OPHELIA'S POV
________
"Binibini."
Lunapit ako sa kanya at umupo sa tabi nya. Hindi kami sobrang lapit sa isa't isa, tama lang ang pagitan sa aming dalawa.
Hindi ko alam kung saan yung tinutukoy nyang ilog ng mariposa kaya nagpasama pa ako kay Mercedes papunta dito. Umalis din naman agad si Mercedes pagkahatid nya sakin dito. Bumuntong-hininga muna ako bago nagsimulang magsalita.
"Ginoong Alain, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Nais kong sabihin sayo na gusto kong itigil ang kahibangang namamagitan sa ating dalawa." Dire-diretso kong sagot dito. Halatang natigilan ito at tumingin sa akin.
Nakita ko agad ang pagdaloy ng sakit sa kanyang mukha. At parang hindi rin ito makapaniwala sa aking sinabi.
"Ano ang ibig mong sabihin, Binibini? Anong kahibangan ang iyong tinutukoy?" Sabi nito sa akin. Kahit na alam kong nasasaktan sya sa sinabi ko ay pinanatili nya parin ang pagiging kalmado sa pakikipagusap sa akin.
"Hindi tayo pwede, Alain..." Parang sinaksak ng libo-libong karayom ang puso ko ng makita ko ang sakit at lungkot sa kanya.
"Kahit na hindi ikaw ang tunay na anak, sa mata ng lahat, sa mata ng mga magulang natin, magkadugo tayo, Alain. Ayokong parehas nating pagdusahan ang mali nating desisyon sa buhay, kaya't hanggang maaga pa gusto kong itigil na natin ito." Sabi ko sa kanya. Hindi ko kinakaya ang nakikita ko sa mukha nya kaya iniiwasan kong mapatingin sa kanya.
"Pero ang sabi mo sa akin ay mahal mo ako at ipaglalaban nating pareho ang anumang namamagitan sa atin hanggang kamatayan. Ophelia, nangako ka sa akin, iyon na lang ang pinanghahawakan ko kahit na alam kong may plano ang iyong mga magulang na ipakasal ka kay Hermes. Parang awa mo na, Binibini, aking Mahal——" sabi nito habang pilit na hawakan ang aking kamay.
"Hindi ako si Ophelia. Kelangan ko tong gawin para sa mga taong mahahalaga sa'kin." Sabi ko sa kanya habang umiiyak.
"Kung hindi ikaw si Ophelia, sino ka?" Seryosong sabi nito sa akin. Doon ako biglang natauhan. Dahan dahan akong tumingin sa kanya at ganun parin naman ang ekspresyon nya.
"I-I'm, S-Sayzia." Sabi ko. Sana tama itong desisyon ko. Biglang nagbago ang ekspresyon nya at napalitan agad ng ngisi ang labi nya.
"I know, baby." Sabi nya na nakapagpagulat sa akin.
"What the f*ck——"
"Watch your mouth, lady. Anyway, my real name is Linus. Your boyfriend." Sabi nito sa akin. Bigla akong napanganga. Mas lalo akong nagulat ng mabilis ako nitong hinalikan sa labi. Tumingin-tingin agad ako sa paligid dahil baka may taong nakakita ng ginawa nya.
"Linus!" Saway ko dito pero tinawanan nya lang ako.
"Ang hirap mag-tagalog ng straight. I'm happy that you're here, it only means you made it. Ophelia told me, before you possessed her body——"
"What?? This is the real me. It's my body." I said.
"Calm down, baby. I'm just kidding. Back to what I am saying, pupunta ka raw dito at papalitan mo sya para sa misyon mo and your mission is to stop the curse." He said. Tumango-tango ako.
"We can do the mission together, we can stop the curse together, we can help he——" malungkot itong tumingin sa akin.
"Baby, I'm sorry. I can't help you because if I tried helping you, you wouldn't be able to return to the present. I'm sorry. H-hindi ko yun gusto." Sabi nito sa akin. Tumango-tango ako para malaman nya na naiintindihan ko ang sinabi nya.
BINABASA MO ANG
Ophelia Libano's Curse (COMPLETED)
TerrorPART I ...... Every All Souls' Day, Filipinos observe a long-standing tradition of visiting cemeteries to remember and honor loved ones who have passed away. Some families even choose to stay overnight, sleeping beside the graves, because it is ofte...
