XIII (Not The End)

570 28 0
                                        

SAYZIA'S POV
__________


"Let's go."

"Why are we here?" Nagtatakang tanong ni Linus.

"They showed in my dream and they want us to go here." Sabi ko.

Nagpakita sila sa panaginip ko at pinapapunta kami dito sa Mall. Hindi na nakakapagtaka na hindi ito nakasara kahit na alas dos na ng madaling araw.

Pumasok kami dito bitbit ang mga gamit na gagamitin namin sa plano. My father makes sure that the CCTV's are closed before we go here.

"They said at three o'clock in the morning they were going to come here." I said.

"Yun lang ba ang sinabi?" Tanong ni Tita Aikel. Tumango-tango ako.

We position ourselves. Yung ibang store na gagamitin namin dito ay binuksan nila Daddy. We're planning to trap the killers.

Hinalo namin ang dugo sa tubig at kinalat namin ito sa sahig papunta sa store na binuksan nila Daddy maliban sa isang store kung saan dun kami pupwesto ni Linus.

Sabi ni Tita Aikel na dugo ko lang daw ang susundan ng mga killers. Ang pinagtataka ko lang talaga e bakit pati si Linus ay kinuhanan nila ng dugo? Kung hindi pa ako biglang pumasok sa room ni Linus, di ko pa makikita na kinukuhanan nila ito ng dugo.

Ang sabi ni Tita Aikel para daw ito sa second plan. Hindi ko alam na may second plan pa pala. They're not telling me about it. But why Linus?

Kaya ngayon iniisip ko na kung sakin ba talagang dugo ang nilagay nila or kay Linus. Naalala ko rin ang nangyari nung araw. Nung gabing basang basa si Linus galing sa labas. Tinanong ko sa kanya kung bakit dumudugo ang kamay nya pero sabi nya, nasugatan lang daw sya.

Iniisip ko na hindi kaya ginawa nya ang pagta-transfer ng curse sa kanya. Wala akong tulog kakaisip sa mga nangyayari.

"Sayzia, are you okay? Kanina ka pa balisa dyan." Tanong sa akin ni Daddy.

"Daddy, are you hiding a secrets from me?" I said. In-expect ko na iiwas si Daddy ng tingin sa akin pero hindi. I know, he's good at lying.

"No." Sabi nito. Tumango-tango na lang ako kahit sa loob loob ko ay nalilito at naiinis na sa ginagawa nila.

Pumwesto kami sa pinaka gitna na store. Dito may nagbebenta ng mga iba't ibang uri ng isda. Ito ang pinili namin para mabilis lang akong mailulunod ni Linus dahil may tubig na dito.

Ako nga ba ang kelangang mamatay or si Linus. Katabi ko sya ngayon. Parehas kaming nakaupo sa labas ng store, naghihintay ng oras.

"Linus, tell me the truth. Alam kong may tinatago kayo sa akin. But keeping secrets from me can't help us defeat them." I said. Malakas itong bumuntong-hininga bago nagsalita.

"Nasa akin na ang curse, wala na sayo. The blood we used is from me. Sabi ko sa kanila na ako na lang ang magsasabi sayo ng totoo." Sabi nito.

"Bakit mo ginawa yun, Linus. For fucking sake." Galit na sabi ko sa kanya.

"I can't kill you, Sayzia. Hindi ko kaya. Natatakot ako na baka, hindi kita mabuhay agad." Sabi nito.

"And so I am. Bigla bigla kang nagdidesisyon ng hindi mo manlang sinasabi sa akin." Sabi ko.

"Sinabi ko sayo pero ayaw mo." Sabi ni Linus.

"Exactly!" Galit na sabi ko. Tumayo ako at umalis na sa tabi nya.

Naglibot libot muna ako sa paligid, baka sakaling may makita ako na pwede gamitin. Kelangan ko ring magisip ng isang plano. May nakita akong unan. Makapal ang tela nito. Kinuha ko ito at tsaka na bumalik sa pwesto namin ni Linus.

Ophelia Libano's Curse (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon