindi ganun katangkaran. Tingin ko hanggang balikat ko lang sya.

Sa emosyon pa lang na ipinapakita nya sa akin ay halatang hindi sya mukhang palakaibigan o mabait.

"Ano ang ginagawa ng isang Libano sa aming tahanan?" Masungit na sabi nito sa akin pero binalewala ko na lang iyon.

"Ikaw ba si Angelita Aragon?" Tanong ko sa kanya. Tinaasan nya ako ng isang kilay.

"Sa ganda kong tinataglay, ikaw lamang na isang Libano ang hindi nakakakilala sa akin." Masungit nitong sabi. May binulong sa kanya ang nasa gilid nyang babae bago ulit tumingin sa akin si Angelita.

"Kaya pala basta-basta ka na lang pumasok sa aming bakuran ay dahil nagkaroon ka ng pagkalimot sa nakaraan." Sabi nito sa akin. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

Ophelia Libano's Curse (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon