OPHELIA'S POV
_______
"Preparar los carruajes." (Ihanda ang mga karwahe.) Utos ng aking ina kay Mercedes. Tumango-tango si Mercedes at nagmamadaling umalis sa harapan namin.
"Ina, saan po ulit tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.
"Sa bahay ng aking kaibigan kong si Dolores. Ipapakilala rin kita sa anak nya." Sabi nito sa akin.
"Ano pong pangalan ng anak nya?" Tanong ko.
"Herm--"
"Senyora, handa na po ang mga karwahe sa labas." Sabi ni Mercedes. Tumango-tango naman ang Ina at hinila na ako palabas.
Pagkapasok namin sa karwahe ay agad din itong pinaandar. Ngayon na lang ulit ako nakalabas ng mansyon. Gustong gusto ko man lumabas, hindi ko naman alam kung san ako pupunta. Paalala din sa akin ni Linus na mas maganda kung nasa mansyon lang ako parati.
As usual, puro puno at palayan ang aming nadadaanan. Nagkaroon lang ng konting kabahayan ng nasa pinaka-bayan na kami.
"Dadaan tayo sa plaza. May bibilhin ka ba, Mija?" Tanong sa akin ng ina. Umiling-iling na lang ako dahil wala din naman talaga akong maisip na bilhin.
Malayo pa lang ay tanaw na namin ang maraming tao na nagtutumpukan sa harap ng plaza. Ano kayang meron? Bakit ang daming tao?
"Anong meron? Bakit ang daming tao ngayon sa plaza? Itigil ang karwahe." Tanong ng ina ng matapat kami sa plaza. Agad itong bumaba at naglakad papalapit sa kumpol ng mga tao kaya nagmamadali akong sumunod sa kanya.
Nagsitabi ang mga tao ng makita kaming paparating. Natigilan agad si Ina ng makarating sya sa unahan. Dahil malayo ang pagitan namin ay hindi ko agad nakita ang tinitignan nya, kung bakit sya natigilan.
Nang makalapit ako kay Ina ay tsaka lang din ako natigilan at nanlumo sa nasaksihan ko sa unahan.
Dalawang babaeng wala ng buhay. Nakahubad mga ito kaya kitang kita ang malalaking sugat sa kanilang mga dibdib, wala na itong mga puso. Habang ang mga mata nito ay wala na rin at pati ang dila ng mga ito ay putol na. There are dead Crocus flowers inserted in the side of their ears. I know this flower, dahil naalala kong laging binibigyan ni Daddy si Mommy ng bulaklak ng crocus nung nabubuhay pa si Mommy, pero ayaw ni Mommy ng bulaklak na ito dahil hindi naman daw iyon ang gusto nya at lalo nang alam nya na ex ni Daddy ang may gusto nun which is si Tita Aikel.
Napatingin ako sa mga nakasulat sa kanilang mga hita. Para bang inukit ito sa mga balat nila gamit ang matilos na bagay.
Caduceus
Ang nakasulat sa babaeng nasa kaliwa. Hindi ako familiar sa word na ito.
υδράργυρος
Ito naman ang nakasulat sa hita ng nasa kanan. It is written in greek. Pero di ko alam kung ano ang ibig nitong sabihin. Pilit ko itong sinaulo ang nakasulat sa kanilang mga hita. Kelangan kong malaman ang mga salitang ito.
"Tara na." Sabi ni Ina at hinila na ako papaalis. Nagkumpulan na naman ang mga tao ng makaalis kami.
Hanggang sa makasakay kami sa karwahe ay iniisip ko parin ang mga nakita ko sa dalawang babae at ang mga karumaldumal na nangyari sa kanila. Sino ang demonyong gumawa nun sa kanila.
"Ina, nais ko po sanang pumunta sa silid-aklatan. Pwede po ba tayong pumunta doon bago umuwi?" Tanong ko sa kanya. Tumango-tango ito.
"Oo naman, Mija." Sabi nito sa akin at ngumiti. Ngumiti din ako sa kanya.
Tumigil ang karwahe sa tapat ng isang malaking puting mansyon. Mas malaki sa bahay nila Ophelia pero sa ganda ay mas maganda ang kila Ophelia.
Naunang bumaba si Ina bago ako sumunod sa kanya. I have a bad feeling here, I don't know why.
BINABASA MO ANG
Ophelia Libano's Curse (COMPLETED)
TerrorPART I ...... Every All Souls' Day, Filipinos observe a long-standing tradition of visiting cemeteries to remember and honor loved ones who have passed away. Some families even choose to stay overnight, sleeping beside the graves, because it is ofte...
