AIKEL'S POV
_______
"Aikel."
"Psssttt, Aikel." Nagulat ako ng biglang tumambad sa harapan ko si Eurice. Akala ko kasi nagha-hallucinate na naman ako kaya di ko pinansin ang tawag nya sa akin.
"Kanina pa kita tinatawag, di mo manlang ako nililingon." Sabi nito. Napakagat ako sa labi. Ilang araw na akong parang wala sa sarili.
"Aalis na daw tayo, tara na. Hinihintay na tayo ng barkada." Sabi nito at hinila na ako.
"Dito dito." Sabi ni Angel na nasa pinaka dulo ng bus. Di na naman ito papayag na tumabi ako kay Rod sa upuan. Parehas kasi kaming mahihiluhin sa byahe pero mas matindi sya.
Hinila ako nito paupo ng makalapit ako sa kanya. May hawak hawak na itong inhaler at supot naman sa kabilang kamay nito.
"Dito ka tumabi sa akin, ayokong tabihan yung iba. Maaarte yang mga yan e." Sabi nito.
"Angel, palitan tayo ng upuan." Tumingin ako sa boyfriend ko na si Rod. Malamang kanina pa nito kinukulit si Angel. I mean, kagabi pa.
"Ano ba, Mr. Laudencia. Apaka kulit mong lalaki ka. Sa akin tatabi si Ate." Inis na sabi ni Angel at tinaasan nya pa ng kilay si Rod.
"Hayaan mo na sila, Pre. Mamaya na lang kayo maglambingan ni Aikel kapag nakarating na tayo." Sabi ni Leejay na katabi ni Rod.
Tumingin ako sa katapat ko na upuan at andun nakaupo si Prince at si Jayrald. Nagku-kwentuhan at nagtatawanan ito na parang may sarili silang mundo.
Kinuha ko ang candy ko sa bulsa ng magsimula ng umandar ang bus. Nagbukas na rin ako ng mint candy para maiwasan ko ang mahilo. Sa ngayon hindi pa ako nahihilo pero kapag naramdaman ko na ang paguga at pagtigil ng sasakyan ay unti unti na akong makakaramdam ng hilo. Kaya hanggat maari ay kailangan kong makatulog.
Dalawang araw na akong walang tulog. Simula nung makauwi kami galing sa abandoned house na pinuntahan namin sa lugar din namin sa Cabacalan.
Usap usapan kasi sa lugar namin na may curse daw ang bahay na iyon. Lahat daw ng nagbabalak na pumunta doon ay namamatay. Kaya napag-planuhan din namin na pumunta doon para sa thrill, pero simula nun may kakaiba ng nangyayari sa amin.
Nagsimula ito ng makita ko ang libro na nasa loob na ng kwarto ko. Hindi ko naman kinuha yun nung umalis kami dun. Pero ng mahawakan ko ito gamit ang kamay ko na may dugo ay bigla itong lumiwanag at umiba ang nakasulat dito. A new story can be written. Yan ang nakasulat. At kinabukasan ay nakita ko na lang ito na nasa kama ko.
Hindi ko ito ginalaw o hinawakan manlang. May nararamdaman kasi akong kakaiba.
Umayos ako ng upo. I relaxed my body and my mind. Ilang minuto lang ay nakatulog na rin ako.
________
Nagising ako ng may yumugyog sa akin. Tinignan ko ito at medyo nagulat pa ako ng makitang sobrang lapit ng mukha ni Angel sa mukha ko.
"Ate, andito na tayo." Sabi nito sa akin. Tumingin ako sa paligid. It's a camp site. Pero may mga cottage din dito.
Tumigil ang bus at isa isang nagsilabasan ang mga estudyante. Binuhat ni Rod ang iba kong gamit. Magkakasama ang mga babae sa section namin sa isang cottage. Magkakaiba iba ito ng room pero iisang malaking cottage lang kami.
Hindi sana ako papasamahin ng Mama ko dahil ayaw talaga nun na sumasama sama ako sa mga camping, field trip, and retreat. Pero sabi ko, dagdag points din ito sa grade at gusto ko rin mag-enjoy dahil graduating na kami. Iniyakap ko pa yun para pumayag.
BINABASA MO ANG
Ophelia Libano's Curse (COMPLETED)
HorrorPART I ...... Every All Souls' Day, Filipinos observe a long-standing tradition of visiting cemeteries to remember and honor loved ones who have passed away. Some families even choose to stay overnight, sleeping beside the graves, because it is ofte...
