OPHELIA'S POV
________
"Binibini, natutuwa akong makita kang maayos na ang kalagayan. Mabuti naman ay wala kang natamong mga sugat at pasa dahil sa nangyaring aksidente." Sabi nito sa akin.
Hindi ko talaga mapigilang hindi matulala sa itsura nya. Sobrang na-miss ko sya. Gustong gusto ko syang yakapin ngayon pero baka bigla syang magtaka.
"Binibini, ayos ka lang ba? May dumi ba ako sa aking mukha?" Nag-aalalang tanong nito.
"Maaring hindi ka nya naaalala, Ginoo." Sabi ni Ina kay Linus—I mean kay Alain. Yeah, Ina na rin ang tawag ko sa kanya para masanay na rin ako.
Mother approached Alain. Alain offered his left arm to my mother, which my mother accepted and and wrapped her arm around his.
"Nakakapagtaka man ang biglaang pagkawala ng sugat nya sa kanyang nuo ay ipinagpawalang bahala ko na lang iyon dahil ang importante ay maayos na ang kalagayan ng Binibini..." Rinig kong sabi ng aking ina. So, may sugat pala ako sa aking noo pero bigla na lang itong nawala.
"Iniisip ko na lang na maaring nawala ito dahil sa gamot na nilalagay ko sa kanyang sugat." Pagpapatuloy nito. Nasa likod kami ni Mercedes at nakasunod lang kami sa kanila.
"Kamusta na ang aking kapatid, ang iyong Ama? Balita ko'y sumakit daw ang mga tuhod nito dahil sa pagsasayaw." Sabi ng aking ina at mahinang tumawa.
Aking kapatid? Ang iyong Ama? Ibig sabihin ba nito na pinsan ko si Alain? Pinsan ni Ophelia si Alain pero ang sabi ni Ophelia...
"Herson, tu no eres mi amor. Si Alain ang aking mahal." Sabi ng isang magandang babae habang nakaluhod na umiiyak at nagmamakaawa.
"No es posible. Eres sólo mía, Ofelia. Akin ka lang. Mataré a ese hombre." Galit na galit na usal ng lalaki sa harap nya.
"Ako ay nagmamakaawa sa iyo, Herson. Si Alain ang mahal ko sapagkat sa kanya ko lang naramdaman ang kaligayan at tunay na pagmamahal." Sabi ng babae. Galit na tumingin sa kanya si Herson.
"Hindi ko hahayaang makuha ka niya. Ikaw ay akin lamang. Hindi ko ibibigay ang aking pagmamay-ari kahit kamatayan pa ang kapalit." Sabi nito. Tumayo si ang babaeng si Ophelia at galit na tinignan ang lalaki.
"Hindi mo ako pagmamay-ari, Herson. Ningún hombre es dueño de mí. Hindi kita mahal. Nunca te amaré--" Malakas na sinampal ni Herson si Ophelia sa kanyang pisngi bago Galit nitong hinawakan ang baba ng dalaga.
"Kung hindi ako ang pipiliin mong makasamang habang buhay, hindi ako papayag na mapunta ka sa ibang lalaki, Ophelia. Papatayin na lang kita kung hindi ka mapapasaakin." Sabi nito at dahan dahang binitawan ang pagkakahawak sa baba ni Ophelia.
"Sisirain ko ang pangalan mo hanggang sa sila na mismo ang susumpa at papatay sayo." Sabi nito bago nya tinalikuran ang takot na takot na si Ophelia.
Si Alain ang mahal nya. Ibig bang sabihin nito ay——
"Mija, ayos ka lang ba?" Gulat akong napatingin sa kanila.
"Bigla lang pong sumakit ang ulo ko, pero ayos lang po ako." Sabi ko sa aking ina. Iniiwasan kong tumingin kay Alain dahil ayokong makita ang reaction nya.
"Gusto mo bang magpahatid pabalik sa mansyon para makapagpahinga ka muli?" Tanong sa akin ng aking ina. Umiling-iling ako bago ngumiti sa kanya.
"Okay lang po ako, wag po kayong mag-alala." Sabi ko dito. Tumango-tango ang aking ina bago hinila na ulit si Alain sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Ophelia Libano's Curse (COMPLETED)
HororPART I ...... Every All Souls' Day, Filipinos observe a long-standing tradition of visiting cemeteries to remember and honor loved ones who have passed away. Some families even choose to stay overnight, sleeping beside the graves, because it is ofte...
